5

896 19 1
                                    

"Eto maganda oh di kaba nagagandahan sa dress na toh, pak na pak oh baka pati si alden magpabebe wave sayo" natatawang Jerome habang namimili kami ng mga damit sa mall

"Ikaw babe okay lang sayo yan?" Tanong ko muna kay zeus na busy sa kanyan cellphone, dahil naglalaro sila nila josh

"Babe pwede ba mamaya kana mag laro kasi nasa gitna tayo ng pamimili, nakakainis ka naman e" sabi ko atska lumakad papalayo sa kanyan at sumunod kaila diana na patuloy parin ang pag tingin sa mga damit.

"Ano mare nag aaway nanaman ba kayo kaya ganyan muka mo?" Pang aasar ni diana

"Sige mangasar kapa" sabi ko kay jerome at pinanlakihan siya ng mata, mag sasalita pa sana ako ng may humawak sa bewang ko.

"Tara una na tayo, kita kita nalang tayo sa Greenwich ah" and Jerome winked at me like he said 'landian well' lumakad na sila papalayo.

"Babe I'm sorry, kasi naman sila josh e nag yaya mag cod (CALL OF DUTY) sorry, bati na tayo promise di na mauulit" sabi niya tumingin naman ako sa kanyan, ngumiti siya sakin kaya napangiti din ako.

"Bati na tayo?" Nakangiting tanong niya haynako bakit ba ang rupok ko sa lalaki na toh.

"Oo, basta di naman kita pinag babawalan mag laro pero wag naman sa gitna ng alis natin" sabi ko tumango naman siya at kiniss ang forehead ko.

"Promise" nakangiting sabi niya, nilagay niya ang kamay niya sa bewang ko at nag lakad na kami papunta sa Greenwich dahil baka mag reklamo na ang dalawa na yun.

"Babe by the way, mag sleepover pala kami nila jerome at diana, kaila diana kasi wala siyang kasama sa bahay nila nasa province yung parents niya so yun" nakangiting sabi ko habang nag lalakad kami papuntang Greenwich.

"Don na kayo tutuloy?" Tanongniya sakin tumango naman ako sa kanya.

"Paano damit mo? Hanggang kailan kayo don?" Sunod sunod na tanong niya kaya na tawa ako sa kanyan parang naman akong bata non.

"Di na ako bata ano ba, mga two days lang wag ka mag alala, safe kami don" sabi ko.

"Sige ako na mag hahatid sayo ah, basta text and calls moko lagi ah" sabi niya ay jusq parang aalis naman ako ng bansa

"babe di naman ako aalis ng bansa, ano ba yan" natatawang sabi ko.

Nakarating na kami sa Greenwich at nahanap namin agad yung dalawang nag lalaro ng cellphone nila.

"Ay diana, ikakagalit ba ng kahoy kung mas marupok sa kanyan si grace?" Natatawang sabi ni jerome, umirap naman ako sa kanyan.

"Babe ano gusto mo?" Tanong sakin ni zeus, sasagot na sana ako ng may nag salita nanaman.

"May gusto din naman ako pero bakit walang nag tatanong?" Naiiyak na sabi ni diana.

"Panget ka kasi" sabi naman ni jerome with maarting boses

"Carbonara nalang babe" nakangiting sabi ko tumango naman siya at sinumulan na umorder.

Natapos kami sa pag kain at hinatid na kami ni babe sa bahay nila diana, kahit pwede naman kami mag taxi nalang.

"Sige na babe gagabihin kapa" natatawang sabi ko dahil ayaw niya pa umalis.

"Babe?" Tawag ko sa kanyan, umayos naman siya ng upo at tumingin sakin na para bang inaantay niya na may sabihin ako.

"I love you" nakangiting sabi ko, nakita kung nakangiti siya at seryoso naman na tumingin sakin.

"I like walking with you, especially down the aisle." Sagot niya kaya agad ako na patingin sa kanyan.

"Babe" tawag ko ngumiti naman siya sakin at hinalikan ang noo ko.

"I love you so much, aalis na ako ingat ka dito sunduin kita sa susunod na bukas, i need to go, bye" sabi niya at pinaandar ang sasakyan.

Pumasok na ako sa loob naabutan ko sila diana na nakaabang sa pinto.

"Ay wow tinalo niyo ang kdrama ah" natatawang sabi ni diana.

"Aldub kamo" dagdag pa ni jerome.

"Bwisit tara dito muna tayo sa labas, mag timpla tayo ng kape, at mag kwentuhan" sabi ko at pumasok sa loob para mag timpla ng kape

"G kami jan" nag timpla kami ng kape at nag labas den sila jerome ng ibang snacks.

Naupo kami sa garden nila at tumingin sa mga butuin sa langit

"Minsan ba sa buhay mo pumasok sa isip mo na iiwan kapa ni zeus?" Tanong sakin ni Jerome, umiling naman ako sa kanyan.

"Alam kung mahal ako ni zeus di niya ako kayang iwan, kasi syempre ilang yrs na kami diba" sagot ko naman sa kanila.

"Kayo kailan kayo magmamahal?" Tanong ko naman sa kanila.

"Kung may dumating, sarap din kasi mag mahal yung laging nanjan kapag walang wala kana yung laging may taong sasamahan ka sa lahat ng problema, umiyak, tumawa, malungkot" sagot ni diana.



_____________________________________________________

Hiding My Ex Daughter (Taguan Ng Anak #3)Where stories live. Discover now