Chapter 9

1.8K 31 4
                                    

CHAPTER 9 - Si Nikki Si Nikka? Ano?

Nikki's POV

"Iha, okay ka lang ba?" tumingin ako sa nagsalita.

"Ahh. Opo, okay lang po ako." sagot ko

"Ako nga pala si Manang Fe. Kasambahay ako dito ng mga Lim. Kaibigan ka ba ni Luke?"

"O-opo. Kaibigan ko po siya. Ah Eh... Manang Fe, saan po ang CR dito? Kailangan ko po kasing magbanyo." - tanong ko

"Dumiretso ka doon at kumanan ka..."

"Ah sige po. Salamat po ah." Naglakad na ako. Hindi ko alam pero parang awkward? Ewan. Ang labo ko.

"Ah iha, ano nga palang pangalan mo?" Napahinto ako at humarap kay Manang Fe.

"Nikki po. Nikki Perez." Ngumiti ako at tumuloy na sa CR.

***

Medyo nagtagal rin ako sa CR. Nagtetext na nga sila Jai eh, hinahanap ako. Pero parang ayokong lumabas. Ewan ko. Baka makita ako nung daddy ni Beki.

After 5 minutes....

Lalabas na ba ako? Oo o hindi?

Hindi. Hindi ako lalabas.

AAAAAH! LALABAS NA AKO. at binuksan ko na ang pinto...

"Nikka."

Oh. Sh*t.

"Ah hello po..." Ngumiti ako. "... hindi po ako si Nikka. Si Nikki po ako."

"Oh right. Of course. Nikki..." sagot ni Daddy (kasi daddy siya ni Luke, makiki-daddy na rin ako. Char!) "...but can we pretend you're Nikka just for this time? Gusto ko lang mayakap ang anak ko. Gusto ko lang naman maramdaman niya na mahal na mahal ko siya kahit never ko siyang nahagkan nung nabubuhay pa siya. Ngayon lang, please..."

Realize [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon