Chapter 28

1.3K 26 3
                                    

Happy 10k reads pala! Yehey! Thank you! :*

-----

Chapter 28 - Awkward Part II

Days passed at nakasurvive naman ako sa piling ng mga Lim, ng tunay kong pamilya.

Minsan, kina Mommy ako natutulog. Minsan, dito sa mansyon ng mga Lim.

Pero kahit sa tagal ko na dito, awkward pa rin! Ni halos hindi ko pa nga matawag na Dad si Tito Richard eh. Si Luke naman, tuwing tatawagin ako, tumitibok pa rin puso ko. Nakakainis nga eh! Hindi ko mapigilan.

Ngayon, nandito ako sa Lim mansion. Pupunta kami sa puntod ni "Mommy" maya-maya. Araw ng mga Patay kasi ngayon. In short, sembreak na namin.

"Ate Nikki?"

Ayan na si Abby, tapos na siguro siyang magbihis. Tapos na din naman ako. Nag-white dress ako. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na.

"Ate, ang ganda ganda mo po." Sabi ni Abby.

"Aww. Thanks, baby. Ikaw din!" Sabi ko sabay pisil sa cheeks niya.

"Ready na? Tara naghihintay na si Dad sa baba."

Biglang sumulpot si Luke.

 "A-ah... Sige, halika na baby." Hinawakan ko ang kamay ni Abby at bumaba na kami. Sumunod naman na si Luke.

"Ang gaganda ng mga dalaga ko ah." Sabi ni Dad, pagka-kita niya sa amin.

Ngumiti lang ako. Hehehe.

"Let's go?"

Nag-nod kaming tatlo.

***

"Hi Mommy! We're here po ulit." Sabi ni Abby.

Realize [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon