Chapter 2

2.8K 47 10
                                    

CHAPTER 2 - Classmates

Nikki’s POV

Maaga akong gumising ngayon. Lunes kasi. Nakakahiya naman ma-late diba? Naunahan ko pa nga yung nakakabinging tunog ng alarm clock ko eh.

Tsaka, bukod sa nakakahiya ma-late… may inaabangan rin kasi ako sa school.

Huwag kayo! Hindi lalaki noh. Isang bading. Gwapo siya, oo. Matalino rin, mayaman, kaso mayabang. Habulin ng maraming babae kaso bading. Hehe.

Hindi naman confirmed yun. Hula ko palang. Ramdam ko eh. Bading yun. Di niya lang aminin.

Sus, nahiya pa. Marami namang siyang ka-pederasyon sa school namin. Siguradong tatanggapin agad yun nung kampon ng mga beki kapag nagladlad na siya.

Paano ba naman ha? Wala pang naging girlfriend yun. Base sa pagkakaalam ko. Tsaka ang tahimik niya. Misteryoso masyado. Halatang may itinatago.

Ano ba yan. Nagmumukha na akong stalker.

Fast Forward ng konti tayo…

Naman. Walang kwenta ang paggising ng maaga. Wala akong nasakyan na bus. Nananadya na ata eh. Tuwing Lunes, ganyan ang nangyayari.

Edi no choice. Kinontrata ko naman si Kuya Rino. Ewan ko ba. Pakiramdam ko, hinaharang niya lahat ng bus para wala akong masakyan at mapilitang sa kanya nalang sumakay. Hahaha.

Medyo may kalayuan rin kasi yung bahay namin sa St John’s. Kapag magbubus, siguro mga 25 minutes na byahe rin.

Buti nalang at mabilis yung tricycle ni Kuya Rino. Akalain niyo, yung 25 minutes na byahe ng bus, nagawang niyang 15 minutes lang. Nakakaloka talaga.

“Oh. Heto kuya, 50 pesos. Pwede na ba yan? Wala akong pera ngayon eh. Nahiya ako humingi kay Tita.” – ako

“Naman, Nikki. Pwedeng pwede na yan! Salamat ha.” – Kuya Rino

“Nakow. Ako dapat ang magpasalamat, kuya. Sige po, una na ako. Ingat po kayo.” – ako

“Sige. Ingat rin, Nikki.” – Kuya Rino

Medyo bumilis yung tibok ng puso ko pagpasok ko ng St John’s.

Nandito na kaya si Beks?

Sinubukan ko maghintay sa bench sa harap ng registrar’s office. Kitang-kita kasi dito kung sino yung pumasok sa gate.

Realize [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon