Chapter 1

3.7K 62 7
                                    

CHAPTER 1 - Hi I'm Luke!

Luke’s POV

“Kuya Luuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuke!!!!!”

OK. Ayan na ang alarm clock ko. Ang kapatid kong si Abby.

Pumasok siya sa kwarto ko at tumalon-talon sa kama ko. Maya-maya, inalog-alog niya ako.

Ako naman, kunwaring tulog.

“Gising na kuya. Gising na!”

Itong batang to talaga.

Bigla ko siyang niyakap at kiniliti nang kiniliti.

“HAHAHAHAHAHAHA. Ku- HAHAHAHAA ya!!! Tama HAHAHAHA na!!!” – Abby.

Nakakatawa talaga yung tawa niya. Hahaha. Kaya ako, natawa na rin.

Nung umiiyak na siya sa sobrang tawa, tumigil na ako sa pangingiliti.

Baka maihi pa sa kama ko tong batang to.

“HAHAHA. Kuya, sunod ka na sa baba ha. Ready na yung food.” – Abby, habang nagpupunas ng luha at tumatawa pa rin.

“Yes, ma’am!” – ako

Bago pa man ako bumaba, tiningnan ko muna yung phone ko.

Aba. 37 unread messages.

Sigurado namang karamihan dito ay mula sa mga unregistered numbers.

Puro mga fangirls ko.

Gusto niyo makabasa ng ilan sa mga texts nila?

From 0918*******

Hi babe Luke. Good morning.  I’ll see you sa school later.

(Schoolmate ko to, malamang.  Ang lakas ng loob ha. HAHAHA)

From: 0922*******

Luke. This is me, Jane. Still remember me? I still love you, Please come back, Luke. I can’t live without you. Please. Let’s talk.

(Ano daw? Jane? Wala akong naaalalang may kilala akong Jane ah. O_O Anong ‘please come back’. Umalis ba ako? Pshhh.)

From: 0927*******

Luke Anthony Crisostomo Lim. Pansinin mo naman ako oh! Mahal na mahal kita. Ako nalang, please.

Realize [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon