Chapter 14

1.6K 31 5
                                    

HELLO! AYAN, BAGO NIYO BASAHIN ANG UPDATE, NAIS KONG MAGPASALAMAT SA INYONG LAHAT SA PAGBABASA NG STORY KONG 'TO! GRABE, DATI AKALA KO HINDI MAKAKA-1K READS TO. HAHAHA. BASTA, SALAMAT TALAGA! ^__^

HINDI PALA AKO NAKAPAG-UPDATE AGAD KASI TINOPAK SI WATTY. HINDI KO ALAM KUNG BAKIT EH. TRIP ATA NIYA. HAHAHA.

AT! MAY BAGO PALANG CHARACTERS. HAHA. AT MEDYO NAGULO NA ANG STORY =__= SORRY. PERO GINAGAWA KO ANG BEST KO PARA MAAYOS.

BAKIT NGA BA AKO NAKA-CAPS? INTENSE! HAHAHA. SIGE, BASA NA KAYO. COMMENTS AH! AYOKO NG "UPDATE NA PO!" OR KUNG ANO MAN. PAG MAY NAKITA AKONG GANUN, HINDI BINASA ITO. HAHAHA XD MALAMANG.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 14 - Bitch Sister

ISABEL’S POV

“Isay~ Baby gurll! Wakey wakey ka na! May pasok ka pa!”

Ano ba naman itong si Yaya. Inaantok pa ako. Pwede bang matulog nalang forever? Ayoko nang mabuhay, total nasa empyerno naman na ako ngayon pa lang.

“Yaya, ayokong pumasok. Lumabas ka na.”

Bigla nalang itinaas ni Yaya ‘yung kurtina at binuksan ang bintana.

“AAAAAAH~ Yaya. It’s too bright.”

“Ang ganda kaya! Nakow baby gurrrrlll, wag kang magtago sa dilim. It’s a beautiful day. Wag mong palalampasin. Sige, magbihis ka na baka ma-late ka pa sa school!”

“Fine.” Tumayo na ako at nagprepare for school. Paglabas ko ng kwarto, rinig ko na naman ang walang katapusang bungangahan ni Mommy at Daddy.

 

“ANO BA NAMAN FERDINAND!!!!! HINDI MO MAN LANG BA INIISIP ANG ANAK NATIN?!”

 

“SYEMPRE INIISIP KO, HINDI NAMAN AKO TANGA, MARISSA. PERO SAWANG-SAWA NA AKO! SAWA NA AKO SA UGALI MO! MAGHIWALAY NALANG TAYO!”

 

“MABUTI PA NGA! MAGHIWALAY NALANG TAYO!”

 

 

Ang sakit talaga sa tenga. Halos araw-araw, ganyan ang naririnig ko. Hindi pa naman sila maghiwalay. Puro nalang sila sigawan, hindi naman talaga nila ako naiisip. Wala na nga ata silang panahon para sa akin eh. Hindi man lang ako kinakamusta. Lang kwenta.

Oo nga pala. Ang daming nangyari three months ago. Mula nung magpunta kami ni Luke sa resort namin, hanggang sa sunduin siya ni Tito Richard kasama yung kapatid niya (pero hindi pala talaga) na si Nikki. Super dami! As in.

Realize [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon