Chapter 18

1.6K 25 13
                                    

CHAPTER 18 - Shoot Anonymous

Jai’s POV

Anak ng tokwa oh. Galit na galit si Miss Garcia!

Paano ba naman. Bukas na yung pageant! Tae. Apurahan lahat kami. Eh si Luke at Nikki, first at last practice na nila yung noong araw na dumating yung new student! Hindi na naulit yun. At! Hindi sila nag-uusap. Grabehan lang! Parang hindi sila kasama sa isang pageant. Kalma kung kalma!

Kaya heto kami, instead of having our class (charot, English yun ah! Ngayon lang ako nagkaPOV eh.), naghahanda kami para bukas. Ayaw magpractice nung dalawa. I mean… gusto naman, pero parang wala silang gana. Ewan ko ba, akala ko, naayos na namin yung tension sa pagitan nila noon, pero hindi pa pala. Kaloka na itey mga readers!

“Magseryoso na nga kayo!” napasigaw na ako. Nakakainis kasi, halos ayaw kumanta ni Nikki. Itong si Luke naman, naputol pa niya yung isang string nung gitara kanina. Kaya nanghiram pa kami ng ibang gitara. Sakit sa ulo!

“For your information, Luke and Nikki, bukas na po yung contest ninyo.” Napatingin silang dalawa sa akin. Shock lang ang peg?

“Bukas na?” tanong ni Luke.

“Potek. Bingi ka ba? Kakasabi lang.”

 

Si Nikki, hindi umimik, gulat pa rin.

“Bakit hindi ninyo sinabi?!” Banat na naman ni Luke Lim.

“Trabaho ba naming sabihin sa inyo yun. Diba dapat kayo mismo ang unang nakaalam nun! Kami ba ang icocontest? Kaya magseryoso na nga kayo! High School Week na! Tapos susunod, Holloween, tapos Pasko, tapos New Year, tapos Prom, tapos Graduation na! Para marealize mong malapit na tayong umalis sa school na ito. Gumawa naman kayo ng good memories na iiwan natin sa school na to!” (A/N: Sa kalendaryo ng kwentong ito, October palang J)

Hindi na naman sila umimik. Uso mag salita, ate at kuya?

“Sige na. Pinapa-high blood niyo si Miss President eh. Magpractice na kayo.” Sabat ni Niccolo.

Nagpractice na din sila. Mabuti naman. Kaya pumunta naman ko sa gym para tignan ang mga decorations. Bawat year level kasi, may kanya-kanyang assignments sa decorations. Kami, bilang graduating class, kargo namin ang stage decorations. Kaya sabog!

Oo nga pala. Magkwekwento pa ako ng pangyayari simula nung “Kangaroo Day”. Yan ang tawag ng barkada doon sa araw na dumating si Joey dito. Remember? Nung naging kaibigan na din namin si Isabel?

Well… Mabait naman si Isabel. Super! Nandoon siya ngayon kasama si Luke at Nikki at ibang classmates namin sa paghahanda para sa contest bukas. Prinapractice na nila yung pag-rampa nung dalawa pati mga sasabihin nila.

Yung anak naman ng Kangaroo… Well, simula nung dumating siya dito, lagi na silang magkasama ni Luke! Sila na nga ata eh. Ewan. Kaya si Luke, hindi na nakakasama sa amin. Si Alec at Niccolo, kami na lagi ang kasama. Ewan ko ba doon sa taong yun, biglang nagbago nung dumating yung anak ng Kangaroo. Nagayuma ata.

Realize [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon