First Touch

106 1 0
                                    

+++++++++

(Chapter 1)

Kain. Tulog. Nuod. Tweet.

Kain. Tulog. Nuod. Tweet

Hayss. Eto lang ang routine ko buong bakasyon dito sa bahay. Nakakabagot na. Wala nang magandang gawin. Buti nalang at pasukan na rin bukas. 2nd year College na niyan ako. Excited na tuloy akong pumasok. New Friends. New Experience nanaman. Sana maging maganda ang buong school year ko.

Ako nga pala si Miguel Pilarta o tawagin niyo nalang Migo. Isang simpleng kabataan na nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas. Mahilig akong magtwitter. Crush ko si Kathryn Bernardo. Haha. Mabait daw. Makulit at palakaibigan. Sige na nga, cute daw ako sabi ng nakararami.

Tweet lang ng tweet.

"Bored" tweet ko.

At may mga nagtweet naman sa'kin at may nakakuha ng atensyon ko.

"Migo! Merong night party mamaya dito sa bahay! Wanna come?" yaya ng kaibigan ko sa Twitter.

Sa sobrang bored ko, sinabi kong . . .

"Sige! Sasama ako :)"

Pumayag na ako. Kesa naman walang ginagawa dito sa bahay. Kahit na bukas ay may pasok na. Makakatakas din ako dahil wala pa naman si Mommy dahil madaling araw lagi ang uwi niya sa bahay.

Dati na rin akong nakapunta sa bahay ng kaibigan ko. Siya pala si Julie Anne Chua. Kaklase ko rin nung HS ako. Maganda siya at kilalang kilala din sa Twitter.

Kinahapunan ay nagayos kaagad ako ng aking sarili. Namili ng mga isusuot. Long sleeves na parang jeans ang kulay at pantalon with vans. Nagdagdag rin ako ng kwintas na mayroong skull na nakasabit na lalong nakapagpaporma sa aken.

Masaya at masigla akong umalis ng bahay. Sabik na sabik akong makipaghang-out ulit sa mga bagong makikilala.

Nagtaxi ako papunta sa bahay nila Julie. 30 minutes lang ang naging biyahe ko. Hindi kasi traffic sa kamaynilaan nung gabing iyon.

"Sa wakas at nakarating nanaman ako sa malaking mansyon ni Julie" sabi ko sa sarili ko.

Pinindot ko kaagad ang Doorbell ng bahay nila at kaagad naman itong binuksan ng mga kaibigang babae ni Julie.

Liberated kasi si Julie. Ang mga magulang niya ay laging out of the country dahil sa bussiness ng kanyang Daddy. Hindi uso sa kanila ang katulong. Nagpapatawag nalang sila ng maglilinis ng bahay nila every week. Si Julie ay kasing edad ko lang at nagaaral sa De La Salle University.

Tumambad sa akin ang mga babae na ikinagulat ko. Parang napatigil yata ang tibok ng puso ko. Ang gaganda nila.

Sila ang nagbukas ng gate.

"Hi. Ako nga pala si Iyah." pakilala ng isa na nakapants at maluwang na tshirt. Parang swag ang dating pero sobrang bagay niya.

"Ako naman si Abby" sabi ng isa.

Nakalongsleeve naman si Abby na mayroong maikling short. Mahaba ang buhok at mala-Angelina Jolie ang labi nito.

"Hi. I'm Via." sabay halik sa pisngi ko.

Nagulat ako sa ginawa ni Via. Kakikilala lang namin pero hinalikan niya kaagad ako sa pisngi na ikinapula ng buong mukha ko. Nagtaka ako sa ginawa niya. Siya ang bukod tanging nakakuha ng atensyon ko. Nawala na yata ako sa sarili ko.

"Ohh ba't namumula ka? By the way, what's your name?" tanong ni Abby sa akin na nagpamulat muli sa akin sa mundong ito. Haha.

"I'm Miguel but my friends call me Migo" sagot ko sa kanila with confidence :)

"Nice name, Migo." sabat ni Via.

Napakaikli lang ng sinabi ni Via pero ang ganda ng boses niya. Kung ilalarawan ko si Via. Maputi siya at medyo maikli ang buhok na mayroong konting kayumanggi na kulay nito. Mayroong siyang dimples na lalo niyang kinaganda. Brown ang kulay ng mata. Katamtaman ang laki.

Kahit sinong lalaki ay mabibighani sa ganda ni Via, maganda rin naman si Abby at Iyah pero iba ang nakita ko kay Via. Simple pero sobrang ganda.

"Ano pang ginagawa natin dito? Pasok na tayo sa bahay. Baka hinahanap na rin tayo ni Julie." pagaayaya ni Iyah sa amen.

"Let's Party tonight!" ngiting sinabi ni Abby.

Sumunod naman ako sa mga naggagandahang dilag.

Dumaan kami sa marmol na sahig nila Julie bago ka makapasok sa loob ng bahay. Doon tumambad sa akin ang napakalaki nilang fountain.

As in malaki talaga. At napakaganda nitong tinitignan sa iba't ibang form ng paggalaw ng tubig.

Hindi pa ako nakakapasok sa loob pero naririnig ko na ang malakas na tugtog sa loob ng bahay, ang hiyawan ng mga tao. Ang mga iba't ibang kulay na tila naglalaro. Lalo akong nasabik sa aking mga nakita.

"By the way Migo, san ka nagaaral?" tanong ni Via sa aken na ikinagulat ko.

"UP Diliman ako nagaaral. 2nd Year College" sagot ko kay Via habang nakatitig sa napakaganda niyang mukha.

Nakapagtataka pero nagkakaroon din ako ng interes na kausapin siya dahil mukhang hindi naman siya suplada at masungit. Nagamit ko yata ang pagiging friendly ko.

Nagkapalitan pa kami ng mga tanong. Kahit nga buhay pamilya namin ay naipasok na namin sa usapan. Halos 30 minutes din kaming naguusap pero yun pala'y hindi pa kami nakakapasok sa loob kaya naglakas loob akong yayain na siya sa pumasok.

"Via. Oo nga pala. Ba't hindi pa tayo pumasok sa loob?" tanong ko sa kanya.

"Ayaw ko ng pumasok. Nagiiba ang ugali ko kapag nasa loob na ako" sagot niya sa aken na ipinagtaka ko.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.

"Ahh wala. Hehe" sagot lang niya sa aken.

Kaya nagpasya na akong pumasok sa loob ng bahay.

"Baka hinahanap na tayo ni Julie sa loob. Tara na." sabi ko sa kanya.

"Oo nga no. Sige let's go" sabi niya sa akin na nakangiti.

Author's Note

Ano kaya ang mga kaganapan na mangyayari sa loob ng bahay ni Julie Anne Chua?

Hanggang saan kaya darating ang simpleng paguusap lang ni Via at Migo?

Mayroon kayang mga bagay na ikakagulat si Migo?

Follow @miggoww (Migo Pilarta) on Twitter Tweeps and tomloves (Julie Anne Chua) on Instagram :)

Patuloy na tangkilin ang If You Walked Away :)

If You Walked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon