+++++++
(Chapter 6)
Naubos ko na ang buong chips na Doritos at nasa kalagitnaan na kami ng movie . . .
Napansin kong nakatulog na pala si Via sa tabi ko. At ang kinakatuwa ko pa'y nakatulog siya sa aking balikat.
Napakasarap niyang titigan habang mahimbing siyang natutulog.
"Tulog na ang Anghel ko" sabi ng isip ko.
Oo. Anghel ko si Via. Para siyang pinadala ng Diyos para maging masaya na ako.
"Matulog ka na ng mahimbing, Via" bulong ko sakanya pagkatapos ay binigyan ko siya ng halik sa kanyang noo. Tanda na rin ng paggalang sa kanya.
Pinatay ko na ang TV gamit ang remote na nasa tabi ko't pinatugtog sa cellphone ko ang . . .
The A Team by Ed Sheeran
"Via, sana maging akin kana. Sana magkaroon na ako ng lakas ng loob na sabihin tong nararamdaman ko. Magkaroon ng lakas ng loob na ligawan ka. Masasabi at magagawa ko rin to' kay Via pero sa takdang panahon." sabi ng aking isipan.
Nakatulog na rin ako habang pinagmamasdan ang pagtulog ng aking Mahal.
Kinaumagahan . . .
All About Us by He is We ft. Owl City
Yan na pala ang tumutugtog sa cellphone ko at biglang . . .
Bumukas ang pintuan.
"Goodmorning Migo." bati ng napakagandang panimula ng umaga ko.
"Sa wakas naman at nagising na ang pogi. Tara nagdala ako ng breakfast dito sa kwarto." yaya sa akin ni Via.
Mayroong dalawang pinggan na may Fried Rice, dalawang Hotdog at Hash Brown with Chocolate Coffee.
"Ang bango Via. Salamat ahh."
Napakasarap na talaga ng umaga ko. Ipinaghanda niya ako ng makakain. Lalo akong nahuhulog sa kanya.
"Wala yun. Tara lets eat na." yaya ni Via na gutom na rin siguro.
Bigla nalang akong napatanong sa sarili ko, mayroon din kayang gusto sa aken si Via? Kahet kaunti lang? Ayaw kong magassume. Ayaw kong umasa.
"Hindi ka ba hahanapin sa'inyo Migo sa bahay ninyo?" tanong ni Via saken.
"Hindi po. Nagpaalam po ako. Tsaka hindi rin umuwi si Mommy dahil may party sila ng mga kaopisina niya."
"Sana araw araw ka nalang dito sa bahay. Para may kasama ako. Para may bestfriend ako."
Bestfriend?! Not bad. Pero hindi pa rin matanggal sa isipan ko na mas gusto kong maging tayo nalang Via. Mas maganda yun. Promise! Ano ba tong pinagsasabi ko. Argh. Basta ang importante ngayon. Masaya kaming dalawa na magkasama.
"Buti nalang wala pala tayong pasok ngayon." sabi ni Via ng nakangiti.
"Ahy. Meron akong pasok ngayon Via. 5:30 hanggang 9:00 ng gabi." sabi ko sa kanya.
"Wala pala ako makakasama buong magdamag niyan." sabi ni Via na tumitig sa aken.
"Gagawin ko ang best ko para makabalik man lang dito bago ako umuwi." sabi ko sa kanya ng nakangiti.
"Huwag na. Kinabukasan nalang tayo nun magkita. Malayo ang bahay mo dito." sabi sa aken ni Via na parang nagsimula ng magtampo.
"Via naman ohh. Dadaanan kita bukas ng gabi dito para lang masiguro ko na maayos ka." sabi ko sa kanya.