Second Touch

80 2 0
                                    

++++++++++

(Chapter 2)

Maingay sa loob. Nakikita kong bumubuka ang bibig ni Via habang hawak hawak ang kamay ko palakad kung san man kami pupunta pero alam ko may sinasabi siya.

Umakyat kame sa mahabang hagdanan ng bahay nila Julie. Halos hindi na nga namin makita ang hagdanan sa sobrang dilim dahil parang naging disco talaga sa loob ng bahay nila.

Pumasok kami sa isang kwarto.

At kinagulat ko iyon. Sandali. Ano ba tong iniisip ko. Mali mali. Erase erase. Hindi yun ang gagawin namin.

Pagkapasok sa kwarto ay nakatambad ang babaeng napakaganda habang nakaupo sa salamin at nagaayos ng sarili. Sandali . . .

Si Julie pala yun! Bigla akong napangiti dahil napakatagal ko ng hindi rin nakikita si Julie.

"Migo!" sigaw ni Julie na tumayo sa kanyang upuan at tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako.

Niyakap ko rin siya.

"Kamusta Julie?" tanong ko sa kanya.

"Ayos naman. Namiss kita" sabi ni Julie sa aken.

"Namiss rin kita Julie." sabi ko sa kanya habang pinagmamasdan ang kwarto niya.

"Via, buti kasama mo si Migo? Friends na kayo?" tanong ni Julie. "Kayo ahh. Hindi niyo sinasabi sa aken. Uiiii" biro ni Julie sa amen ni Via.

"Magisa lang naman kasi siyang pumunta dito. Ako rin naman kaya't kinausap ko na siya." paliwanag ni Via kay Julie.

"Osige. Enjoy the party Migo" sabi sa'ken ni Julie.

Bigla naman akong hinila ni Via palabas ng kwarto na ikinagulat ko.

Pumunta kami sa ibaba na nakahawak pa rin ang kamay sa isa't isa.

Pagdating namin sa sala, nagkawalaan na kami. Hindi ko na siya nakita sa sobrang dilim. Siksikan pa sa sobrang dami ng taong sumasayaw.

Kahit na sumigaw ako'y hindi rin naman niya ako maririnig.

Pero may kumalabit sa likod ko.

Nung una'y hindi ko napansin pero nang tumalikod ako. Nakita ko si Sidney na ikinagulat ko. Nakipagapiran kaagad ako sa'kanya at dinala ako sa kusina.

Si Sidney Bautista na isa rin sa mga kaibigan ko na mula sa Twitter.

"Sid, kamusta? Nayaya ka rin pala dito ni Julie." medyo sumisigaw akong kausap siya dahil baka hindi niya marinig sa sobrang lakas ng music.

"Oo. Nagulat rin nga ako't niyaya ako dito. Malapit na tayo sa kusina. Nandun mga inumin." sabi sa aken ni Sid.

Medyo nawala na ang malakas na tugtog. Nakarating na kami ng kusina. Napakalawak ng kitchen nila Julie.

Nakita ko si Sid na kumukuha ng maiinom sa loob ng Ref nila Julie.

Nagmasid masid ako sa loob at doon nakita ko sa backyard nila ang mga tables na para namang bar ang dating. Nakita ko ang grupo ng kalalakihan.

Nandun pala ang Boys Over Load kung tawagin ang grupo nila. Masaya naman silang nagkwekwentuhan. Medyo pribado yata dahil wala na akong ibang nakitang tao sa backyard kundi sila.

Naibalik ko na ulit ang atensyon ko kay Sidney.

"Ohh Bro, okay na siguro itong nakuha ko? Para di gaanong nakakalasing." sabay abot sa akin ni Sid ng beer.

"Thanks Bro." pagpapasalamat ko sa kanya.

Medyo nagkausap din kami habang nanunuod ng T.V. Pumasok rin pala ng kusina si Yves Medina na kaibigan ni Sid para makipagkwentuhan sa amin.

Lumabas ako saglit para magCR. Pero habang hinahanap ko ang CR. Nakita ko si Via na nakaupo sa isang sofa at nagtetext.

Kinalabit ko siya.

"Via." habang nakangiti sa kanya.

"Migo. Bigla kitang nabitawan. Sorry." sabi sa akin ni Via kahet hindi ko siya naintindihan at bigla akong niyakap.

Parang Rebisco. Ang sarap sa feeling. Niyakap ako ni Via.

Siguro masasabi kong crush ko na si Via.

Napakabait at napakalambing niya. Nagkaroon na yata talaga ako ng paghanga sa kanya.

Nabanggit sa akin ni Via na nagaaral siya sa Our Lady Of Fatima University sa Antipolo at 2nd year College na rin. Masscom Student si Via.

Ang buong pangalan niya'y Via Andrea Styles. May lahi silang Canadian.

Half Filipino. Half Canadian. Canadian Citizen ang tatay ni Via.

Sinama ko na siya papunta sa kusina. This time. Ako na ang unang humawak sa kamay niya. Nagkaroon ako ng lakas na loob.

Pagkabukas ko ng kusina'y bigla niya akong hinatak palabas.

"Migo. Wag na muna tayo diyan pumasok. Pwede bang lumabas nalang tayo? Kain sa labas?" pakiusap sa akin ni Via na ikinagulat ko.

Napapayag naman niya ako.

"Sa Terrace sa taas gusto mo?" sabi ko sa kanya.

"Lumayo na tayo dito Migo please." sabi sa akin ni Via na namamasa na ang mata habang kausap ako.

"Okay ka lang ba Via?" tanong ko sa kanya.

"Oo ayos lang ako. Lumayo lang tayo dito." sagot niya sa akin.

Hindi na kami nakapagpaalam kay Julie at mga ilan sa aming kaibigan.

Niyaya ko nalang siyang kumain sa Yellow Cab. Buti nalang at hindi ko tinodo ang paginom ng beer.

Nagkaroon kami ng mahabang kwentuhan. Nagkatawanan kami.

Habang nagsasalita siya. May maliit na boses ang nagsasalita sa isip ko.

Nakuha na yata ni Via ang loob ko.

"Natatawa nga ako sa kaklase ko ehh. Kapag si Ranz Kyle na ang pinaguusapan. Woah. Grabe na kung mamula." kwento ni Via sa aken habang tumatawa.

Magaala-una na rin ng madaling araw.

Naglakad lakad kami sa labas.

Walang katapusang kwentuhan pa rin ang nangyari.

"Naimbita rin pala ang Boys Over Load sa Party kanina. Pero nilayo sila ni Julie sa mga tao doon." kwento ni Via.

"Nakita ko nga sila sa Backyard kanina habang nasa kusina ako." sabi ko naman kay Via.

Bigla naman siyang nanahimik.

Hanggang sa magdesisyon na si Via na umuwi. Hinatid ko na siya hanggang bahay nila. Mahirap na kung iwan ko siyang mag-isang umuwi lalo't anong oras na.

"Goodnight Via. Thanks sa oras mo." sabi ko sa kanya.

"Thanks Migo. Pinasaya mo ang buong gabi ko." sabi ni Via.

Paalis na ako nang bigla niya akong tinawag.

"Migo!"

Tumalikod ako at nagulat sa ginawa niya.

Hinalikan niya ako sa pisngi na ikinapula ko.

"Hangout tayo tomorrow ahh." sabi ni Via sa aken with a smile.

"Sige. Bye" yun nalang ang nasabi ko sa kanya.

Author's Note

Natunghayan natin ang pagkakamabutihan ni Via at Migo.

Hanggang saan kaya hahantong ang kanilang relasyon?

Tunghayan sa susunod na kabanata :)

Follow @sidneyloyd (Sidney Bautista) @Yves_AKMAUP (Yves Medina)

And Boys Over Load

@keyrjem22

@renziboyy

@rojeeapostol

@ImArvinBoyon

@iamVANpiree

Salamat po sa pagbabasa ng If You Walked Away. Tangkilin po ninyo ang storya hanggang katapusan.

If You Walked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon