++++++++
(Chapter 3)
Buti nalang at wala pa si Mommy sa bahay. Nakapasok kaagad. Umakyat at pumuntang kwarto.
Naligo at doon nahiga.
Nagtweet ako bago matulog.
"Had so much fun with her :) Goodnight :)"
At doon, nakatulog na ako.
"Migo! Migo! Migo!"
Nagising ako sa tawag ng aking pangalan.
Medyo pumipikit pikit pa ang mata ko sa sobrang sarap na ng tulog ko.
Dumungaw ako sa bintana.
Nagulat ako sa aking nakita.
Paanong nalaman ni Via ang lokasyon ng bahay ko?
Nakasando at Pajama lang si Via. Halatang galing din sa tulog.
"Migo! Open the gate please." sigaw ni Via.
Napatingin ako sa orasan at 3:00 palang ng madaling araw.
Sobrang nagtataka talaga ako.
Bumababa na kaagad ako ng kwarto at pinagbuksan ng pintuan si Via.
Pagkabukas ko'y nagulat ako sa susunod na nangyari.
Hindi ko to' inaasahan pero
Hinalikan ako sa labi ni Via.
Nanlaki ang mata ko.
Ang tamis ng mga labi niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko.
Niyakap niya ako.
Wala na rin akong ginawa kundi yakapin siya at halikan.
Hindi na ako nakapagsalita sa mga nangyari. Gusto ko man siyang tanungin kung bakit naging ganito pero wala akong magawa sa patuloy na paghalik niya sa aking labi.
Paakyat kami ng kwarto.
Nilock niya ang pinto.
Nahiga kami sa kama.
Ang buong katawan ko'y nagiinit na ng biglang . . .
"MIGO! Gumising kana! First day ng klase niyo hah?! Anong oras ba first subject mo?!" sigaw ni Mommy.
Nagising ako bigla.
"Tumayo kana diyan. Ayusin mo na sarili mo."
Bigla akong napangiti. Nanaginip lang pala ako.
Tumayo ako't inayos muna ang sarili. Bumaba para kumain ng aking almusal.
Pagkatapos ko'y umakyat na ako para maligo. Pero tinignan ko muna ang aking cellphone.
Nagbasa ng mga text at nagulat sa nabasa ko. Si Via! Nagtext.
"Lunch tayo this day"
Nagreply kaagad ako.
"Sure. 11:30 Greenbelt"
Naligo na ako't pumasok na sa school.
Pagkapasok ko sa school habang naglalakad ay nakita ko si Sidney.
Nakalong sleeves si Sidney at brown na pantalon.
"Bro. Buti nandito ka? Sorry pala last night hindi na ako nakapagpaalam." sabi ko kay Sidney.
"Ayos lang yun Bro. By the way, nagtransfer na ako dito." sabi ni Sidney na ikinagulat ko.
Nagkakwentuhan kame't nagulat na kaklase ko pala siya sa ibang subject.