++++++++
(Chapter 4)
"Sid. Kita nalang tayo sa Trinoma. Dun nalang tayo magkitakita. Sabihin mo nalang kela Yves at Renji."
Text ko kay Sidney.
Dumeretso na ako sa Trinoma.
Sobrang bored na ako. 1 oras na ako naghihintay kela Sidney pero wala pa rin sila.
"Bro. On the way na kami. May nangyari lang na something dito." text sa akin ni Sidney.
"Sige. Ingat kayo." ang reply ko sa kanya.
Naglakad lakad muna ulit ako. Nakasalubong ko nga si Macky Becky at Macky Lopez ehh. Pero hindi yata nila napansin. May mga kausap silang kalalakihan ehh.
30 minutes lang ang nakalipas at nakarating na rin sila ng Trinoma.
"Ano bang nangyari at ang tagal niyo?" tanong ko sa barkada.
"Kwento namin maya sa'yo. Tara meryenda na tayo." yaya ni Renji.
Mukhang gutom na gutom na sila't nagyaya kaagad na kumain.
Naghanap kami ng makakainan. Nagugutom na rin ako. Buti nalang at treat ni Yves ang meryenda namin.
Sa KFC medyo walang tao kaya't doon nalang nagmeryenda.
"Eto kasing si Sidney. Pumunta kanina sa Antipolo. Sinamahan namin." pasimula ni Renji.
"Oh tapos?" sabi ko.
"Ehh mukhang may namukhaan na babae. Nilapitan niya." sabi ni Yves habang binubudburan ng gravy ang kanin niya.
"Nagtaka nga kami kasi nung nakita niya si Sidney. Sinampal siya." sabi ni Renji.
"Yun pala! Ex niya! Hahaha" sabi ni Yves na natatawa na.
"Yeah. Ex ko nga yun. Playgirl lang naman yun." sabi ni Sidney na parang demonyo ang ngiti.
"Nakascore ka ba?" tanong ni Renji.
"Little bit." patawang sagot ni Sidney.
"HAHAHA!"
Nagtawanan ang barkada.
"Ikaw talaga Sidney. Ano bang dahilan ng break-up? Ilang years o months naman ba kayo?." tanong ko sakanya.
"1 year and 3 months ang tinagal namin. Naging kami dahil sa pustahan." sabi ni Sidney.
Hindi na umimik ang barkada. Nakatingin lang sila kay Sidney.
Mukhang di rin nagustuhan nila Renji at Yves ang nasabi ni Sidney.
Ako. Wala lang. Ano bang pakialam ko?
Pero sabagay. May girlfriend rin kasi si Yves at Renji. Kaya feeling ko, nirerespeto nila ang babae. Di tulad nitong si Sidney. Araw-araw yatang nasa Bar. Happy Go Lucky pero mabait naman ehh.
"What?!" sabi ni Sidney.
Itinuloy nalang namin ang kinakain namin at pagkatapos ay lumabas na at tumingin tingin sa loob ng mall.
Naghiwalay muna kaming magbabarkada. Ang kasama ko'y si Yves.
"Anica Ordan, her voice :">" sabi ni Yves na ikinagulat ko.
"Hah?" sabi ko sakanya.
Ay oo nga pala. Hindi niya ako naririnig dahil nakasaksak ang earphones sa tenga niya.
Feeling ko tuloy ako lang mag-isa ang nandito sa Trinoma.
"Bro. Look at this one. Maganda ba?" tanong ni Yves sa akin.
"Yupp Bro. Pero feeling ko pag hawak mo na, hindi na bagay." pabiro kong sagot sa kanya.
"Baliw! Hahaha. Bilhin ko na to'."
Bumili lang naman si Yves ng iPhone 5 case worth of 2,500 pesos.
"Ano naman pala itsura nung ex ni Sidney Yves?" tanong ko sa kanya habang bumibili ng coffee sa Starbucks.
"Maganda siya Bro ehh. Feeling ko nahaluan ng ibang breed."
Nagtawanan naman kaming dalawa. Gawin ba namang hayop ang tao.
"Kawawa naman yun." sabi ko sa kanya.
Itinaas nalang ni Yves ang kilay niya na nangangahulugang oo. Kawawa ang babaeng yun.
"Makikita mo sa mga mata ng babae na nasaktan siya sa kalokohang ginawa ni Sidney." sabi ni Yves.
Ano kaya nagawang kasalanan nun at sinampal niya pa talaga siya nung babae.
Sa sobrang curious ko. Pati pangalan ng babae eh natanong ko pero hindi naman niya ito nasagot.
"Ahh ganun ba? Sigesige. Pababa na kame." sabi ni Yves na may kausap sa iPhone niya.
"Baba na daw tayo. Gusto na umuwi ni Sid."
Si Sidney pala ang kausap.
Bumaba naman na kami ni Yves para puntahan na si Sidney at Renji.
"Uwi na tayo. Maaga pasok ko bukas ehh. Magaayos pa ng thesis niyan." sabi ni Sidney sa amin.
"Wow. Sid. Ikaw ba yan?" sabi ni Yves.
Nagtawanan naman ang buong barkada. Hahahaha.
"Sige mauna na kayo. Dito lang muna ako. Magpapalamig." sabi ko sa kanila.
Nagkapaalaman na kame. Nag-apiran sa bawat isa. Tumungo na sila palabas ng Trinoma at ako nama'y parang tangang nakatayong magisa.
"Via. Tapos na ba class mo?"
Tinext ko si Via. Pero wala pa siyang sagot. 7 na ng gabi at nagugutom na rin ako.
After few minutes.
"Hindi ako makakapunta Migo. Sorry :( I'm not feeling well ehh." text ni Via sa'ken.
Tinawagan ko kaagad siya dahil nakakutob ako ng hindi maganda.
"Hello Via. Pupunta ako ng bahay mo ngayon ahh. Wait mo ako." sabi ko sakanya.
"Wag ka ng pumunta. Ayaw kitang maabala."
sabi niya sa aken na parang namamaos ang boses.
"Hindi. Pupuntahan kita. Wait mo nalang ako diyan." pilit kong sinabi sa kanya.
Hindi na ako mapakali. Gusto ko na siyang makita.
Kanina la'y kasaya naming nagkwekwentuhan. Ngayon nagkasakit na siya.
"Migo. Please." pakiusap sa aken ni Via.
"No! I'll go!" sabi ko sa kanya.
"Sige na nga. Magingat ka hah."
Yan ang huling sinabi sa aken ni Via at binaba ko na ang iPhone sa sobrang madali.
Author's Note
Grabe pala ang ugali ni Sidney. Mahilig manloko ng babae.
Buti nalang talaga'y si Renji,Yves at Migo ay hindi ganun.
Ano kaya ang mangyayari sa pagpunta ni Migo sa bahay ni Via?.
May malalaman kaya siyang hindi niya inaasahan?
Tunghayan sa susunod na kabanata :)
(Note)
Guys, ang mga ugali ng mga tauhan sa kwento ay gawa gawa lamang. Si Sidney po'y mabait na nilalang at hindi manlalaro ng babae :)
Follow our Bro @RenjiBenetton :)
