Fifth Touch

15 0 0
                                    

++++++++++

(Chapter 5)

Lumabas kaagad ako ng Trinoma at nagtaxi. Napakaaksaya ko sa pero no. Pero dahil nagmamadali ako. Pero dahil gusto ko ng makita si Via. Gagawin ko ang lahat.

Hindi ko napansin na pinagpapawisan na pala ako. At ano naman ang dahilan? Nasa loob naman ako ng taxi at sobrang lamig pa nga. Ganito ba talaga ako mag-alala? Ganito ba ako magbigay ng halaga kay Via? Oo. Aaminin ko. Hindi talaga ako mapakali. Feeling ko kasi talaga may hindi nangyaring maganda. Nakakakutob ako. Kaya ganito ako magreact. Sana'y okay lang siya. Sana walang nangyaring masama sa kanya. Ayaw kong ganun siya. Nahihirapan akong naririnig ko ang boses niyang ganun.

Medyo kumalma naman na din ako dahil bigla akong kinausap ng Taxi Driver.

"Iho, pwede ka bang maistorbo? Kanina ka pa hindi mapakali diyan ehh. Namumula ka pa."

Medyo may katandaan na ang Taxi Driver. Pero mukhang cool naman siya dahil sa paraan ng pagsasalita niya.

"Opo. Kinakabahan lang po." sagot ko sa kanya.

"Kinakabahan saan? Pasensya kana Iho ahh. Kanina pa kasi ako naiinip. Napakalayo pa ng bahay ng pupuntahan natin." sabi ng Taxi Driver sa akin.

"Sa sa mahal ko po. Na nakausap ko po siya kanina ehh. Mukhang may dinaramdam." sabi ko naman sa kanya.

Sandali. Mahal? Paano ko nasabi yun? Hah? Dalawang araw palang kami ni Via na magkakilala. Mahal na? Hindi ko maintindihan nararamdaman ko.

"Iho. Nakikinig ka pa ba sa'ken?" tanong sa'ken ni Mamang Driver.

"Ano po ba yun? Sorry." sabi ko nalang.

Di ko namalayan na natutulala na ako.

"Iho. Hindi maganda na kapag kinausap mo siya ehh ganyan ang ipakikita mo. Paano siya lalakas kung ikaw rin ay mahina?" payo sa akin.

Tama siya. Napaisip ako dun. Totoo naman ehh. Dapat ipakita ko na malakas ako kay Via. Dapat ako ang maging strength niya sa mga ganitong sitwasyon.

"Tama po kayo." sagot ko sa kanya habang pinupunasan ng panyo ang pawis ko.

"Dapat malakas. Ako kasi sa asawa ko. Kahit na Taxi Driver lang ako. Kahit na minsan mahina ang kita. Hindi ko pinapakita sa kanya. Lalo na sa mga anak ko na malungkot ako." kwento ng Driver sa aken.

"Paanong malungkot?" tanong ko.

"Ang isang ama, kapag walang kita. Malungkot yan. Dahil iisipin niya kung paano niya pakakainin ang pamilya niya. Ang mga gastusin sa bahay." sagot niya sa akin.

"Oo nga po. Kahit hindi ko pa po nararanasan. Naiintindihan ko po mga ganung sitwasyon."

Medyo kumalma na ang boses ko habang kausap siya.

"Kung sino man yang babaeng yan na may problema, wag mo iiwan hangga't hindi mo nakikitang masaya siya ngayong gabi." payo niya sa aken.

Bakit ba't napakagaling ng Taxi Driver na to' sa mga ganito? Machicks siguro.

Haha.

Nakarating na kame sa bahay ni Via at doon nagbayad ako at nagpasalamat sa Taxi Driver.

Nagdoorbell ako.

Kung hindi niyo natatanong, medyo malaki ang bahay nila Via. Hindi naman mansyon pero may kalakihan talaga. Moderno ito na napapalibutan ng White Brown at Black na kulay.

Pinagbuksan na ako ng pinto.

"Sino po sila? Sino pong hinahanap nila?"

Tumambad sa akin ang maid nila.

If You Walked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon