25: "Fire back the mistake."

3 2 0
                                    


Chapter 25


"Zac, please, I did not meant to kiss Gray! I was drunk..." Hinawakan ko ang braso niya upang pigilan siyang umalis sa harap ko.





Some of the maids stop their doings and watch us. Nasa sistema ko pa rin ang alak pero mas nangingibawbaw ang pangamba ko para nararamdaman ni Zac ngayon. For Pete's sake! I kissed a man, days before our supposed wedding! I am not mad at Gray kasi alam kong lasing at nadala lang siya. I'm mad at myself. Damn it.





Marahas na winakli ni Zac ang kamay ko. Napaawang ang labi ko dahil sa kaunting sakit ng ginawa niya. Nangingilid ang mga luha ko at singbigat ng barko ang dibdib ko.






"Don't touch me. It's disgusting." Malamig niyang sambit.






Umiling ako. I don't care if I look desperate right now. "You have the rights to be mad, Zac. Pero sana pakinggan mo naman ang paliwanag ko---"





"Hindi ako bulag, Tyra, at mas lalong hindi ako tanga para hindi maramdaman ang namamagitan sa inyo ni Gray."






Nalaglag ang panga ko. Kumikirot ang puso ko. His bloodshot eyes is to much. Tumatagos ang bigo at naghihinagpis niyang mata sa puso't isip ko.






Suminghap siya at nag - iwas ng tingin. "Bago ka umalis ng Malta, hindi ba't may gusto ka na sa kanya? You confessed infront of our schoolmates, Tyra. At pinagtanggol mo pa siya kay Harry no'ng unang pagkikita natin."






"Zac..."





"Handa kang makipagbasag - ulo para sa kanya." Napapaos niyang sabi.






Mariin akong pumikit. Hindi ko inaakalang pagbabalik tanaw siya sa nakaraan. Yes. He's right. I liked Gray before. Pero sa lahat ng mga nangyari sa nagdaang taon, unti - unting nawawala ang nararamdaman ko kay Gray. Yes. I still care for Gray. Because his my friend and he's Raylan's twin brother.





"I'm sorry." Tanging nasabi ko sa kabila ng pinaghalong nararamdaman.






Lumiyab muli ang galit sa mga mata ni Zac. He smiled, only that, it was covered with extreme anger.





He shooked his head, dismayed. "Sleep now, Tyra. At h'wag ka ng maglalasing sa susunod. Good night."






Sinundan ko ang pag - alis niya sa harap ko. He went to his room, opposite to mine. Pagkatapos no'ng Graduation namin sa Senior High School, napagkasunduan ng pamilya naming patirahin kami sa iisang bubong. It was Claudia's suggestion. Pabor iyon sa akin dahil kapalit nun ay ang pag - aralin ako sa Malta.






Huminga ako ng malalim. Isang matandang katulong na pinasama sa amin ni Tita Yasmin ang lumapit sa akin.






"Nag - away kayo ni Senyorito Zachary, Tyra?"





I remembered her as Manang Lolita. Matagal na siyang serbidora sa tahanan ng mga Imperial. And she was Zac's nanny. Well, kinuwento sa akin iyon ni Tita Yasmin no'ng pumasyal sila dito no'ng lumipat ako.






I slowly nodded.




Tipid siyang ngumiti sa akin. "No'ng umalis ka, malaki ang pinagbago ni Zachary, hija. Mas nag - aral pa siyang mabuti at tumulong siya sa pamamahala ng kompanya nila." Kwento ng matandang ginang. "Hindi ganoon si Zac no'ng wala ka pa. Napakapasaway at babaero niya noon. Alam mo 'yun? Palagi ko siyang pinagsasabihin na magtino na kasi alam mo naman, hija, ang karma sa babae ay nakakabasag puso."





Veiled of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon