13: "World of fools, a naive and an imbecile."

7 2 0
                                    


Chapter 13

"T-Tyra?"


I smiled at them. Their jaws were drop as they looked at me. Gulantang ang mga mukha at hindi makapaniwala sa pagpasok ko sa classroom.




"B-Ba't nandita ka?" si Jill ang unang nakabawi. "May mga bandage ka pa... dapat hindi ka muna pumasok."




I shrugged. Umupo ako sa tabi ni Gray. Sinundan niya ako ng tingin at gulantang pa rin dahil nandito na ako.




I rolled my eyes at him and slightly tapped his cheeks.



"Stop overreacting, Gray. Nakakadiri!" I joked.




Naging seryoso siya bago nag - iwas ng tingin at humugot ng isang buntong hininga. When he glance at me again, hindi na niya napigilan ang sariling yakapin ako. Nagulat ako dahil sa mahigpit na pagkakayakap niya, pero natawa na lang din kalaunan.





"Damn it, Tyra! H'wag mo nang ulitin 'yun." Ani Gray.




Inangat ko ang isang kamay at marahang hinahod ang malapad na likod niya. "Come'on. Ayos na ako. At ano ba kayo. Mahirap patayin ang masamang damo."





Dahan - dahang bumitaw si Gray sa pagkakayakap sa akin. He look at me with a serious grimace. Napawi ang tawa ko.





"I am glad you're fine now." He smiled genuinely. "Pinag - aalala mo 'ko sa'yo, Tyra."




"Hindi nga kayo dumalaw sa akin." Ngumuso ko upang itago ang ngisi.




Pinalakpak ni Jill ang kamay para makuha ang atensyon namin. Sabay kaming lumingon sa kanya. Hindi pa rin binibitawan ni Gray ang beywang ko mula sa kaninang pagkakayakap.




"Anong hindi? Kamuntikan na nga kaming itulak sa second floor ng kapatid mo, Tyra! God." Madramang niyang hinawi ang mahabang buhok. "Napaka - brutal masyado. Dumalaw lang naman kami para kamustahin ka dahil hindi mapakali itong si Gray. Pero ayon! Nasuntok niya itong si Grayson."






My eyes wide in fraction. Seryoso kong tinignan si Gray.




"Was it true?"



"Don't worry. Ang importante maayos ka na---"



"Saan ka niya nasuntok?" Putol ko saka hinawakan ang mukha niya, sinusuri kong may pasa ba siya o ano.





"Hindi sa mukha, Tyra! Sa katawan." Bakas sa boses ni Jill ang iritasyon.




"Jill, stop it!" Gray heaved a breathe. "I understand. Gusto lang naman nilang protektahan si Tyra---"




"Protektahan? Bakit? May gagawin ba kayong masama sa akin? Hindi ba wala!"



Saglit kaming binalot na katahimikan. Palipat - lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Sigurado akong wala silang gagawin sa aking masama. Sa maikling panahon kong naging kaibigan sila, there are no signs of betrayal. Lalo na si Gray. He told me he cared for me and he is happy that I accepted his friendship. Kaya walang saysay ang sinabing gusto lang ako protektahan ni Loki.




Tumingin sa ibang direksyon si Jill at mariing pumikit bago napabuntong hininga. Pinadausdos ni Gray ang kamay papunta sa palad ko. Bumababa ang tingin ko sa kamay niyang nakapatong na sa aking kanang kamay.



"Remember when you told me that you always got my back?"




Nag angat ako ng tingin sa kanya. I slowly nodded which made him smile faintly. But there is something on his smile. His expressive brown eyes glint with a blank stare.




Veiled of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon