Chapter 4

16 0 0
                                    

Tulala lang ako habang nakaupo sa aming likod bahay. Madami akong dapat gawin pero Wala pa akong nasisimulan kahit isa.

Mula nang napag desisyonan kung iwasan si Aaron, Wala na akong ginawa kundi ang mag mukmuk sa isang tabi.

Madalas na din akong tinanong ni Tatang kung may problema pero ni minsan di ako nangahas na sabihin sa kanya.

Walang nakakaalam sa nangyaring iyon kundi ako at ang lalakeng iyon lamang.

***

Kaagad akong napabalikwas sa aking higaan mula sa aking pag kakatulog. Kaagad na bumuhos ang aking luha.

Ilang linggo na akong walang maayos na tulog, dahil maging sa aking panaginip laman ang pang yayaring iyon.

Pilit ko mang kalimutan na lang ngunit lagi pa din ako nitong dinadalaw sa aking pag himbing.

Madiin kung pinahid ang aking luha na para bang maaalis non ang sakit na nadarama.

Nang hindi maawat ng aking mga palad ang pag tulo nito ay hinayaan ko lamang itong dumaloy sa aking pisngi.

Marahan kung inihiga ang aking katawan at natag puan ang sariling nakatitig na Naman sa blangkong kesame. Nakatulala lang ako dito hanggang sa muli akong dalawin ng antok at muling makatulog.







***

"Rory sama ka sa akin mamaya birthday Kasi ng pinsan ko. Kung naalala mo. Sama ka ah."

Masiglang Sabi sa akin ni Red, na aking ipinag sawalang bahala.

Wala ako sa mood na mag liwaliw. Gusto ko lamang na mapag Isa.

Hindi ko alam kung dahil ba Ito sa nangyaring iyon. O may iba pang dahilan.
Lately Kasi napapansin kung parang ang dami ng nag bago sa akin.

Lahat na yata maging sa mga kinakain ko pakiramdam ko nag bago. Mabilis na ding uminit ang ulo ko, simpleng bagay lang kinakainisan ko.

"Oy Rory ano ba? Nakikinig kaba?"

Medyo inis ng Sabi ni Red sa akin na syang sinamaan ko lang ng tingin.

Walang pasabing dinampot ko ang aking bag at nag simulang mag lakad ng hindi tinatapunan ng tingin ang nag hihimutok na si Red.

Mabilis Naman itong umangkla sa akin.

"Rory bakit kaba ganyan. Hindi mo na iniintindi ang mga sinasabi ko. Hindi ka naman ganyan dati ah."

Madramang sabi nito na syang ikinainis ko. Kaagad kung inalis ang pag kakahawak ng kamay nya sa aking braso.

"Lahat ng tao nag babago."

Sabi ko at iniwan na syang nakatulala sa aking sinabi.

Mabagal akong nag lalakad sa isa sa mga park dito malapit sa university. May dalawa pa akong natitirang klase ngunit isinawalang bahala ko na lamang iyon. Kung dati rati ay malaking kawalan sa akin ang di pag dating ng aming prof ngayon ay tila bay wala na akong pakialam. Gusto ko lamang ang mapag isa.

Nang makakita ng isang malaking puno ay kaagad ko itong pinuntahan at naupo sa ugat nito. Marahan kung isinandal ang aking likod sa puno at tumingin sa paligid ng park.

Maaraw ngayon at maraming tao sa park kaya di ako masyadong nababahala na baka muli na naman syang sumulpot kung saan.

Marahan kung ipinikit ang aking mga mata ng tumama ang araw sa aking mukha. Sa aking muling pag dilat ay isang batang nasa 2 taong gulang ang papalapit sa akin. May dala dala itong isang puting bulaklak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The broken soul of  AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon