Rory's POVTulala lang ako habang hawak ang libro na binabasa ko kanina pa pero wala akong maintindihan.
Ilang araw na mula ng mangyari iyon pero hanggang ngayon pakiramdam ko parang kahapon lang nangyari ang lahat.
"Rory ayos ka lang?"
Hindi ko alam kung paano ako nakauwe sa bahay ng buhay. Ang alam ko lang nagising na lang ako sa loob ng kwarto ko, ilang ulit akong tinanong ni Tatang kung saan ba ako nang galing at lasing na lasing ako ng umuwi.
Mga demonyo talaga sila, pinalabas pa akong nakainom lang at lasing kaya naabutan akong tulog ni Tatang sa labas ng bahay.
Ilang ulit akong naligo ng araw na iyon, halos mamula na ang aking balat sa subrang pag hihilod ko, para kahit papaano mawala ang bakas ng pag kakahawak nya sa akin. Pero kahit anong gawin ko hindi na iyon mawawala.
Isang yugyog sa balikat ang nakapag pabalik sa akin sa ulirat.
Ilang ulit akong kumurap kurap.
"Ayos ka lang ba? kanina kapa tulala at bigla ka na lang umiyak."
Maharan kung hinawakan ang aking mukha at tama nga sya umiiyak nga ako, na naman.
Kaagad kung iniligpit ang aking gamit at nag mamadaling lumabas ng library.
"Rory saan ka pupunta?"
Tanong pa sa akin ni Red pero hindi na ako sumagot nag derederetso lang ako palabas.
Hindi ko alam kong saan ako pupunta, pakiramdam ko saan man ako mag punta maari nya akong makita.
Hindi ko sya kilala dahil hindi ko sya nakita, pero isa lang ang sigurado ako kilala nya ako at maaaring isa sya sa mga taong nakakasalubong ko lang.
Natagpuan ko na lang ang sarili kung nakupo sa isang ugat ng puno sa may tagong parte nitong university.
At gaya kanina nakatulala na naman ako.
Gusto kung sabihin kay Tatang ang nangyari pero natatakot ako, wala akong ibidensya.Kung sino man ang lalaking iyon nasusuklam ako sa kanya.
Marahan kung ipinikit ang aking mata ng tumama ang sinag ng araw sa aking mukha.
At kasabay ng pag pikit nito ay ang pag buhos ng alala ng gabing iyon.Yong mga haplos na hanggang ngayon damang dama ko pa din. Yong mga ungol nyang nag pa basag sa aking mundo, yong presenysa ng demonyo na iyon.
Hindi na nawala sa akin, halos minuminuto nag aalala akong baka biglang dumating sya at uliting muli ang kanyang ginawa.
Nakapikit lang ako hanggang sa maramdaman kung may tumabi sa akin.
Hindi na ako nag abalang tignan kung sino, alam ko na naman na.
"Rory ayos ka lang ba talaga? Ba't bigla kang umalis kanina?"
Nag aalalang tanong ni Red na hindi ko binigyan ng pansin.
"Rory, ilang araw ka ng nag kakaganyan. Alam kung may problema ka, pwede mo namang sabihin sa akin."
Mahinang sabi nya, wala namang mag babago kahit na sabihin ko pa sa kanya.
"Rory naman oh, nag aalala na ako sayo lagi ka na lang ganyan, lagi ka na lang naka tulala tapos bigla ka na lang iiyak. Please naman oh sabihin mo sa akin, para matulungan kita."
Dahan dahan kung iminulat ang aking mata dahilan upang masukubong ko ang kanyang nakatitig sa aking mukha.
Kaagad na bumuhos ang nga luha ko ng makitang nanginiglid na ang kuya ni Red.