Chapter 2

143 4 4
                                    


Saktong matapos akong maligo ng mag ring ang cellphone ko.

'Red calling...

"Hello Red napatawag ka?"

Bungad na tanong ko matapos masagot ang cellphone.

Isang buntong hininga ang aking narinig mula sa kanya bago sya nag salita.

"Rory kasi ano eh may lakad ako mamaya, papasama sana ako sayo."

Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Saan na naman kaya ang lakad ng babaitang ito.

"Saan ka naman pupunta at kailangan mo pa ng kasama?"

Tanong ko habang nag papatuyo ng aking buhok.

"Naalala mo ba si Jared?"

Balik nyang tanong sa akin.

"Jared?"

Sinong Jared ba ang tinutukoy nito.

"Oo si Jared Lee yong classmate natin nong  high school tayo."

Tumango tango na lang ako sino ba naman kasi makakalimot sa kaklase naming iyon.

"Oh anong meron?"

Isang buntong hinga ang nadinig ko galing sa kanya.

"Rory ano ba? Ayos ka lang ba?"

Medyo inis nitong tanong sa akin.

"Bakit ba kasi?"

Nagtataka ko ng tanong.

"Nakauwe na ang bruha at iyon gustong makipag kita sa akin , sa atin."

Napakunot na lang ang aking noo eh ano naman kung makikipag kita.

"Tapos? Anong problema don?"

Muling tanong ko sa kanya na syang ilang ulit nyang ikina buntong hininga.

"Anong problema? Seriously Myka Aurura hindi mo alam?"

Medyo pasigaw na tanong nito sa akin.

"Sa hindi ko alam eh."

Pikon na ding sabi ko.

"Dyos ko ano ba kasing nangyayari sayo at parang wala kang maalala."

Tila nawawalang pag asang sabi nito.

Na syang nag patulala sa akin ng biglang mag sink in sa akin ang ibig nyang sabihin.

Hindi maaaring mag kita kami ulit ng taong iyon. Kaagad kung naiyukom ang aking kamay upang pigilan ang nabubuhay na galit sa aking pag katao.

"Rory ano na?"

Ipinikit ko muna ng madiin ang aking mata bago sumagot sa kanya.

"Sure ka bang kasama sya?"

Medyo kinakabahang tanong ko.

"Duh malamang mag kapatid kaya ang dalawang iyon."

Mataray nitong sagot sa akin na syang ikinainis ko.

"Di ako makakasama."

Di pa ako handang makita ang babaeng iyon na halos sumira sa pag katao ko.

"Anong hindi ka sasama? Rory naman matagal na mula ng mangyari iyon."

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago muling nag salita.

"Ikaw itong nagtatanong kanina kung anong problema tapos pag sinabi kung hindi ako sasama, saka mo sasabihing matagal ng nangyari iyon."

Inis na sabi ko sa kanya.

The broken soul of  AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon