Isang buntong hininga ang aking pinakawalan bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Kaagad ang naging pag lingon ni giro ng makita ako.
"Ang tatang?"
Tanong ko dito ng makitang wala ang tatang sa bahay
"Umalis ate kanila lang."
Sagot nito at muling bumalik sa kanyang ginagawa.
Hinayaan ko na sya at pumasok na sa loob ng kwarto.
Pasalampak akong naupo sa aking may katigasang kama.
Hindi ko akalaing naungkat na naman ang nakaraang iyon. Bakit ba kasi pumayag pa akong sumama kay Red para makipag kita sa mag kapatid na iyon.
Kung sana hindi na lang ako pumunta wala na sana akong ibang aalalahanin pa.
Nang mapadako ang aking mata sa aking bag ay kaagad kung kinuha ang aking cellphone.
Iilang tawag at text ang bumungad sa akin galing kay Aaron.
'Busy ka siguro ngayon. Next time na lang pag hindi kana busy saka tayo mag kita.'
Sa hindi malamang dahilan ay marahang nag sipag bagsak ang aking mga luha.
Im sorry Aaron pero wala na akong mukhang maihaharap sayo.
***
Marahang katok sa pinto ang syang nag pagising sa akin."Pasok bukas yan"
Mahinang sabi ko, marahang bumukas ang pinto at pumasok si Tatang na may dalang pag kain.
Nag tataka man ay hinayaan ko na lang syang ilapag ang pag kain sa kalapit na mesa ng aking kama.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo anak?"
Nagaalala nitong tanong sa akin na syang ikinakunot ng aking noo.
"Ang taas ng lagnat mo kagabi ng pumasok ako dito. Hindi na nga tumabi sa iyo si Jane para daw maging kumportable ang tulog mo."
Kaya pala may nakalagay na bimpo sa aking noo ng magising ako.
"Ayos na ho Ako tatang wag na ho kayong mag alala."
Malamlam nya akong tinitigan, naka ilang buntong hininga pa sya bago muling nagtanong sa akin.
"Ayos ka lang ba talaga anak?"
Kaagad na nag iwas ako ng tingin kay Tatang sa kadahilanang baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masabi ko sa kanya.
Ilang ulit akong lumunok bago sumagot.
"Opo Tang ayos lang po ako. Stress lang po sa school."
Marahang tumango ang Tatang na syang ikinagaan ng aking pakiramdam.
"O sya maiwan na kita dito may gagawin pa ako. Kumain kana ng makainom ng gamot."
Marahang ginulo ni Tatang ang aking buhok bago tuluyang umalis.
At sa kanyang pag alis ay syang pag bagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
'Patawarin nyo ako Tatang.'
Nang matapos kumain ay napag pasyahan kung lumabas na ng silid naabutan kung abala si Jane sa pag lilinis, kaagad itong lumapit sa akin ng makita ako.
"Ayos kana ba ate? Hindi na ba masama ang pakiramdam mo?"
Nag aalala nitong tanong na sinalat pa ang aking noo.
Mataman ko lang syang nginitian. Si Jane ang pinaka sweet sa aming mag ka kapatid. Sya yong laging nag aalala sa lahat ng bagay patungkol sa aming pamilya, minsan nga mas tumatayo pa syang ate sa akin.
"Wag ka ng mag alala jane ayos na ako."
Tumango lamang ito sa akin bago ipinag patuloy ang kanyang pag lilinis.
Maharan akong umupo sa tabi ni Giro na nag babasa sa kanyang aklat.
"Ayos kana ate?"
Tanong nito sa akin ng hindi lumilingon, si Giro naman ang masungit sa aming mag ka kapatid, isa lang ang hindi nya kayang sungitan.
"Ah ate may pang tawag ka?"
Muling tanong nito sa akin na syang ikinailing ko.
"Wala na Giro eh mamaya na lang natin tawagan si Ate."
Tumango tango lamang ito sa akin, kay ate Anika sya pinaka close sa aming mag ka kapatid.
Ilang minuto lang akong naupo sa tabi ni Giro, bago napag pasyahang lumabas muna ng bahay para makalanghap ng sariwang hangin.
Mabagal lang akong nag lalakad, iniisip kung ano ang mang yayari kinabukasan. Kung ano ang kahahantungan ng pang yayaring iyon.
"Magandang umaga Rory."
Nakangiting bati sa akin ni aling Minda isa sa kapitbahay namin na abalang nag wawalis sa kanilang munting bakuran.
"Magandang umaga din ho aling Minda."
Medyo pinasiglang bati ko din sa kanya.
Ngumiti lamang ito sa akin at pinag patuloy na ang kanyang ginagawa.
Patuloy lang akong nag lalakad habang nag iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Nanginginig ang kamay na sinagot ko ang tawag.
"Hello Aaron."
Mahinang boses na sabi ko.
"Hello Rory busy kaba ngayon. Kita naman tayo oh, miss na kita eh."
Sa kanyang sinabi ay kaagad akong nakaramdam ng kaba. Hindi mahagilap ng aking utak ang tamang sagot sa kanyang tanong.
May dalawa akong pamimilian ngunit pareho akong mahihirapan.
Una pwede akong sumagot ng oo. Ngunit paano ko sya pakikisamahan.
Pangalawa pwede akong tumanggi ngunit baka isipin nya iniiwasan ko sya kahit yon naman talaga ang totoo.
"Rory nandyan ka pa ba?"
Pikit ang matang tumanggi ako sa gusto nyang mangyari. Bahala na.
"Pasensya na Aaron marami pa kasi akong gagawin eh. Next time na lang tayo mag kita."
Pag sisinungaling ko na lang, kahit wala naman talaga akong gagawin. Ayaw ko lang talaga ang makita sya sa ngayon.
"Ah ganun ba? Sige next time ah labas tayo. Nood tayo ng sene. Gaya ng madalas nating gawin noon."
Napakagat labi na lang ako. Hindi ko alam kung magagawa pa nating mag kasama iyon Aaron.
"Sige next time na lang ah. Marami pa kasi akong gagawin ngayon."
At isa don ang iwasan ka.
"Sige Rory aasahan ko yan ah. Ingat ka lagi ah sabihan mo lang ako pag may problema o kailangan ka, nandito lang ako. I miss you Rory. "
Kaagad na nangilid ang aking luha sa kanyang sinabi.
Gustong gusto ko na syang makita pero hindi ko na alam kung anong mukha pa ang ihaharap ko sa kanya.
"Bye Aaron ingat ka din."
sabi ko na lang at hindi na hinintay ang kanyang sagot, kaagad kung ibinaba ang cellphone.
Mapakla akong ngumiti, nangako ako kay Aaron na hinding hindi ako mag lilihim sa kanya, pero ito ako ngayon binali ang aking pangako.
Hindi ako nararapat para sa kanya. Mahal ko sya pero hanggang doon na lang iyon.