Gabriel
"Hun, Come here! Gusto kang yakapin ng anak mo!"
Lumapit ako sa cottage kung nasaan ang mag-ina ko. Masayang-masaya silang kumakain at nagdiriwang. Ako naman, pinipilit kong maging Masaya rin kahit medyo hindi ako komportable sa sitwasyon ko ngayon.
Ten years ago nang iwan ako ni Donna at nagsimula muli ng panibagong yugto ng aking buhay. Hirap 'mang tanggapin pero wala na rin akong magagawa dahil tao lang naman ako at walang kakayahang pigilan ang kamatayan 'diba?
Seven years ago nang magpakasal naman kami ni Cecilia sa isang simpleng venue. Then, doon naman kami nagkaroon ng anak. Si Belle na medyo spoiled brat at palaging inaaway si Gina. Iniintindi ko na lamang iyon dahil wala pa naman ito sa hustong edad. Masaya ring kasama si Cecilia. At doon, natuto ko rin siyang mahalin. Hindi man higit sa pagmamahal ko kay Donna, at least natupad ko rin ang mga pangarap ko sa kanya sa katauhan ni Cecilia.
Andito kami ngayon ng pamilya ko sa beach dahil dito namin piniling i-celebrate ang birthday ni Cecilia, as well as birthday ni Donna na rin. Gaya ng sinabi ko ay nasa cottage ang mag-ina ko at masayang kumakain.
"Daddy look there oh, i want to swim!" Ani Belle habang nakaturo sa beach. Ngumiti naman ako ng malapat sabay pisil sa pisngi nito.
"Sure baby, we will went there. Just wait for Ate Iris para kasama natin siya okay?" Sabi ko naman.
"Teka, yung anak mo. Si Gina, kanina andito lang siya sa tabi ni Belle ah? Saan na naman pumunta ang batang 'yun?" Nag-aalalang tanong ni Cecilia nang makitang hindi na nila kasama si Gina. 'yun pala, kasama nito si Iris na nagpalit ng bathing suit sa comfort room ng resort.
"Sorry Mom, bigla nalang kasi akong sinundan ni Gina sa loob akala ko kasama niya kayo. Buti nalang at andun pa ako kungdi baka naligaw pa 'to." Sabi naman ni Iris.
Nga pala, Secondary High School na si Iris at top 1 of the class. Si Gina naman, Top 3 sa klase nila. Si Belle, top 4 kaya proud na proud ako sa mga anak ko na nagmana talaga sa mga nanay nilang matatalino.
(Sneek peek: Si Iris sa taas)
"Ano ba namang mga bata kayo? Sana nagpaalam muna kayo sa amin ng Daddy mo nang hindi kami nag-aalala. Kanina pa kami naghahanap sa inyo eh." Aniya.
"Hayaan mo na ang mga bata." Pangangatwiran ko. "Gusto lang naman nilang ma-enjoy ang araw na 'to. Tsaka birthday na birthday mo nag-iinit ka diyan. Just relax and enjoy."
Ngumiti nalang siya. "Ano pa nga bang magagawa ko? Kapag ikaw na ang sumingit sa usapan, sigurado namang ikaw ang masusunod."
"Hindi naman, it depends on the situation." I said. "Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon, ako ang tama eh. Siguro may mga bagay lang talaga o mga pangyayari na doon mo mafi-figure out kung sino ang tama at nagkamali. Huwag na nga tayong mag-usap ng ganito. Birthday mo tapos hahantong lang sa ganito ang pag-uusap natin." Sabi ko at mabilis ko siyang tinabihan para bigyan na matamis na halik.
"Take your time, Honey. I love you..."
She pinching my cheeck as she responds a kiss. "Sure hon, I love you too..."
***
"Hey Gina, that's my toys! Huwag mo ngang pakialaman 'yan! Pakialamera ka talaga palibhasa wala kang Mommy na binibilihan ka ng toys! You poor, Gina!" Belle
BINABASA MO ANG
Not Just a Pretty Face | Completed
General Fiction"Hindi ako kabit, matagal na siyang akin," mariin na sabi ni Donna sa kanyang Best Friend na si Cecilia, ang asawa ng kanyang minamahal. "Really? But I'm his wife at kahit anong gawin mo, hindi mo mapapalitan ang pirma ko sa Marriage Certificate. Do...