Chapter 2 "New Beginning"

4.2K 58 17
                                    

(Yung nakikita niyong picture diyan ay si Cecilia ah? Magkamukha kasi sila ni Donna kaya minsan may mag aakalang siya 'yan.)

Cecilia's Point of View

Hindi ko alam ang gagawin ko diyan sa asawa ko. Lahat nalang pinabayaan na niya. Gusto niya ba talagang masira ang buhay at pamilya niya?

Actually, hindi naman talaga ako galit kay Donna eh. Wala akong dapat ikagalit sa kanya dahil hindi niya naman kasalanang namatay siya. Pero sobra na 'tong ibinibigay niyang stress sa asawa ko. Biruin mo, hindi pumasok si Gabe sa opisina ng buong araw at halos sugurin na ako ng boss niya para lang hanapin ito. Paano nalang kng wala siyang pasok? Yung oras na sana'y kasama namin siya ng mga anak ko, napupunta lang sa kanya. Aba, sobra ka na Donna. Kahit patay ka na may nababaliw parin sa'yo!

Umuwi na ako ng bahay. Kasama si Iris, pumasok na kami sa loob ng bahay at doon ko naabutan sina Gina at Belle sa salas. Kapwa nanunuod at qwalang kibo sa isa't-isa. Himala 'yata, hindi nag-away ang dalawa? Pero mas mabuti ng ganito kesa naman sa tuwing magkikita sila, away pa ng away.

"Iris, go up stairs. Kakausapin ko lang yung magkapatid."

"Sige po."

Lumapit ako sa kanila. Sa iisang sofa lang kasi sila nakaupo kaya pumagitna ako sa kanila. Sa isang iglap, yumakap sa akin si Gina na sa iksi ng oras na wala ako'y parang ma-miss niya ako. Kasabay noon, bigla naman akong niyakap ng mahigpit ni Belle at nagmistulang candy na pinag-aagawan. Still, wala paring kumibo at sa palagay ko ay unti-unti nang nagkakasundo ang dalawa.

"Oh, buti naman at hindi ko kayo nadatnang nag-aaway ngayon, Gina at Belle. Siguro naman okay na yung mga pinaliwanag ko sa inyo kanina ha?" Bilin ko sa kanila.

"Mom, I knew it. Away bata lang naman po ang nangyari sa amin ni Belle eh. I was in my room when she approach me to play with her toys. Until nagsawa kami at nanuod nalang ng T.V. Well about the silence kanina, We planned it to surprise you!" Gina says happily as i surprised a lot.

I gasped. "Woah? How true?"

"I'm sorry Mom for everything i did to my half sister. I realize earlier how Gina wants a mother will treat her like a part of the family. I realize that losing Tita Donna in her life is not so easy. Gina, I'm sorry if i misjudged you." Said Belle as my tears fell. Belle grab some tissue and rub it to my eyes.

"Thank you, Belle."

"It's okay, Belle. I'm sorry also for hurting your feelings and taking Dad's attention from you. I honestly thought it was fair for us but it wasn't. And sorry for making your hair so messy!" Natawa nalang kami. At natawa ako sa sitwasyon ngayon.

Kasi yung magkapatid, nagkaayos na. Pero kaming mag-asawa, meron na namang misunderstanding. Kelan pa kaya magiging patas ang lahat?

Gabriel's Point of View

Balak ko pa sanang dumaan ng opisina para mag-apologize kay Jennica sa hindi ko pagpasok kanina. Pero dahil gabi na, I decided to go home to take rest at the same time, magkausap kami ng maayos ni Cecilia.

Tahimik ang bahay nang pumasok ako. Tumingin ako sa orasan, It's 8:30 PM. Hindi pa ito ang oras para matulog ang lahat pero bakit ganito na katahimik ang buong kabahayan? Ang aga naman nilang matulog ngayon?

Pagpasok ko sa kwarto, doon ko naabutang natutulog ang tatlong mag-ina. (Cecilia, Gina and Belle) Mahimbing na natutulog ang mga mata habang nasa gitna naman si Cecilia na tila'y pinapatulog pa ang dalawa. Tinawag ko siya sa labas upang doon kami mag-usap.

Not Just a Pretty Face | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon