Third Person's Point of View
You're my destiny geudaen
You're my destiny geudaen
You're my everything
Byeonhaji anhneungeon
Geudaereul hyanghan naui sarangibnida
You're the one my love geudaen
You're the one my love geudaen
You're my delight of all
Sesangi byeonhaedo
Geudaeman saranghaneun nareul anayo
My DestinyMasayang sumasayaw sa kanilang tinutuluyang bahay ang magkasintahang Felice at Yago na kasalukuyang engaged na. Balak nilang magpakasal sa London gaya ng napag-usapan ng kani-kanilang mga pamilya dahil doon daw magandang mag-honeymoon na rin.
"Alam mo Bunchy pag kinasal tayo, gusto ko ng maraming anak para masaya!" Ani Felice sabay binuhat naman siya ni Yago.
"Sure, kayang kaya kitang bigyan ng anak. Gusto mo sampu pa eh!" Masayang tugon ni Yago. Naputol ang kanilang kasiyahan ng may tumawag sa cellphone ni Yago at sinagot niya ito.
"Hello?"
[Ako 'to si Gabriel. Sorry kung nagpalit ako ng number at di ko nasabi sa'yo. Hectic ako eh...]
"Ah okay lang. Naiintindihan kita. Napatawag ka?"
[Wala lang. Gusto ko lang kayong imbitahin ng future wife mo dito sa bahay ng makasama namin. Miss ko na yung kapatid ko eh.]
"Sure papunta na kami diyan..." Sabi niya at binaba na ni Yago ang telepono.
"Bunchy, sino 'yon?"
"Ah... si Kuya Gabriel mo. Pinapapunta dun sa bahay nila at gusto tayong makita... Buti naman ng makita ko rin yung mga anak niyang makukulit." Sagot nito sabay yakap sa kanya ni Felice.
"I'm so excited! So kelan tayo pupunta?"
"Ngayon gusto mo? Hindi ako busy ngayon kaya pwede natin silang bisitahin."
"Okay, magbibihis lang ako..."
Pagdating nila sa bahay nila Gabriel ay nagbeso-beso muna sila bago magkwentuhan. Tila'y nagreunion sila sa tagal ng kanilang pagbabatian. Kasabay nun, ibinigay kila Gabriel at Cecilia ang limang invitations para sa kasal nila good for their family. Masayang masaya silang tinanggap ito at nagpasalamat.
"Wag kang mag-alala Felice, sisiguraduhin kong makakarating kaming lahat at ang hindi ko makakalimutan ang araw na yun dahil makakasama mo na ang lalaking para sayo." Ani Gabriel na siyang nagpaluha kay Felice. Niyakap niya ito ng mahigpit at halos hindi makapagsalita dahil sa tears of joy.
"Thank you my dear brother. I love you."
"I love you too my baby sister."
"Tama na 'yan pati ako naiiyak eh! Baka gusto niyo munang magmeryenda ng magkalaman ang mga tiyan niyo?" Panghihikayat ni Cecilia na may dala-dalang cake na siya mismo ang gumawa.
"Sure! Alam kong ikaw ang gumawa niyan Ate Cecilia. Ang sarap mo kayang gumawa ng cake. What if ikaw nalang ang gumawa ng wedding cake namin ni Yago?" Sagot ni Felice ng may excitement. Kumunot naman ang noo ni Gabriel at parang hindi nasatisfy sa ginawa nito.
"Hon, wala na tayong baking powder gumawa ka parin? Ano na namang gimik 'yan wala na tayong gagamitin para panggawa ng meryenda ng mga anak mo!" Tumawa nalang sila.
"Ano bang akala mo sa'kin hon Walang alam? Syempre gumawa ako ng paraan! Diba pumunta tayo ng mall kanina? Edi bumili ako sa supermarket bago tayo nagkita-kita!" Pabiro na sinabi ni Cecilia. "Oh ayan free taste. Next time may bayad na ah?"
BINABASA MO ANG
Not Just a Pretty Face | Completed
General Fiction"Hindi ako kabit, matagal na siyang akin," mariin na sabi ni Donna sa kanyang Best Friend na si Cecilia, ang asawa ng kanyang minamahal. "Really? But I'm his wife at kahit anong gawin mo, hindi mo mapapalitan ang pirma ko sa Marriage Certificate. Do...