Mature Content. Not Suitable for Young Readers.
Cecilia's Point of View
Pagka-drop ko ng call kay Max ay umalis na ako sa bahay dala ang kotse ko. Binilin ko na rin sa mga maids na kapag umuwi si Gabriel ay mag-uusap kami pag-balik ko. Hindi ito maaari, dahil lang sa babaeng malanding 'yon ipagpapalit niya ako porket wala na kaming anak? I need to talk with Max and i will convince him to do our plan.
Nasa kalagitnaan ako ng daan at tumigil muna ako ng mag stop light. Binuksan ko ang aking Cellphone saka sinubukang tawagan ang asawa ko. Ilang beses na niyang nire-reject ang tawag ko simula kanina ng paalis ako. Kung hindi 'man siya ang may hawak ng Cellphone niya ay siguradong si Donna ang nag-reject nuon. Walang hiya talaga, huwag lang siyang magpapakita at hindi ako magdadalawang-isip na tapusin ang buhay niya!
"Maam..." Narinig ko nalang na may kumakatok sa bintana ng kotse ko kaya binuksan ko naman iyon.
"Bakit anong kailangan mo?" Tanong ko sa lalaking naka-uniporme ng pang-pulis.
"Lisensya niyo po? May check point po kasi eh..." Tugon ng Pulis kaya mabilis kong kinalikot ang bulsa ko kung andoon nga ang wallet ang lisensya ko. Pero laking gulat ko na hindi ko pala dala iyon at nakalimutan ko sa bahay.
"Lisensya? Paano kung nakalimutan ko sa bahay? Hihingan niyo pa ako? Umalis ka nga at nagmamadali ako!" Inis kong sabi sa Pulis pero hindi ito umalis at kinulit-kulit parin ako.
"Hindi po pwede, kailangan niyo po talagang ipakita 'yung--" Hindi ko niya siya pinatapos, pinaandar ko na ang makina at mabilis na pinatakbo iyon.
Natataranta na ako lalo't maraming police car ang nasa likod ko at hinahabol ako... Kailangan ko silang mailigaw.
Tinodo ko sa pinakamabilis ang pagmamaneho ng kotse ko saka ako pumasok sa maliit na eskenita na alam kong maliligaw sila. At hindi nga ako nagkamali. Sa isang iglap, wala nang nakasunod sa akin kaya ng makatyempo ay bumaba na ako ng kotse saka sumakay ng Taxi para makasigurong hindi na ako mahuhuli ng mga pulis.
Ibinaba ako ng Taxi sa mismong Condominium ni Max gaya ng sinabi ko. Tumakbo ako papunta sa likuran kung saan may lusutan papunta sa loob. Dali-dali akong tumakbo papunta sa Unit ni Max at pagpasok ko ay nasa kusina siya habang nagluluto ng Midnight Snak. Naglakad ako palapit sa kanya saka ko siya kinalabit.
"Anong ginagawa mo?" Bulong ko sa kanya, narinig ko naman siyang tumawa saka ito humarap sa akin.
Bumungad sa'kin ang topless niyang katawan, kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya. Laking gulat ko nalang ng bigla niyang hawakan ang aking bewang. Pinilit kong magpumiglas pero sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya ay wala iyong magawa.
"Bitawan mo nga ako! May kailangan tayong pag-usapan." Nang sabihin ko 'yon, doon niya lang ako binitawan.
Naglakad ako papuntang living room kung saan may naabutan akong isang bote ng wine at dalawang baso. Kinuha ko 'yon at sinerve ko naman sa kanya ang isang baso na may lamang wine na.
Umupo ako sa sofa katapat siya, pinag-usapan namin ang nangyari kanina.
"Gabe sends some annulment papers to me. He wants to leave me and runaway with Donna. Ano ng gagawin natin? Hahayaan nalang ba natin na maging masaya sila?" Tanong ko kay Max habang nangingilid ang mga luha ko.
He shook his head. "Bakit naman tayo papayag na mangyari 'yon? We're not stupids, Cecilia. Sadyang nag-hihintay lang ako ng tamang panahon para isagawa ang plano."
"Ano ba kasi klaseng plano 'yan? Ang tagal-tagal eh! Paano nalang kung biglang magpakasal silang dalawa? Paano kung pekein ni Donna ang pirma ko sa Annulment Papers at tuluyan na kaming maghiwalay ng asawa ko? Kapag hindi mo 'to nasolusyonan, mapapatay ko 'yang babae mo!" Galit na galit kong sabi sabay tayo mula sa sofa. Balak ko ng umalis ng pigilan niya ako.
BINABASA MO ANG
Not Just a Pretty Face | Completed
General Fiction"Hindi ako kabit, matagal na siyang akin," mariin na sabi ni Donna sa kanyang Best Friend na si Cecilia, ang asawa ng kanyang minamahal. "Really? But I'm his wife at kahit anong gawin mo, hindi mo mapapalitan ang pirma ko sa Marriage Certificate. Do...