Chapter 15 "Hugutin Mo Ako"

1.6K 21 1
                                    

I'm planning to on hold this one pero dahil hindi ko kayo matiis, i decided to cancel it and continue the story.

Ang Chapter na may panghugot! Pahugot nga please?


Gabriel's Point of View

Pumasok ako sa loob ng sinehan upang hanapin si Donna doon. Kanina pa kasi sabi sandali lang daw. Sino ba kasi 'yung pinuntahan niya? Saktong pagpasok ko, bumulaga sa harap ko ang hayupang Max. Nakatingin lang sa'kin ng masama na parang gusto akong kainin pero hindi ko lang ito pinansin at dinaanan ko lang siya. Sa halip, hinarang niya ako at hindi pinayagang makaraan.

"Ano pa bang kailangan mo ha?" Tanong ko. "Ano ka, bodyguard ni Donna? Akala ko umuwi ka na pabalik ng London andito ka parin?"

"Kung kinakailangang maging bodyguard, huwag lang makalapit siya sa'yo bakit hindi? Eh ikaw, ano ka niya?" Pagmamayabang niya sabay ngiti ng nakakaasar.

Natawa lang ako sa kanyang sinabi. "Bodyguard lang as in? Paano kung sabihin ko sa'yong ako na ang Boyfriend niya ngayon?"

"Hindi mangyayari 'yun, gago. Dahil ako ang Boyfriend niya." Aniya sabay hila sa kwelyo ng aking polo. Itinulak ko naman siya kaya napasandal lang ito sa pader.

"Noon 'yun noong pinapaikot mo pa ang ulo niya. At dahil nalaman na namin lahat ng kabaliwang ginawa mo, bakit pa siya magtitiis sa'yo? Hindi mo ba naintindihan 'yung mga sinabi niya sa'yo kanina? Kung ako sa'yo, umalis ka na dahil kahit ano pa ang gawin mo, hindi mo masisira ang relasyon namin!" Sabi ko tsaka ako naglakad patalikod pero napahinto ako ng bigla siyang magtatawa.

Lumingon ako sa kanya at nagpipigil lang ng galit. Ayokong makita pa ni Donna ang lalaking ito dito pero ayoko namang malaman ni Cecilia na pinatulan ko pa ang Gagong 'to at baka magkampihan pa sila.

"Baliw ka ba? Anong tinatawa-tawa mo diyan?!"

"Relasyon? Anong relasyon ang pinagsasabi mo? Baka nakakalimutan mong kasal kayo ni Cecilia at siya ang asawa mo?" Sabi niya pa.

"Hindi ako nakakalimot doon. Oo kasal kami ni Cecilia pero iba na ngayon dahil nagbalik na ang babaeng una kong minahal."

"So ibig sabihin ba nun, ginamit mo lang si Cecilia para isipin mo na nasa tabi mo lang si Donna ng mga panahong akala mong patay siya? Hindi ka parin nagbabago, dre mangloloko ka parin. Hayaan mo, kakausapin ko 'yang asawa mo para malaman na niya ang ginawa mong pangloloko sa kanya." Ani Max at tumalikod na ito tsaka umalis. Balak ko pa sana siyang habulin pero huli na ang lahat dahil bigla nalang siyang nawala.

Ang pinagtataka ko lang, paano niya nakilala si Cecilia gayong hindi naman sila related sa isa't-isa?

Sandali lang ay lumabas na si Donna. Tuwang-tuwa at parang walang problema. Lumapit siya sa'kin sabay yakap ng mahigpit.

"Anong nangyari, Donna? Ang tagal mo naman..."

"Sorry ah? Natagalan lang kami sa paglalaro namin ni Cecilia ng app eh." Sabi niya.

"So andito si Cecilia at nagkita kayo?" Tanong ko.

"Yes and we're friends again."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi, first of all nakakatuwang nagkabati nang muli ang dalawa. But the second one is hindi nakakatuwa kapag nagdesisyon na si Donna na hindi ako mahaling muli. Ewan ko ba, ako na nga ang pinag-aagawan, ako pa ang litong-lito.

Pinilit kong ngumiti nalang pero napansin rin niya 'yon. "Ngiting pilit much? May problema ba?" Tanong niya.

Hinila ko ang kanyang kamay palabas ng sinehan papunta sa kotse ko. Pagbukas ko ng kotse ay bumulaga sa'min si Cecilia na nakasakay sa passenger seat.

Not Just a Pretty Face | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon