Prologue

789 26 5
                                    

Naiiba ako.

Nag-iisa..

Palagi nalang ako nasa likod at agaw attention ang buhok ko.

Ikaw ba naman magkaroon ng Red hair habang sila Black? At yung mata mo rin ay pula. Hindi ka ba magtataka.

Yeah! I have red hair and my eyes are also red. Ang hirap ko makisama sa ibang bata dito sa ampunan. Kinakatakutan nila ako. Kasi raw isa akong weirdo. At the age of 10 I found myself being really different among all. 10 palang ako pero ang height ko ay 5'2 already habang sila 4'5? Ganun ba ako ka kakaiba?

Sino ba talaga ako? At bakit ako nandito? Sino ba ang mga magulang ko? Ilang beses ko ng itinanong yun kay Sister Gloria pero ang sabi niya ay nahanap lang daw nila kami sa harap ng simbahan. Oo kami, may kambal raw ako, pero sa kasamaang palad ay naampon na siya nung 2 years old palang kami.

Ang sabi nila sister magkamukhang magkamukha kami, kaso nga lang mas mukhang normal siya, kasi ang mga mata niya ay Brown at ang buhok niya ay itim. Habang ako sobrang puti ko siya naman raw medyo morena. Kaya mas pinili siyang ampunin kesa sakin.

"Sister.. alam mo ba kung asan si Amesha ngayon?"tanong ko sa kanya.

"Hayy.. bata ka talaga.. basta ang sabi nila Mr. And Mrs. Cruz ay sa Maynila sila titira."sagot niya sakin. Maynila? Asan yun?

"Malayo po ba ang Maynila?"tanong ko ulit.

"Hayy.. Amethyst, matulog ka nalang.. maaga ka pa bukas sa school."sabi ni Sister.

"Eh? Sister naman. Paulit ulit naman si Ate Jessica sa lessons niya eh, kabisado ko na nga halos lahat, tsaka miss ko na po si Amesha gusto ko po siyang makita."sabi ko.

"Ikaw talaga. Oh siya siya pupuntahan natin siya sa susunod na buwan."sagot niya.

"Talaga?"excited kong sabi.

"Oo.. basta magpakabait ka ha."tawang tawa ni Sister.

"Sige po."sabi ko sabay takbo sa kwarto ko. Yess!! Makikita ko na si Amesha ang kakambal ko.

Pagpasok ko sa kwarto namin, nakita kong nagsusuklay sila Betty, Mae at Tasha. Hindi ko nalang sila pinansin. Away na naman ang gusto ng mga 'to. Sobrang inggit sila sakin, kasi ako ang pinakamatangkad na babae rito at ang pinakamaputi, idagdag niyo pa ang mata at buhok ko.

"Ow look who's here.. si Weirdo!"panimula ni Betty. Pero nilampasan ko lang siya.

"Hey! Don't you dare ignore her!"sigaw ni Mae sakin habang nakatingala ng sobra. Ang liit kasi nila compared sakin. Pero hindi ko pa rin sila pinansin.

"Psh! Bastos no wonder yung kambal ang pinili at hindi na siya sinama kasi isa siyang weirdo!"banat naman ni Tasha. Pumunta ako sa may higaan ko, pero sunod ng sunod rin sila.

"Hoy! Bingi ka ba!"Betty sabay tulak sakin. Pero tumayo lang ako.

"Hoy!Weirdo na pangit!"sigaw niya ulit. Psh? Ako pangit? Baka siya. Tss.

Itutulak niya ulit ako ng biglang hinawakan ko siya sa braso. Napa-aray siya kaya mas lalo kong diniinan yun.

"Umalis kayo sa harapan ko kung ayaw niyong magalit talaga ako."kalmado kong sabi.

Agad naman silang umalis. Kaya humiga na ako at natulog. Tss serve them right.

(Dream ni Amethyst)

May babaeng takbo ng takbo nakaputi siyang dress na hanggang tuhod yung haba at may espada siya sa likod. May hawak hawak siyang dalawang bata. Isang may itim at pulang buhok.

The Flaming Chic (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon