x/n: Hello! :) This chapter is dedicated to @akjaee. Hi! Thank you for following me :) Sana mabasa mo 'to. Enjoy reading~-
Chapter 4
Mishy's
Napatigil ako sa pagtakbo at humawak ako sa dalawang tuhod ko bilang suporta habang hinahabol ang aking hininga. I shut my eyes tightly at pilit na winawaksi sa isipan ang mga nakita kong eksena kani-kanina lang.
Tatayo na sana ako nang bigla akong nakarinig ng sigaw, "Mishy! Look out!" titignan ko pa lang sana kung sino iyon nang biglang may rumaragasang bola sa ere ang patama sa akin, at huli na para ilagan iyon.
Napaupo ako, or more like napahiga sa damuhan nang masapol ako sa ulo. Mahina akong napa-mura dahil sa sakit at lakas ng impact. Punyeta yung sumipa ng bola, pramis!
"Mishy!" nakarinig ako ng yabag ng mga paa patungo sa kinaroroonan ko pero hindi ko magawang tignan kung sino sila dahil tinatakpan ng kaliwang braso ko ang mga mata ko. At hindi ko ito magalaw, dahil na rin siguro sa sakit ng ulo ko.
Nakaramdam ako ng kamay na humawak sa kamay ko. "Mishy, okay ka lang?" dinig kong tanong pero hindi masyadong malinaw. Punyeta, pati ba naman pandinig ko? Lagot talaga sakin kung sino yang sumipa ng bola!
Nakaramdam ako ng mga kamay sa ulo ko at marahan itong iniangat. Napadaing naman ako agad. "Careful!" dinig kong sigaw ng isang boses.
Pinilit kong tanggalin ang pagkakatakip ng braso ko sa mga mata ko at dahan-dahan itong minulat. "Mishy?" agad kong nakita ang mukha ni Kirk na nag-aalala. Pinilit ko pang i-adjust ang paningin ko dahil hindi pa masyadong malinaw.
"K-kirk.." mahinang tawag ko sa kanya. Huminga ako ng malalim. Bahagya niyang pinisil ang kanang kamay ko. "Don't worry, parating na yung medic, wag kang bumitaw ha?" nagpa-panic na wika niya.
Teka, ano bang akala nito? Magsasabi ako ng huling habilin? Mamamatay na ba ako? Gagi.
Ini-angat ko ang kaliwang braso ko at bumwelo para batukan siya. "Aray!"
Tinignan niya ako na para bang tinatanong kung para saan yon. "Tanga ka ba? Hindi pa ako mamamatay!" singhal ko sa kanya. Kinapa ko ang leeg ko papunta sa batok at hinimas-himas ito. Napapa-daing naman ako dahil sa sakit.
"Tulungan mo nga akong bumangon." sabi ko sa kanya.
"Pero hi-"
"Sabing ibangon mo ako e!" sigaw ko sa kanya. Napabuntong-hinga na lang siya at walang nagawa kundi ang marahan akong alalayan para makaupo. Doon ko lang napansin yung mga lalaking naka jersey na nakapalibot samin. Sinamaan ko lahat sila ng tingin.
"Sinong hudas ang sumipa ng bola?" mariin kong tanong sa kanila. Lahat sila ay napa-iwas ng tingin at sabay-sabay na itinuro yung isang lalaki na medyo malaki ang mata pero gwapo. Nice, asset niya ang kanyang mata ha? Kahit pang-kwago e, keribumbum lang.
Dinuro ko siya. "Duling ka ba?! Nakita mo bang nasa kinatatayuan ko yung pesteng goal na yon?!" singhal ko.
Tumawa lang siya ng marahan at bumaling kay Kirk. "Ang cute niya magalit, ha? Dragona." sabi niya sabay ngisi sa akin.
Aba't ang gagong 'to!
Sinamaan ko lang siya ng tingin at dinuro niya yung field. May tinuro siyang spot malapit sa goal net or whatever. Hindi ko alam ang tawag doon. "Doon ka nakatayo kanina, sakto lang naman ang puntirya ko. Kung hindi ka dumating ay malamang, sakto iyon. Kaso, sumingit ka."
![](https://img.wattpad.com/cover/30849165-288-k86982.jpg)
BINABASA MO ANG
Playful Sweet Desire
General FictionMATURE CONTENT +16 [There will be PRIVATE chapters, so FOLLOW me] Hindi maganda ang trato ng pamilya ni Mishy Fhaye Quintes sa kanya. Ang tanging gusto niya lang ay makita siya ng pamilya niya bilang siya, isang anak at hindi negosyo. One time came...