x/n: This is dedicated to @Gay-Lussacs. Thank you for voting! :) Enjoy reading :)
-Chapter 5
Mishy's
Maayos naman yung naging klase ni Mrs. Delima. Tahimik ang buong klase. Though, yung nasa likod namin ay medyo magugulo. Psh. May nalalaman pa silang, we won't abrupt, pero nanggugulo naman.
"Goodbye and thank you Mr. Villanueva." sabi niya't bumaling kay.. tinignan ko yung direksyon na tinignan niya at nakita kong iyon pala yung humatak sakin kanina. Tumango naman yung Mr. Villanueva pagkatapos ay tumingin sakin.
"You need something?" malokong tanong nito. Napaiwas ako ng tingin, pagkatapos ay narinig ko siyang tumawa. Kinalabit ko na lang si Andeng at sinabing mag recess na kami. Akmang tatayo na kami nang biglang may nagpaupo samin.
May nakahawak sa magkabila kong balikat, gayon din kay Andeng. Nagtama ang paningin namin at bakas sa mukha niya ang kaba. So takot itong baklang 'to sa kanila? Sabagay, who wouldn't. E samu't-saring may pagka-demonyo ang mga hampaslupang ito!
"Leaving so easy?" nakasmirk na tanong ni Mr. Villanueva. Magsasalita pa lang sana ako nang biglang, "Paolo!" isang firm na boses ang umalingawngaw sa buong classroom. Dumako ang tingin ko sa may pintuan, at nakita kong nakatayo roon si Kirk.
Nakita ko ang pag ngisi ni Mr. Villanueva kay Kirk. "Kirk." sabi nito.
Agad namang lumapit sa pwesto namin si Kirk, at tinampal ang mga kamay na nakakapit sa magkabila kong balikat. Itinayo ako ni Kirk at hinawakan sa braso.
"Layuan niyo si Mishy."
Teka. Magkakilala sila?
Napahalakhak ng sarkastiko si Paolo yata ang pangalan. "You don't tell me what to do."
Napahigpit ang kapit ni Kirk sa braso ko. "Oh yes I can. Bakit? Kapag ba may ginawa ako sa inyo, you're going to hide under your grandmother's panties?" mapang-asar na wika ni Kirk.
"Shut up, faggot. Wait till he comes back."
Napangisi nang malawak si Kirk. I really don't know what's happening. "Should I be scared?"
Sumenyas si Paolo sa mga kasamahan niya. Tumalikod na samin si Paolo at bago pa man siya makalabas ng classroom,
"Yes. He will start to claim everything." huling sabi nito.
There was a silence at ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Kirk sa braso ko. "Ouch.." mahinang daing ko. Agad niya naman itong binitawan.
"Sorry. I'll be back." sabi ni Kirk at lumabas na rin sa room. Tinignan ko si Andeng na nakahawak sa dibdib niya.
"Whoo! Anong eksena iyon?"
I shrugged. "Hindi ko maintindihan kung anong pinag-uusapan nila." sabi ko't kinuha ang bag ko. Tumayo na rin si Andeng at sabay kaming lumabas ng classroom.
"Pero alam mo, kilala ko kung sino ang tinutukoy ni Paolo." nilingon ko naman siya. "Kilala mo si Paolo?"
"Basta gwapo, memorize ko pangalan at mukha." Inirapan ko na lang siya. Wala talagang kwenta ang mga sinasabi niya. Nakarating na kami sa cafeteria at umorder na ng pagkain. Nang makaupo na kami sa seats namin ay nagsimula ng magkwento si Andeng.
"Yun yung leader ng frat. You see, El Jackson ang pangalan ng university na 'to. From what I've read sa history books, Jackson's and Salle's are related." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Playful Sweet Desire
Fiksi UmumMATURE CONTENT +16 [There will be PRIVATE chapters, so FOLLOW me] Hindi maganda ang trato ng pamilya ni Mishy Fhaye Quintes sa kanya. Ang tanging gusto niya lang ay makita siya ng pamilya niya bilang siya, isang anak at hindi negosyo. One time came...