T H I R T E E N T H (151110)

412 10 17
                                    

[ x/n: This chapter is dedicated to my ever loving ate @potterbliss. Tagal ng naka-dedicate sa kanya 'tong chapter na 'to, bago ko pa i-revise yung buong story. Hi ateee! Ang tagal mo ng hindi nagpaparamdam huhuhu. Lovelots :* ]

P.S: Warning! This is a short update, why? Secret. ;)

-

Chapter 13

Mishy's

Napabalikwas ako sa kama ko nang natatamaan ako ng sinag ng araw. Ugh.

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at nagbihis ng maayos na damit pagkatapos ay dumiretsyo sa balcony.

"Goodmorning world!"

Ngumiti ako para malanghap ko lahat ng positive vibes. Agad kong naibaba ang mga kamay kong nakataas sa ere nang makarinig ako ng katok mula sa pinto. Tinanggal ko ang pagkaka-lock ng pinto at napansin kong may dala ng tray yung kasambahay.

"G-goodmorning po, Sengnorita." Napakunot ang noo ko nang napansin kong nauutal itong magsalita at nangingig ang mga kamay. Kinuha ko mula sa kanya ang tray at pinatong sa kama. Nilapitan ko siya sa may pintuan pero agad akong nakapatigil nang makarinig ako ng malakas na lagabag sa baba.

"Ate ano iyon?" nagtatakang tanong ko at nagsimulang maglakad para makita kung ano ang nangyayari sa baba.

"Segnorita hindi po kayo pwedeng lumabas ng kwarto!"

Hindi ko na lang pinansin ang sinasabi nung kasambahay na humahabol sakin at patakbong bumaba sa hagdan.

Biglang napabagal ang pagbaba ko sa hagdan nang makita ko ang eksena. Naka-semi circle ang mga myembro ni Arvin sa fraternity niya. Si Arvin ay hawak-hawak ang kwelyo ni Stefan na halos mawalan na ng malay dahil sa dugo. Napatutop ako sa aking bibig.

H-how... how could he be this heartless jerk?! Oh my god.

Agad kong tinakbo ang espasyo patungo sa kanila at pinigilan si Arvin na suntukin ulit si Stefan.

"Itigil mo nga yang ginagawa mo! Halos mamatay na si Stefan dahil sa pambubugbog niyo!" sigaw ko sa kanya at pabalyang binitawan siya sa braso. Tinanggal ko ang pagkakakapit ni Arvin sa kwelyo ni Stefan.

Nag-iinit yung sulok ng mata ko dahil sa kalagayan ni Stefan. Ano... Anong ginawa niya kay Arvin para pag-initan siya ng ganito?

Tuluyan na akong napaluha nang may umagos na namang dugo sa ilong ni Stefan. Oh my goodness.

Agad ko itong pinunasan at dahan-dahan siyang pinayuko para hindi maunta ang dugo sa utak. Galit kong tinignan si Arvin.

"Ano bang problema mo?! Bakit mo ginanto si Stefan? Wala namang ginagawa sayo yung tao ah!?" I snapped at him.

Tinignan niya lang ako ng malamig. Napatingin ako sa mga nakakuyom niyang kamao at doon ko lang napansin na meron siyang benda sa isang kamay.

Suminghot muna ako bago magsalita. "A-anong nangyari sa kamay mo?" nagtatakang tanong ko. May bakas ng dugo ang mga kamao niya, pero mas maraming dugo yung nasa kanan niyang kamay.

"What do you care anyway?" masungit na pagkakasabi niya.

"H-ha? Wa-wala naman akong pakialam sa kamay mo. Tinatanong ko lang." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Siya pa yung may ganang magalit at magsungit, e siya naman ang may kasalanan dito.

Nakita kong tumakbo papalapit samin si Wallace. "Stefan?" natatarantang tanong ni Wallace. Lumapit siya samin pero bago pa iyon mangyari ay pinigilan siya ng mga kasamahan ni Arvin.

Playful Sweet DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon