T E N T H (151022)

496 13 9
                                    

[ x/n: Heeey people! Yo wazzup 😎 Anywaaaay, this chapter is dedicated to @PrettyEstupida, thank you for posting a message on my MB nung April 14. Tagal na pala non pero recently ko lang nabasa. Thank you for your support! Sa lahat ng readers and silent ones, thankyou very big! Happy 12K reads! Whoooo! Sana patuloy niyo 'tong suportahan! Lovelots :*]

P.S: THE PROLOGUE HAS BEEN REVISED. Check it out! ;)

P.P.S: Rank #259 in General Fiction na po tayo omg! Hindi natin 'to ma a-achieve kung hindi dahil sa inyong mga active and silent readers, pati na rin sa mga naglalagay nito sa reading list nila 😄😄 I wanna cry 😭😭😭 Thank you very much! Muaps :*

Chapter 10

Mishy's

Kasalukuyan akong nandito sa office ni Sir Lagdameo kasi hindi ako naka-attend ng klase kaninang umaga, tatlong subject po ang nakaligtaan ko kaya eto, naghahabol ako ng essay sa Philosophy.

Buti nga at hindi ako pinagalitan e. Sinabi kasi ni Arvin na kasama niya ako dahil inilibot ko raw siya sa university. Wala namang nagawa yung professor ko kundi ang tumango at pinagbigyan ako na gumawa ng essay ngayon.

Nang matapos ako ay agad akong napahinga ng malalim. Napasapo ako sa noo ko nang maalala ko na may ibabalik nga pala akong libro sa library. Hay punyemas.

Kung bakit ba naman kasi inistorbo pa ako ni Arvin e!

Gusto niyong malaman kung anong ginawa namin sa headquarter nila? Jusme. Ang gugulo nila! Lalo na yung mga lalaki doon, maliban na lang kay Paolo at Arvin na seryosong nag-uusap na para bang hindi ako nag-eexist doon.

Ni hindi ko nga na-gets yung sinasabi nilang empress chuchu e. Tinatanong ko kung ano yon pero ang loko? Iniisnob ang beauty ng lola niyo neng! Tapos naalala ko pa na ninakaw niya ang second kiss ko! Nyeputs. Hindi man lang romantic ang background! Parang katulad lang din nung first kiss ko sa kanya. Binigla ako mga neng! Wala siyang ka roma-romantic kung humalik! Tapos saglit pa yon! Hindi man lang nagtagal-- ay ano ba 'tong sinasabi ko!

Naisip ko, parang kailan lang kami nagkakilala pero parang ang dami na niyang alam sakin 'no? I mean, sila palang lahat.

Hay nako. Iniling-iling ko na lang yung ulo ko at iwinaksi iyon sa isipan. Trip lang nila ako, tama, trip lang yon.

Iniwan ko na lang sa isang tabi ng table ni Prof Lagdameo yung essay na ginawa ko at lumabas na sa office niya para tumungo sa library.

"Mishy!"

Napalingon ako sa kaliwa ko at nakita ko si Andeng na kumakaway-kaway. "Uy!" I beamed nang makalapit siya sakin.

Akala ko ngingitian niya ako, pero nakatanggap muna ako ng hampas sa batok mula sa kanya bago ako ngitian. Napangiti ako ng sarkastiko. "Hello din sayo!" sabi ko sabay irap at ayos ng buhok.

"Balita ko magkasama kayo ni Arvin?"

"Oh eh ano naman sayo? Nagpasama lang yon sa paglilibot 'no!" depensa ko.

"Talaga lang ha?" pang-aasar niya.

"Oo nga. Ano bang pinunta mo dito?" tanong ko nang magsimula na kaming maglakad.

"Wala naman. Trending ka kasi sa buong university."

Instant fame pala kapag nakasama mo yung kilalang tao 'no? Naks naman. Fishtea.

"Oh eh anong gagawin ko? Hayaan mo na sila. Wala naman silang maisip na matino."

Kapag mga ganyang sitwasyon, hindi dapat pino-problema yan. Jusko. Maliit na bagay, pinapalaki pa nila.

Playful Sweet DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon