"Anong oras ka nakauwi kagabi? Ang lakas ng ulan, nakatulog na ako kakahintay sayo" Bungad ni mama sa akin pababa pa lang ako galing sa kwarto, nakabihis na rin ako para sa pagpasok sa trabaho.
"Past ten na po Ma" hinila ko ang isang upuan sa hapag kainan, at umupo, hawak ko ang cellphone ko at nagsimulang magscroll doon, binuksan ko ang Gcash app, napangiti ako nung may makita akong makukuhang energy sa Gforest mula sa mga friend list ko doon.
"Tama na yang cellphone cellphone na yan, kumain kana" inilapag ni mama ang isang tasa ng kape, oh! i love coffee.
"Thank's Ma!" Sumandok na ako ng sinangag.
"Si Papa po?" Napansin kong wala si Papa sa paligid.
"Ayon andun kina uncle Deo mo, kumain naman na yon hayaan mo na. Sya nga pala, gusto mo ba yung bag na pasalubong saakin ni Dark? Ang ganda pwede pang-opisina yon, bagay sayo."
"Sayo binigay yon e. Atsaka ang dami ko pang bag." Humigop ako ng kape.
"Sayo anong pasalubong?" biglang tanong nito.
"Wala po, bakit naman nya ako papasalubungan?" Diretcho pa din ang pagkain ko.
"Teka nga, nag-away ba kayo? Dati para kayong kambal tuko, lagi kayong magkasama nung batang yon" Humigop uli ako sa kape ko.
"Ma, matanda na kami ni Dark, at palagi yong nasa abroad, syempre may mga changes na." Umiwas ako ng tingin. Wala pa lang may alam kung anong nangyari sa amin ni Dark.
"Oo nga pala! Ano na ang nangyari sa inyo ni Rodel?" Napaubo ako.
"Ma, diba nga wala na kami ni Rodel?" Tinapos ko na ang pagkain ko.
"Ano ba talaga nangyari? Ang bait ng batang yon, baka naman ikaw ang problema?" Ilang beses nya akong kinukilit tungkol kay Rodel. Di ko naman masabi sabi na kaya nagbreak kami dahil lalaki pala ang gsuto nito. Nakakahiya.
"Ma?! Di ba nga, may bago na sya, pinagpalit na nya ako sa iba" Tumayo na ako.
"Kasi nga anak, baka naman ikaw ang may kasalanan"
"Ma, baka naman nakakalimutan mo, ako yung anak mo hindi si Rodel"
"Anak, baka naman kasi nakakalimutan mo din, dalawang buwan na lang treinta kana? Aba, anong balak mo? nagiisang anak ka namin, baka makuha naming matigok ng papa mo ay wala padin kaming apo." Heto nanaman po kami, replay na lang. Lagi na lang sa pag-aasawa nauuwi ang usapan namin.
"Apo lang ba gusto mo Ma? Naku kahit mamaya pwede na ako gumawa, to follow na lang yung manugang mo" Tumatawang hinampas ako ni mama sa braso.
"Umayos ka Sunshine!!" Umiwas ako sa paghampas nya. Nakakatuwa talagang bwisitin minsan si mama. Kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam na.
Paglabas ko ng gate kaagad kong nakita si Papa na pauwi na, at kasama nito si Dark. Maglalakad na sana ako paalis ng marinig kong tinawag ako ni Papa kaya napahinto ako sa paglalakad.
"Sunny! Oh sakto, itong si Dark eh gusto daw magopen ng account, sabi ko sa iyo na lang" kaagad na sabi ni Papa pagkalapit nila sakin. Sa isang banko kasi ako nagtatrabaho. Napatingin ako kay Dark, nakahalukipkip ito at nakatingin din saakin. Isang puting T-shirt ang suot nito at ripped jeans atsaka lang ito naka tsinelas. Inisnob ko sya.
BINABASA MO ANG
Strangers Again
Short StoryPara kay Sunny ang isang EX ay hindi pwedeng maging kaibigan. Dalawa lang ang pagpipilian nya, ang balikan nya ito at ituloy ang love story nila or maging strangers na lang sila habang buhay. Maging Sunny kaya ang love story nya katulad ng pangalan...