Kabanata 3

26 4 0
                                    

"Isang Milktea Matcha with cream cheese at isang large fries cheese flavored po, is that all ma'am?" ulit ng cashier sa order ko. Tumango ako habang kinakalikot ang wallet ko.

"295 pesos po lahat ma'am" Iniabot ko ang 500 piso, saka nya ako sinuklian at binigyan ng claim number.

Sabado ngayon, walang pasok sa trabaho, wala na din akong magawa sa bahay at dahil oras naman na ng meryenda kaya naisipan kong pumunta sa isang milktea shop na malapit sa subdivision kasama ang aso kong si Toby. Umupo ako sa isang pang isahang mesa at kinarga si Toby. Bukas na pala ang reunion ng block namin sa high school, si Kaycee ang nag organize ng reunion, at sa bahay lang din nila ito gagawin. Kinuha ko sa bulsa ang phone ko, nakita ko agad na may notification ako sa messenger,galing iyon sa GC namin ng mga kaibigan kong sina Irene, Rica at Brian, mula elementary kaibigan at kaklase ko ang mga ito.

Sasama ba lahat bukas? Si Brian ang nagchat. Kaagad kong nakita na nagseen si Rica.

Ako pupunta, ewan ko lang kay @Sunny 😏 At minention pa talaga ako ng bruha.

Malamang hindi! Dahil aattend din si Dark hahaha, hoy Sunny wag kang pa seen seen dyan! Sumagot ka! Si Brian uli.

Nagtatype na ako ng isasagot ko ng biglang nag video call sila.

"Hoy nasaan ka? Nagsosolo ka ha??" Si Brian ang nasa screen.

"Hahaha. Pumunta ka dito, andito ako ngayon sa Vivi milktea house" Asar ko kay Brian.

"Ano na? aattend ka ba o hindi? Aba naman Sunny mag move on kana" react naman ni Rica.

"Duhh?? Matagal ko ng nakalimutan ang lahat, ano bang ginagawa nyong dalawa dyan? Puntahan nyo ako dito?"

"Hintayin mo kami dyan bakla, ilibre mo kami ng milktea"

"True. Ilibre mo kami" segunda naman ni Rica.

"Sige na! Puntahan nyo na ako dito. Bilisan nyo"

Sa kabilang barangay lang nakatira ang dalawa, at magkapitbahay pa ang mga ito, samantalang si Irene naman nakapag asawa na sa Manila.

Nakalahati ko na ang inorder kong fries ng dumating ang dalawa.

"Bakla, hello!!" Agad na bumeso sakin si Rica.

"Orderan mo na kami ng milktea dali" excited naman itong si Brian sa milktea. Namiss ko sila, medyo di na din kami nakakapagbonding dahil naging busy na kami sa kani kaniyang trabaho at buhay.

"Umorder kana doon, sabihin mo lang ang pangalan ko" biro ko sa kanya. Agad naman itong pumunta sa counter dahil nakita nitong may gwapong crew doon, napapailing na lang din ako at natatawa. Lumipat kami agad ng pwesto dahil pangisahan lang ako umupo kanina.

"Oh si Irene sa Manila pa yon pero pupunta daw bukas, ikaw anong balak mo?" Sumubo ako ng fries, pati si Rica nilantakan na din nito sa fries.

"Bakit may sinabi ba akong hindi pupunta?"

"Sus kung yung lamay nga ni Berto, sumalangit nawa, inindyan mo dahil lang andun si Dark e"

"Sumakit nga ngipin ko that time" Sumipsip ako sa milktea ko. Ewan ko kung makakalusot kay Rica ang palusot ko.

"Hoy wag mo nga ako utuin! Hindi pa sumakit yang mga ngipin mo"

"Ang tagal mo naman" Nilingon din ni Rica ang pabalik na si Brian. Sinadya kong ibahin ang usapan. Ewan ko sa lahat ng ex ko sya lang ang hirap akong putulin ang connection ko, maybe Dark is not just my ex boyfriend, dahil ex best friend ko din pala sya, isang malaking rason na din siguro na pareho lang kami ng mga kaibigan, kakilala, magkapitbahay at ang parents namin ay magkakaibigan din, in short iisa lang ang mundo namin.

"Nakipagchikahan pa ako doon sa pogi" umupo na sa bakanteng upuan si Brian. Panigurado mangungulit din ito.

"Pupunta daw si Seth"

Nagulat ako sa binanggit nitong pangalan, magrereact na sana ako pero naunahan ako ni Rica.

"Seth? as in Senando Mortel? First love nitong babaeng to?" turo nya sa akin.

"Yes! ang gwapong si Seth na first love ko din! Nakauwi na din pala sya ng Pinas last year pa, pero ang balita ko, uuwi na sya dito sa sa atin for good"

"Kanino mo naman nakuha yang chismis na yan?" sumingit na ako. Seth is my first crush, actually puppy love siguro,from elementary hanggang high school, magiging kami na sana noon kung hindi lang umepal si Dark.

"Aba ako pa? Madami akong source no" tinaasan nya ako ng kilay.

"Huyyy! feeling ko totoo, tingnan mo post nya sa FB" Ipinakita ni Rica ang cellphone nito.

Going home

Iyon ang post nito 2 hrs ago, tapos naka-pin ang isang address,ibig sabihin uuwi nga ito sa San Ignacio.

"Ito naman nakastalk agad, ang bilis mo
lang ahh??"

"Gurl! Baka naman si Seth talaga ang for you?" Excited na react naman ni Rica.

Rica has a longtime boyfriend, Irene is happily married naman and Brian kahit wala itong jowa i know he is enjoying being single, samantalang sya naman walang matinong nagiging boyfriend.

"Kaya?" Natawa ako, humohopia nanaman ako. Exactly six months na ng maghiwalay kami ni Rodel, simula noon parang naging mailap na sa akin ang salitang love, si kupido naman kasi di nya ginagawa ang trabaho nya.

"Malay mo kaya nagbalik? Teka single pa kaya yon?" Nagscroll uli si Rica sa FB nito. Nakisilip kami Brian sa cellphone nito. Naku-curious din ako. After ng high school nag America na Seth kinuha ito ng Mommy nito.

"Hoy single sya ohh" tinuro nito ang status ni Seth sa FB, nakalagay doon na single nga ito.

"Baka naman hindi lang updated yang FB nya?" sa itsura pa lang ni Seth ngayon mukhang imposible itong mawalan ng girlfriend or asawa kaya?

"Speaking, Sunny Ex mo!" Nagulat kami ni Rica ng biglang hampas sakin ni Brian. Pareho naming sinundan ni Rica ang ininguso ni Brian. Nakita ko ang puting kotse sa labas, si Dark ang bumaba ng sasakyan, at kasama si Kaycee.

"Bakit magkasama yang dalawa?" Tulad ko hindi rin feel ni Rica si Kaycee. Naalala ko nung high school silang dalawa ang laging magkaaway.

"Ma at Pa" sagot ko. Di ko alam pero nakaramdam ako ng inis habang nakatingin sa kanila, ever since may gusto na si Kaycee kay Dark, pero di sya napapansin ng lalake noon, Kaycee is not that pretty, maitim ito noon, at mukhang nerd, well ano na lang ang silbi ng gluta ngayon?

Nakita kong papasok na ang dalawa ng kalabitin ako ni Rica.

"Yang mata mo!"

"Huh?-

"Anong huh?? kanina kapa nakatitig sa kanila" Nakangiti ng nakakaloko si Brian sa akin.

Kinuha ko ang milktea at sumipsip doon ng makita kong palapit sa table namin sina Dark.

"Uyyy, Rica, Brian?" Si Kaycee na super smile pa saamin, at bumeso pa kay Rica. Plastic!

"Hi Sunny" Bati naman nya saakin. Tumango lang ako, dahil busy ako sa pagsipsip sa milktea ko. Narinig ko naman na tumahol si Toby. Good boy.

"Toby shhhhhhh" hinaplos ko ang ulo nito para tumigil sa pagtahol.

"Kayo??" Napatingin ako sa nagsalitang si Brian. Tumingin ako Dark. Nakatingin din pala ito saakin. Nakapamulsa ito.

"Huh?? Of course not! Ano kaba, nagpasama lang ako puntahan yung magcacater sa reunion bukas" Pabebeng sumagot naman ng babaeng plastic. Arte.

"Aattend kaba Sunny?" Dark wanted to confirm something, alam nya yon, nakipaglaban ako ng titigan sa kanya.

"Oo naman, pupunta ako" Tumingin ako kay Kaycee, umasim ang mukha nito. Samantalang si Dark naman ay ngumiti ito. Ngiting nakikita lang nya noong magkaibigan pa sila.

Strangers AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon