Kabanata 4

20 2 0
                                    

"Ano ba naman yan! Walang maganda!" Kanina pa ako scroll ng scroll sa laptop ko, naghahanap sana ako ng mapapanood na kdrama sa Netflix, pero wala akong magustuhan. Nagsimula naman akong magscroll  ngayon sa Youtube at nag search ng videos ng EXO, nakita kong may bago pala silang album, tinignan ko iyon at pinlay ko yung "Just As Usual."

Ibinagsak ko ang sarili sa kama, at ipinikit ang mga mata ko habang pinapakinggan ang kanta. Why do I feel lonely today? Why do I feel empty? Nakakaboring na ang buhay, paulit ulit lang ang routine ko, bahay, trabaho, trabaho, bahay.

"Oo naman, pupunta ako" Naalala kong sagot ko sa tanong ni Dark kanina sa Milktea House. Nakita kong umasim ang mukha ni Kaycee. Ayaw sa akin ng babae noon pa man,dahil alam nitong malapit kami ni Dark.

"Oo nga naman Sunny, madami din nagconfirm sa mga ka batch natin na pupunta" Sabat naman ni Ms Gluta. Ang plastic.

"Balita ko aattend daw si Seth?" Si Brian ang nagtanong.

"Yes. I invited him, sakto pauwi na sya dito sa San Ignacio. Do you remember him right?" Binalingan ni Kaycee si Dark at pa cute na nag smile.

"Yes, of course, I remember him, sino ba naman ang di makakatanda kay Seth? Eh itong si Sunny patay na patay doon, diba?" Napatingala ako dito, saglit na nawala ang pamilyar na ngiti nito st napalitan ito ng nakakalokong ngisi. Napabilis ang pagsipsip ko sa iniinom kong milktea dahilan para gumawa ito ng ingay, wala na pala itong laman, bwisit.

Napabalikwas ako ng higa ng maalala ko ang eksenang yon.

"Bwisit yang Dark na yan!!"

Tumayo ako, at tiningnan ang oras mag aalas nueve pa lang ng gabi. Pwede ko pa siguro i-walk si Toby sa labas. Humugot ako ng isang cardigan long sleeve sa closet at ipinatong iyon sa suot ko pantulog silk spaghetti strap at may terno na short.

"Toby, tara samahan mo akong magpahangin sa labas" Kinarga ko ang walang kamalay malay na aso. Pababa pa lang ako ng hagdan dinig na dinig ko na ang malakas na tawanan sa may balkonahe namin sa harapan.

"Oh! saan ka pupunta?" Nakasalubong ko si Mama may dala itong dalawang SanMig.

"Papapoop ko si Toby sa labas, kanino yan?" Turo ko sa dala nito.

"Naglalaro ng dama ang Papa mo kasama si Uncle Deo mo" Sumunod ako sa kanya palabas. Naglalaro nga ang dalawa habang nagkukwentuhan.

"Aba mabuti naman at magtatagal pala dito ang anak mo" Narinig kong sabi ni Papa.

"Good evening po." bati ko kay Uncle Deo ng makalapit ako sa kanila.

"Oh kailan ka magaasawa anak?" Tanong nito sa akin.

"Kuuu, wala ata itong balak, ayun at break na sila nung boyfriend nya" Si Mama ang sumagot para saakin.

Nagpaalam na ako bago pa kung saan mapunta ang usapin.

"Hoy! Bumalik ka agad pagkatapos tumae nyang aso mo, gabi na" Habol ni Mama saakin.

"Opo-

Pagkalabas ko ng gate, nagulat ako sa isang lalakeng naninigarilyo sa tapat. Nakatingin ito sa akin. Ngumiti ito. Nakita kong tinapon nito ang paubos nitong sigarilyo at nagsimulang maglakad papunta saakin.

"Ano nanaman ginagawa ng lalakeng to dito?" bulong ko. Nagsimula na akong maglakad kasama si Toby habang hawak hawak ko ang tali nito para di makalayo sa akin.

"Hey! Where are you going?" Sumunod ito sa akin.
Di ako sumagot. I'm not talking to the strangers. Duhhhh??? Sumabay ito sa akin ng maabutan nya kami. Nakasuot ito ng itim na jogger pants at white tshirt. Nakapamulsa ito habang sumasabay saakin sa paglalakad. Ano ba kailangan nito? Bakit sumunod ito sa akin?Medyo binilisan ko ang paglalakad habang hila hila ko si Toby. Nakakainis naman itong si Toby ang daming stop over.

Strangers AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon