"Sakay na!!"
Napatingin ako lalaking sumigaw, humito ang sasakyan nito sa harapan ko, may sinasabi pa ito pero hindi ko na maintintidan dahil sa lakas ng ulan, nakasilong ako ngayon sa isang saradong tindahan, kung kailan naman umuulan doon ko pa nakalimutan magdala ng payong, kaya naman halos basang basa na ako ngayon, dahilan pa sa lakas ng hangin na dala ng ulan.
"Bilisan mo!"
Narinig kong sabi ng lalaki, napatitig ako sa kanya, bakit andito ito? sasakay ba ako? Napatingala ako sa madilim na kalangitan,sheyt! Wala atang balak tumila ang ulan, ilang oras na din akong nakasilong, balak ko sanang magbooked sa grab pero sa kamalasmalasan na battery empty ang cellphone ko, kaya wala akong choice kundi magabang ng taxi or jeep man lang sana, pero halos dalawang oras na ata akong naghihintay wala akong mahintay na masasakyan, basang basa na rin ang suot kong uniform, naka-skirt pa naman ako at heels, dahil galing pa ako sa trabaho,tumingin ako relo ko, mag-a alas diyes na pala, omg!
Muli napatingin ako sa nakaparadang puting kotse sa harapan ko,alam kong nakatingin sa akin ang lalaki, kahit na parang nagiging blurred na ang paningin ko dahil sa lakas ng buhos ng ulan.
"Ay kabayo!" napasigaw ako sa gulat ng biglang dire-diretchong pagbusina ng mga sasakyan, nag-cause na kasi ng traffic ang sasakyan nito, hay mukhang wala na akong choice, huminga muna ako ng malalim bago patakbong lumapit sa nakaparadang sasakyan sa harapan ko at sumakay.
Inabutan ako ng lalaki ng tissue box, pagkasakay ko.
"Magpunas ka.Basang-basa ka." sya.
Humugot ako ng ilang pirasong tissue at pinunasan ang sarili ko, napatingin ako sa side mirror, nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang sarili, ang pangit ko!! basang sisiw ako, mukha akong hampas lupa! Dali dali kong inalis ang nakadikit kong buhok sa mukha, tapos may dahon pang nakadikit sa leeg ko, napapikit ako sa inis.
"May bagyo ata?"
Tinatanong nya ako? Ano ako taga weather forecast? Nagkibit balikat ako bilang sagot, at tinuloy ang pagpunas ko.
"Thank you" ako.
Baka sabihin nya bastos ako, di man lang ako nag thank you agad. Nakita ko sya tumango.
"Kumusta kana Sunny? Ginabi ka ata?"
"Huh?"Napalingon ako sa kanya.
Nakatutok lang ito sa daan, habang nagmamaneho. Ganun pa din ang itsura nito, matangos ang ilong, maputi pa din,red padin ang lips, mas gwapo pa din kapag seryoso ang mukha. Isang taon na din nung huli ko syang makita.
"Wag mo akong titigan, baka ma inlove ka uli sakin"
Napanganga ako sa biglang sinabi nya, hindi ito nakatingin sakin, tutok parin ang mata nito sa daan, pero nakangiti na ito ngayon.
Napaismid ako at ibinalik ang ko ang tingin sa harapan, mayabang padin, kaya siguro malakas ang ulan dahil sa kayabangan nito.
"Talaga ba?" sagot ko.
Narinig ko itong tumawa.
"Relax! Joke lang yun! Ang seryoso mo kasi," sabi nito ang tumatawa.
"Okay lang ako. Kaya ginabi ako may dinaanan pa kasi ako."
"Huh?" Lumingon sya sakin.
"Sagot ko sa tanong mo kanina"
"Ahhh.. okay"
Di na ito nagsalita pa, ang awkward lang, nakahinto kami ngayon dahil sa traffic, tanging ang malakas na ulan lang ang naririning ko at ang tumutugtog na kanta sa kotse nito, Quit Playing Games (With my heart) ng BSB ang kanta. Bakit ba kasi sumakay sakay pa ako dito? Bakit ba kasi nandoon ito kanina? At bakit ba kasi ang gwapo nito sa suot nitong pink na polo shirt? Sinaway ko ang sarili sa naisip ko, nababaliw na ba ako?
BINABASA MO ANG
Strangers Again
Short StoryPara kay Sunny ang isang EX ay hindi pwedeng maging kaibigan. Dalawa lang ang pagpipilian nya, ang balikan nya ito at ituloy ang love story nila or maging strangers na lang sila habang buhay. Maging Sunny kaya ang love story nya katulad ng pangalan...