Ang malakas na patak ng ulan ang maririnig sa buong park. Walang kumikibo sa aming dalawa ni Dark. Yakap yakap ko pa din si Toby. Kinapa ko ang suot kong short, napabuntong hininga ako ng maalala kong wala pala akong dalang cellphone. Tiningnan ko sa peripheral vision ko si Dark, nakatitig lang ito sa ulan. Ano? wala man lang ba itong gagawin para makauwi sila? Tutunganga na lang ba ito doon? Tumikhim ako, pero mukhang hindi yata nito narinig dahil sa malakas na tunog ng ulan. Hindi na ako nakatiis.
"Uy" kinalabit ko ito.
"Bakit?" wala itong ganang sumagot.
"Tawagan mo si Mama" Bahagya lang akong nilingon nito at muli nitong pinanood ang malakas na ulan, sumasayaw na ang mga puno sa lakas ng hangin.
"Lowbat ang phone ko"
"Ano?? My God!"
"O bakit ikaw? Nasaan ang phone mo?" Hinarap nya ako.
"Hindi ko dala"
"Tssss! Wala din pala"
"Ano na gagawin natin? Paano na tayo uuwi?" Gusto ko ng umuwi, nilalamok na din ako dito.
"Ano pa edi patilain ang ulan, unless gusto mong maligo sa ulan" Bakit ba ang sungit nito? Hindi nalang ako kumibo at hinaplos haplos ko nalang ang aso kong si Toby.
Ilang minuto na kami walang kibo, yung ulan walang tigil sa pagbagsak lalo pa yatang lumakas, napaupo na ako sa sahig, sobrang nangalay na ang binti ko na nakatayo. Si Toby naman lalong simiksik sa akin takot na takot ito.
Naramdaman kong umupo din ito sa tabi ko. Kung katulad lang sana kami ng dati baka ipinagpasalamat ko pa na na-stranded kami, baka komportable ako ngayon, baka di ko na gugustuhin pa na umuwi, baka-"Okay lang ba na maiwan ka muna dito?" naputol ang pagmumuni muni ko.
"Huh? Iiwan mo akong magisa dito?"
"Kung kaya mo lang naman, para mapasundo na din kita kina Tito, mukhang walang balak tumigil ang ulan" Napatingin ako sa malakas na ulan, ano ba yan may bagyo ba? Nagisip ako, kaya ko ba na magisa dito? Iniikot ko ang mata ko sa paligid, may mga lamp post pa naman na nakasindi kaya medyo maliwanag pa ang paligid. Atsaka baka akalain pa nito na pabebe sya.
"Sure" sagot ko.
"Okay" Tumayo ito at pinagpag ang suot nitong pambaba. Biglang dumagundong ang malakas na kulog, kasabay niyon nagdilim ang paligid. Nagblack out ata?? Napatayo ako sa kinauupuan ko at humawak ako sa braso ni Dark.
"Wag mo akong iwan" Kumapit ako sa braso nya. Habang karga ko naman si Toby sa kaliwang kamay ko. Wala akong narinig na sagot mula dito. Tumingala ako sa kanya pero di ko makita ang mukha nya dahil sa dilim. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa braso nya at bahagyang hinila yon.
"Dark" tawag ko sa kanya. Bahagya akong nagulat ng kumidat, nakita kong nakatitig pala ito saakin.
Nagiwas ako ng tingin at inalis ko ang pakakakapit ko sa braso nya."Ang ibig kong sabihin, sa- sa- sabay na tayo, i mean, takbuhin na lang natin" Napapikit ako, bakit ba ako biglang nautal? Nakakainis. Narining ko ang malakas nitong pagbuntong hininga.
"Okay."
Yun lang? Okay? Well ano pa ba ang ine expect ko? Dark is not the same anymore. Actually parang di ko na sya kilala. Parang ibang tao na ang kasama ko. Dark is so protective to her, ito din ang unang nagaalala sa kanya kapag may sakit sya, kapag natatakot sya ito ang unang nagpapagaan ng loob nya. Ipinilig ko ang ulo ko. What are you thinking?Noon yon. Lihim kong pinagalitan ko ang sarili ko.
"Are you okay?"
"Huh?" Napatingin ako sa kanya. May sinasabi ba ito?
"Sabi ko okay ka lang? Kanina kapa kasi nakatulala dyan"
"Ako?"
"Malamang, dadalawa lang naman tayo dito e" Lumingon lingon pa ito sa left and right nya. "Unless may nakikita ka pang iba bukod sa akin?" May iritasyon akong nahimigan sa boses nito. "Ang sabi ko tara na habang di pa uli ganoon kalakas ang ulan."
Gaano na ba katagal akong nakatunganga at di ko napansin na kinakausap na pala ako ni Dark? Nakakunot ang noo nito habang nakatitig saakin, halata sa mukha nito na iritasyon. At bakit naman ito maiirita aber? Hinarap ko sya at pinameywangan.
"Hindi ako bingi no? Narinig ko, sinisigurado ko lang na ako talaga kinakausap mo, malay ko ba kung sarili mo pala kausap mo duhhh?" eye rolls.
"Fine" Itinaas nito ang kamay sa ere.
"Then let's go, take this" Napatingin ako sa kamay niya na may hawak na panyo. Napatitig ako doon. Narinig ko itong napabuntong hininga ng hindi ko padin iyon kinukuha. Iniladlad nito ang panyo at ipinatong iyon sa ulo ko."Don't get me wrong, ayoko lang na idahilan mo na nilalagnat ka bukas para hindi pumunta sa reunion" nakita ko itong ngumiti but it's look like a smirked? Inismirkan ako ng mokong??
"Talagang naniniwala ka na umiiwas ako sayo??" bwelta ko.
"Yes"
============
Inabot ko cellphone na nasa side table na katabi ng kama ko, tiningnan ko iyon, maga- alas once na pala ng umaga. Napasapo ako sa ulo ko, shit ang bigat at ang sakit ng ulo ko para iyong binibiyak. Pinilit kong bumangon pero di ko talaga kaya, ang init ng pakiramdam ko, para akong lalagnatin.
"Sunny! Anak bumangon kana dyan! Aba'y maglalunch nakahiga kapa dyan" Bungad ni Mama pagpasok sa kwarto ko.
"Ma, hawakan mo nga ako, ang sama ng pakiramdam ko ngayon e" Agad naman nito hinipo ang noo at leeg ko.
"Aba'y may sinat ka! Sinasabi ko na nga ba at bakit naman kasi sinugod mo ang ulan kagabi? Maghintay ka dyan at ikukuha kita ng gamot, sakto at nagluto ako ng sinigang para sa tanghalian natin ng makahigop ka ng mainit na sabaw" iniwan ako ni Mama na nakatunganga. Naririnig ko ang sermon nito habang pababa ito.
Tama sinugod nga namin ni Dark ang ulan kagabi.
"Yes" Naalala kong sagot ni Dark kagabi.
Nawala ang ngisi nito at naging seryoso ang mukha nito habang titig na titig saakin.
"And I don't know why? Dahil sa pagkakatanda ko ikaw itong gustong ibalik na lang natin sa pagkakaibigan ang lahat kaya ka nga nakipag break saakin noon remember?"
Napalunok ako sa sarili kong laway.Para bang bigla akong nauhaw. Bakit ba pilit pa nitong inuungkat ang nakaraan?
"Tell me" untag nito saakin.
"Pwede ba Dark, umalis ka ng bansa kaya di na tayo nakapagusap, walang chance, ganun lang yon, kaya wag kang mag feeling dyan na iniiwasan kita."
Ibinaling ko ang atensyon ko kay Toby na nakahiga ngayon sa sahig ng pavilion."Really?? Oh! Okay!" narinig ko pang bahagya itong natawa. " So, everything was a coincidence lang?"Tumikhim ito bago uli nagsalita "So willing ka pa din na ibalik natin sa dati ang lahat?"
"What?" Nanlalaki ang mata kong bumaling sa kanya? Anong pinagsasabi nitong wiliing akong ibalik ang lahat? Nakikipagbalikan ba ito saakin?
"Yung friendship natin." sagot nito.
"Ahhh.. Yung friendship??" ulit ko. Bakit ko naman kasi naisip na pakikipagbalikan ang tinutukoy nito. Ngali ngali kong batukan ang sarili ko.
"You know what? This is nonsense Dark. Ang tagal tagal na non. Kaya pwede ba tara na at umuwi na tayo" Sana hindi nito mahalata na kinakabahan ako sa mga pwede pa nitong sabihin. Hanggat maaari ayoko ng balikan pa ang lahat. Naka move on na ako.
"Ayan ka nanaman Sunny, umiiwas ka nanaman"
"Dark!" Medyo napataas na ang boses ko.
"For the nth time, I'm not avoiding you!""Then patunayan mo. Let's be friends again"
Napasabunot ako sa sarili ko ng maalala ko ang naging usapan namin kagabi. Parang lalo atang sumama ang pakiramdam ko.
"Okay fine! Sige na pumapayag na ako. Okay na? Happy?" that's my impulsive response.
Parang gusto kong pagsisihan ang naging decision ko kagabi. How can I be friends to my Ex?? Ex-best friend and Ex-boyfriend.
![](https://img.wattpad.com/cover/112530153-288-k584854.jpg)
BINABASA MO ANG
Strangers Again
Short StoryPara kay Sunny ang isang EX ay hindi pwedeng maging kaibigan. Dalawa lang ang pagpipilian nya, ang balikan nya ito at ituloy ang love story nila or maging strangers na lang sila habang buhay. Maging Sunny kaya ang love story nya katulad ng pangalan...