12

2K 71 6
                                    

CHAPTER TWELVE

Napadilat ako ng mata at luminga ako sa paligid. Where am I?

Akma akong babangon nang may mabigat na bagay na nakadagan sa paa at sa baywang ko. Nang lumingon ako ay nakahinga ako ng maluwag dahil si Ford pala.

Gustuhin ko mang manatili sa yakap niya pero kasi nagugutom ako kaya gusto kong magluto. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa baywang ko at saka ang paa niya sa paa ko bago lumabas sa silid.

Buti nalang at hindi siya nagising, mahimbing ang tulog niya. Dumiretso ako sa room ko at saka pumunta sa ref. I opened it and I just realized that I didn't have the grocery yesterday.

Napatakip ako sa mukha ko bago bumalik sa room ni Ford. Baka may pagkain siya doon. Napangiti naman agad ako nang makitang mayroong mga veges, eggs, may mga drinks pa, may foods pa sa freezer.

I want to eat all of them pero sa huli ay pinili ko ang red eggs, hotdog. I cooked the hotdog. Pagkatapos ay nagluto ako ng fried rice.

Mama and papa taught us how to cook when we were already at the age of 13. Pero siyempre si bunso ang hindi alam magluto. Alagang-alaga namin iyon eh.

I am peeling the eggshells when I felt something hot thing pressed on my cheeks. And when I looked up, I was shocked cause Ford is already awake and he just kissed me on my cheeks. I am sure by now that
I'm blushing.

"A-ahh..."

"You didn't wake me up huh? Don't you want me to help you? Ako nalang sana ang nagluto." He was smiling, looking at me with an awe from his eyes.

I was speechless. "F-Ford..."

Lumapit siya sa akin saka kinuha mula sa aking kamay ang hawak kong itlog at saka ipinatong iyon sa table.

Hinawakan niya ang kamay ko. Hinihintay ko kung anong gagawin niya. Nakatingin siya sa akin na parang may gustong sabihin--- sa huli ay napabuga sa hangin saka nagsalita.

"I'm sorry..."

"For what?" I asked.

"For being jerk, I did not fought for us, iyong reaksiyon ko iyong nauna at hindi ang pag-iisip at puso ko ang ginamit ko. Sorry kasi sinigawan kita noon, sorry kasi hindi ako naniwala sa iyo at sorry kasi iniwan kita sa Pilipinas... Gio called lately on your phone and he told me everything. He said you loved me so you chose me? Tama ba ako?" He asked while looking at my eyes.

"Oh- Ford!" Niyakap ko siya at doon umiyak sa bisig niya, he hugged me back. "I'm sorry din kasi hindi ko sinunod iyong puso ko. Sorry kasi sinaktan kita. Noong nabalitaan kong pumunta ka rito, nasaktan ako, ikaw iyong hinahanap ko. Nong narealize ko kung anong nangyari sa atin noon sa beach, and naisip ko kung sasama uli ako sa iyo, baka masaktan na naman ako, at saka i promised Gio that he is the one I love pero lahat iyon ay nabale nang umalis ka at pumunta ka rito. Noon ginamit ko ang isipan ko at ngayon ay ginamit ko ang puso ko." I looked up to him. "I'm sorry..."

"Shush! It's okay." Hindi ko alam kung tama ang nakita ko sa kabila nang nanlalabo ang mga mata ko dahil sa kaiiyak ko. He's teary. He kissed my forehead. "Let's just move on and now mahal kita."

Ngumiti ako saka pinunasan ang luha ko and I was right he's teary-eyed. "Mahal rin kita. Bakit ka lumuha?"

Ngumiti siya saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko. I also wiped his tears. "Tears of joy, it's so gay but I can't help it." Sabay kaming tumawa. "Masaya ako kasi sa wakas ay inamin ko sa iyong mahal kita, naging torpe ako."

Kumunot ang noo ko. "What are you saying?"

Tumawa siya ng mahina. "Ganito kasi iyon, nagising ako isang araw na iba iyong tibok ng puso ko para sa iyo, kung may nanliligaw sa iyo noon o kung may lalaking umaaligid sa iyo, nagseselos ako, pinapaalis ko sila, binabantaan. Highschool, 16 years old ako noon. Napansin ko na hindi na bestfriend ang turing ko sa iyo kundi para na kitang girlfriend. Sinubukan kong ibaling sa iba ang nararamdaman ko pero ikaw parin, then when I saw Analia, he caught my attention. Naisip ko na baka siya iyong babae na papalit sa iyo sa puso ko kasi nga ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin, sabi mo kasi si Sir. Maximor ang crush mo eh." Iyong guro namin. "Naisip ko na liligawan kita pero natakot ako. Natakot ako na baka iiwasan mo ako, kaya ang ginawa ko nagpatulong ako sa iyong ligawan siya and then you did pero hindi ko napapansin na unti-unti palang lumalayo ang loob mo sa akin."

I pouted my lips. "Eh. Kasi naman siya iyong niligawan mo at hindi ako eh. Nakakainis ka." Kinurot ko ang pisngi niya.

"Sorry naman." He also pouted.

"Sige na nga, ituloy mo ang kwento mo." Nakangiting wika ko.

"Hmn. Noong naglalaro kami ng basketball, nanalo kami dahil nandoon ka. Sinusubukan kong si Analia ang tingnan ko sa mga oras na iyon pero ikaw ang hinahanap ng puso at mga mata ko. Nakakatawa nga kasi si Analia iyong nililigawan ko that time pero ikaw iyong dahilan kaya kami nanalo." He cupped my face while smiling. "Masaya ako noon pero nang makita kitang sumakay sa taxi, may bagahe ka, tapos sonabihan mo akong maging masaya, pero paano ako sasaya noon? Wala ka na." Napabuntong-hininga siya. "Hinabol ko ang taxi na sinakyan mo. Iniwan ko si Analia sa gym, pero hindi ko nahabol. Pinuntahan ko ang bahay niyo pero ayaw akong makausap nila tito at tita, araw-araw kinukulit ko sila kung alam ba kung nasaan ka, sabi nila pabayaan raw kita dahil kung mahal raw kita hihintayin kita and that's what I did. I broke up with Analia after the day she became my girlfriend. Umiyak siya ng umiyak, hindi siya naniniwala sa akin, she asked what's wrong and I told her that you're the one whose bothering me, the one I love, akala ko manggugulo siya pero inilahad niya ang kamay niya sa akin at sinabing friends nalang daw kami. Umuwi ako sa bahay na luhaan, papahanap sana kita pero naisip ko ang sinabi ng mga magulang mo na hihintayin kita. But one day I learned out that you already had a boyfriend and that's Gio Dy, I also investigated him and his from wealthy family, and I learned that he's a good guy. Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan ka sa London sa tulong ni Brylle Vica pero huli na ang lahat nang makita ko kung gaano ka kasaya, iyong ngiti mo nang nasa harapan mo siya. That's when I need to let you happy. Kahit masakit."

"F-Ford n-naman eh!" He wiped my tears and he kissed my cheeks.

"But now I have you, you're mine, perfectly Mine now. I love you hmn? Tama na itong drama natin."

We both chuckled. But I stopped chuckling when I felt my world stops. I am looking at him and he's smiling, it became a very slow motion. I can feel the butterflies in my stomach, my heartbeat.

"Beil..."

Hinawakan ko siya sa kwelyo niya saka dumukwang. Inilapit ko ang labi ko sa labi niya at hinalikan siya. Our kiss lasted for a minute and after that he hugged me.

"Anong gusto mong kainin mahal ko." Alam kong nakangiti siya. Aalis sana ako sa yakap niya nang mas lalo niya akong niyakap ng mahigpit.

"Ano ba, mahal?" Tanong ko kasi ang higpit ng yakap niya.

"Gusto mo ng prutas mahal ko?"

When I heard the word 'prutas', I crave for colors pink-maroon-red fruits. "I want raspberries, dragon fruit, peach, and fruits have colors pink, maroon, and red, please?"

"Yes ma'am." Kumalas siya sa yakap ko saka agad na tumalikod, hindi niya pinakita ang mukha niya.

Natatawang sinundan ko siya ng tingin. "Mahal! Sige ka kapag hindi ka lumingon iiwan kita, sige ka--- hala! Totoo ba! Ang isang Ford Fortez nagblublush! Natatawa ako sa iyo!"

He pouted. "Eh--- nakikilig ako mahal."

"AHAHAHAHAHAHAHA!" Napahawak ak9 sa tiyan ko dahil sa kakatawa ay parang hindi ako makahinga.

"Mahal naman..."

"Ah--- sorry mahal! Sorry! I love you! Sige na bumili ka na ng prutas. Dali ah!" As in cue ay lumabas siya. Nagfacemask pa siya para daw maitago ang pisngi niya na nagkablush.

Tawa ako ng tawa, I found it cute. Really cute. Kung akala ng iba ay nakakaturn-off ang pagblublush, sa akin hindi, nakakaturn-on iyon para sa akin.

Beil Vida Hutton (Completed)Where stories live. Discover now