"Daddy!!" Lumingon ang kaniyang ama at ngumiti sa batang babae na nasa labing apat na taong gulang na nag lalakad papunta sakaniya. Ng makalapit na ito ay binigyan niya ito ng yakap at humarap sa kaniyang ina na ngaun ay nakahiga sa hospital bed habang hawak hawak ang kaniyang kapatid.
" Ate ka na anak." Masayang sabi ng kaniyang ina. Lumapit ito dito at inilapit ang hintuturo sa kamay ng kaniyang kapatid. Napangiti ito ng hawakan naman ito ng bata.
" Gusto ka ng kapatid mo anak. " Sabi ng kaniyang ama. Ngumiti naman ito sa kaniyang ama . Mula ngaun di ko hahayaan na may manakit sayu. Isip nito habang tinititigan ang kaniyang kapatid.
" Anu po pangalan niya mommy ?"
" Sophie anak.. Nakuha namin ang pangalan na yun sa paborito mong palabas." Sabi ng ina nito.
" Sofia the first bagay sakaniya mommy kasi gagawin natin siyang prinsesa." Tumawa ang ama nito at pinat ang ulo ng kaniyang anak.
" Hindi pwedeng siya lang ang prinsesa dalawa kayu dapat anak." Tumawa ang kanilang ina habang ang panganay naman na anak ay masayang niyakap ang kaniyang ama. Ang saya sana ganito palagi ang aking pamilya. Isip ng kaniyang ina habang nakatitig sa mag ama.....
(" Pag ka liko mo sa kanan may makikita kang itim na pinto sa dulo. May CCTV doon pero wag ka mag alala dahil ako na bahala doon.") Nag patuloy lang ito sa pag lalakad habang tinutulak ang lagayan ng mga damit upang palitan ang sapin sa kwarto ng mag asawang Villanueva. Nakasuot ito ng pang katulong upang hindi siya mahalata na espiya at matagumpay niyang makuha ang mga ebidensiya laban sakaniya. Ng makatapat na siya sa kwarto ay dahan dahan niya ito binuksan at sinilip upang malaman kung may tao ba o wala.
" The room is clear how much time do I still have?"
(" You have 10 minutes left bago bumalik ang mag asawa jaan kaya bilisan mo na and be careful.") Pumasok na ito sa kwarto at inisa isa ang mga drawer upang mag hanap. Ng wala doon ay nag tungo naman ito sa kabinet at kinapa kapa ang taas. Tumigil ito ng may mahawakan siya at dali dali niya ito kinuha.( Brown envelope.) Binuksan niya ito at tinignan ang mga picture na nakuha niya..
" Haha ( Fake laugh) Ito lang ba ang na kuha nila ?" Tanung nito sa kausap niya.
(" Oo at sure akong di pa niya na bubuksan yan. Anu nakuha mo na ba ? ") Ibinalik niya ang mga laman sa envelope at ibinalik sa taas kung saan niya ito nakuha. Pag tapos ay inayos na niya ang sarili at lumabas ng kwarto.
(" Kinuha mo ba ? Bakit wala kang dala ?")
" D?"
(" Bakit ?") Tumigil ito sa pag lalakad ng makalabas na ito at tumingala upang tignan ang mansyong pinasukan niya kanina. Nakatayu na ito sa gilid ng poste kung saan hindi na siya makikitaan ng mga CCTV or mga taga bantay. Napailing ito at napatawa ng mahina.
" Hindi ako makapaniwalang may mga bobo pa palang detective sa mundo. Tsk tsk." Sabi nito habang inaalala ang litratong nakita niya na ipinasa sa mga Villanueva. Isang bulto ng babae ngunit masasabi niyang hindi siya ito. Napabuntong hininga ito at pinatay na ang tawag at matiwasay na nag lakad palayo.
"Ethyl!!!" Sabik na naglakad si Aira papalapit kay sakaniya na ngaun ay nakaupo sa dulo ng upuan ng kanilang classroom habang nakapikit ang mga mata. Palihim namang tumaray ang mga mata nito habang nakapikit at hindi binigyan pansin si Aira.
" Bakit ka andito mag isa hindi ka ba kakain ?" Tanong nito. Dumilat ito saglit at sinilip si Aira na nakatitig sakaniya habang may nginunguyang tinapay sa bibig itinaas naman nito ang kaniyang tingin papunta sa pisngi nito kung saan may palaman ito ng tinapay. Napailing ito at dumuko sa lamesa upang matulog ngunit bago pa niya maipikit ang mga mata ay may humawak na sa kamay nito at hinila siya patayo.
BINABASA MO ANG
Her Sweet Vengeance.
Misteri / ThrillerEthyl Grace Campus has a sweet and innocent face that everyone thinks she's a fragile being. But little did they know that she can do what murders do...... Kill. Yes she is a killer. She kills with no mercy. She kills with Vengeance.