[Beatrice's POV]
Ang daming tao ngayon dito sa bistro, pero sa isang direksyon lang naman ako nakatingin. Acoustic singer na kasi ang drama ko sa storya na to. Ginagamit ko lang naman ang talents ko. Sabi ko nga sa inyo dati marunong akong mag-gitara at kumanta eh. :D
Even though your my bestfriend,
I can't help it whenever I compare you to him,
It's like I always do this,
With every single man,
And I hate that I can't find someone whos worth my time,
Just like my bestfriend,
It's me again, the ever beautiful, fantastic and fabulous. The one and only, Beatrice "Trix" Madrigal. Oh, nagustuhan niyo ba ang grand entrance ko? *laughs* kidding aside. Mangungulit at mang-gugulo lang naman ulit ako sa mga buhay niyo. *evil laugh*
I'm trying to let you know,
A part of me just can't let this go,
Never had a friend, one who understands,
With you it felt so free,
I don't know whatchu did,
But I that know whatever it is,
I'm so thankful for you,
I'm so grateful for you,
Even though the things I told you...
[Bestfriend by Auburn]
*palakpakan* Sa wakas, tpos nadin ang last set ko.
"This is your very own Acoustic Cinderella. Thank you for listening. Goodnight, Guys!"
Pagka-baba na pagka-baba ko sa hagdan, may sumalubong sakin.
"Ang galing talaga ng Best ko oh." sabay abot sa isang basong tubig na hindi malamig. Alam niyo na, baka malatin ako. Hahah.
"Matagal na noh! Hahah. Salamat." kinuha ko ang baso ng tubig na inaabot niya.
He's my only boy bestfriend. Siya nga pala si Mark Jairus Lagman. Na-meet niyo na siya before, sa unang story ko. He's tall, smart, talented ang handsome. As in, wala ka ng hahanapin pa. Full package ika nga. Aba! Mr.Perfect kaya yang Best ko. Hahah. Kaya nga madaming nagkakagusto dyan eh. *straight face* at isa na ko dun. *laughs*
We're now both 17 years old. We're also in the same university and department. Education ang kinukuha namin. Pero kahit same department kami, hindi kami classmates. Section 1 siya at section 2 ako. Matalino nga siya kasi, diba? It depends kasi kung mataas ang nakuha mong grade nung entrance exam. Sa kasamaang palad, pang 26 ako sa list ng kumuha ng Education na course at 25 students per section lang. Which means hindi ako nakasama sa first 25 students. Which means, also, na nag-kahiwalay kami ni Jairus slash Best. Akalain niyo ba kasing pang-4 siya sa list. Kamusta naman yun? Sayang nga kasi dati palagi kaming mag-classmates sa St. Martin's Academy. 3 years na din kaming mag-bestfriend. Kilalang kilala na namin ang isa't-isa. At mas naging close pa nga kami ngayon eh, mas gusto naming mag-bonding palagi at magkwentuhan. Andami naming napag-uusapan, walang humpay.
"Tignan mo yung lalakeng nasa kabilang table. Kanina pa tingin ng tingin sayo. Siguro nabighani sa kagandahan mo. Hahaha." pang-asar niyang sinabi sakin.
Kapag kasi hindi siya busy nagpupunta siya dito sa bistro at ihahatid ako sa bahay.
Since, halfday lang minsan ang pasok namin naisipan kong magtrabaho kesa naman tumanga lang ako sa bahay, diba? Atleast, makakapag-ipon pa ko.
BINABASA MO ANG
Mistaken Affection [ON HOLD]
Short StoryIt's hard to determine whether you really have feelings for someone or you are just carried away by the good things they do.