Chapter 3: Kylene, the Ramp Model

11 1 0
                                    

[Beatrice's POV]

Ang ganda ng tulog at gising ko. Solve ang pahinga kasi 10:30am pa ang pasok. Binuksan ko muna ang laptop ko at nag-surf. Syempre nag-update ako sa Facebook, Twitter, Youtube at Wattpad ko. Bongga, andami kong account. *laughs* nag-upload din ako ng mga bagong pictures. Mapa-solo ko o may kasama, meron din namang pictures namin ni Jairus. May sarili kaya kaming album sa account ko (JaiTrix). *kilig*

Matapos kong mag-upload ng pictures, tinignan ko din ang profile ni Jairus. Lagi ko namang ginagawa to, hindi na bago. *laughs* tinitigan ko lang naman ang profile picture niya. Poging-pogi. *kilig* hahah. Para na kong baliw, ngumingiti mag-isa. Sa hindi ko sinasadyang gawin, may nabasa akong comment. Hindi ko sinasadyang basahin pero eto na eh. Nakita ko na. Binasa ko ito.

Hey! What's up?

Yun lang naman. Pero may iba akong naramdaman ng nabasa ko yun. Anyway, nangangamusta lang naman, diba? Wala namang masama dun. Ako lang ang nag-isip ng kung ano. Kylene Montejo ang name ng nag-post ng comment kay Jairus. Siguro friend niya. Hmm. Pero bakit hindi niya nababanggit yung pangalan na yun? Maybe cousin niya? Tinignan ko yung profile picture ng Kylene na yun. Well, maganda naman siya. At ayon sa profile niya, she's a Ramp Model in Paris. Bigatin si Ateng ah. Halata naman sa mukha niyang mayaman siya eh.

Nang nagsawa akong titigan ang mukha niya. Nag-log out na din ako sa Facebook ko. Binisita ko naman ang Wattpad ko. Aba! May story na pi-nost ang friend ko ah. 'The Undelined Truth' ang title. In-add ko ito sa reading list ko. Mamaya ko nalang to babasahin, pag-uwi ko galing school.

[A/N:Maisingit lang talaga! *laughs* basahin niyo rin po sana yung first story ko entitled The Underlined Truth. Mai-plug lang. Hahah. Salamat! *smile*]

OMG. Hindi pa rin talaga ako nag-babago. Late na naman ako! Waah. Madaliang pag-gayak na naman ang ginawa ko. Syempre, kilala niyo na naman ako, diba? *laughs*

Mapa-6:45am man o 10:30am wala pa ring diperensya! Parehas lang din. Late pa din ako. *laughs*

Kumaen na ako at nag-paaalam kay Mama.

"Alis na po ako, Ma." nag-mano ako at humalik sa pisngi niya.

Mistaken Affection [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon