Chapter 2: The Teary Past

6 0 0
                                    

[Beatrice's POV]

Nag-goodnight na rin ako kay Mama at pumasok na sa kwarto ko. Tahimik na ang buong bahay. Mahirap din pala kapag mag-isa ka lang sa kwarto. Kung anu-ano ang maiisip mo. Gaya ngayon, nakahiga na ko sa kama pero hindi pa rin ako makatulog. Naalala ko kasi ang mga nangyari noong mga nakaraang taon. Ang lahat ng pang-aaping ginawa nila sakin sa Waterford's. At ang pag-alis niya. :((

Nandito pa rin ang sakit. Ang hirap palang mag-move on kahit alam mong hindi naging kayo. :((

Si Jairus ang nagturo sakin kung pano bumangon. Dati rati, si Harvey ang laging nag-tatanggol at nag-bibigay ng lakas ng loob sakin. Pero dati yun, wala na siya ngayon. :((

Almost 4 years na rin ng mang-yari ang lahat ng yun, pero taon lang ang lumipas. Ako, at ang nararamdaman kong sakit na dinulot nila, hindi ko masasabing lumipas din. :((

[A/N: For further comprehension, please read my first story entitled The Underlined Truth. Nandun po lahat ng dahilan kung bakit depress-depressan ang drama ni Beatrice sa nakaraan niya. Thank you. *smile*]

Matapos ang pagwasak, pagsira at pagdurog nila sakin, ilang araw din akong nagpahinga. Dinala ako ni Jairus sa isang hospital, since hindi niya pa alam nun kung san ako nakatira, isa pa hindi niya alam kung bakit ako hinimatay. Hindi ako pumasok sa school ng mga sumunod na araw, akala nga ni Florence at Gwyneth hindi na ako papasok eh.

Isang linggo din kasi akong nagbakasyon kila Lolo at Lola. Lumayo ako ng ilang araw sa gulo, sa kanila. Pero anong magagawa ko, trip talaga ako ng mga taong walang magawa sa mga buhay nila. Unang araw pa lang kasi ng pagbalik ko sa school, puro tsismis na naman ang naririnig ko, tungkol sakin. Walang araw na hindi ako pinahiya ni Emery, Lizey at ng dati kong kaibigan na si Veronica. Ako ang lagi nilang nakikita. Hindi na nga ko kumikibo, kasi parang na-immune na ko sa kanila.

Si Harvey, kahit kailan ay hindi na ako kinausap. Nakakalungkot lang, kasi dati siya ang unang taong nagpapasaya sakin, at ngayon hindi na. Tuwing nagkakasalubong kami, parang hindi kami magkakilala at nagkakilala. :((

Ilang araw nalang bago mag-bakasyon. Nabalitaan ko na aalis na din si Harvey at Emery. Sa Britain na daw sila mag-papatuloy ng pag-aaral. Yan ang sabi ng magaling kong source.

Last day ko na ngayon sa school na to, sana last day na din ng pag-hihirap ko, ayoko na kasing ma-bully. Nakakasawa na. Napagpasyahan ko na din na lilipat na ko ng school, sa St. Martin's Academy na ko papasok. Mabuti na rin yun, kasi makakapag-simula ulit ako. Pag-bukas ko ng locker ko, may nahulog na isang papel. Kukunin ko na kasi lahat ng gamit ko, dahil hindi ko na din alam kung kelan ulit ako babalik sa school na to eh. Siguro minsan dadalaw nalang ako para dalawin ang mga tunay kong kaibigan. Pinulot ko at tinignan kung ano ang nakasulat sa papel.

Wait for me.

Kanino naman kaya galing to? Wala naman kasing nakalagay kung sino ang naglagay nito. Baka mali lang ang napag-lagyang locker. Hindi ko na to inintindi pa at inipit ko nalang to sa hello kitty notebook ko. :D

First day ko nun sa St. Martin's Academy. Nakakatuwa nga, dahil hindi ko lang classmate si Jairus, seatmate ko pa siya. Hindi ko nga alam na dito din pala siya nag-aaral eh. Nagka-gulatan pa nga kaming dalawa. Hindi naging mahirap ang paglipat ko ng school dahil sa kanya. Madali akong nakapag-adjust dahil nandun siya. At nagkaroon pa ako ng mas madami pang kaibigan. *smile*

Isa na sa mga naging kaibigan ko si Jairus. Naging mag-bestfriend kami. Lagi kaming mag-classmate, seatmate, cheatmate *laughs*, choirmate (sumali kasi kami parehas sa choir ng school) at sa lahat ng bagay na pwedeng kami ay laging mag-kasama. *smile*

Sa araw-araw na nagka-kasama kami, mas nagiging dependent ako sa kanya. Parang hindi kumpleto ang araw ko kapag wala siya. Siya na din kasi ang naging clown ko, siya ang laging nagpa-pangiti at nagpa-patawa sakin. Nakalimutan ko ang nakaraan dahil sa kanya. *smile*

Sa mundong ito, ayos lang naman umiyak at maging malungkot paminsan-minsan. Kayanin mong mag-paalam sa isang tao, but keep moving on. Yan ang reyalidad ng buhay. One day, puro kamalasan at pasakit ang mang-yayari. Pero wag mong kakalimutan na mas maraming dahilan para sumaya at lumigaya ka sa mga susunod na araw. Isa-isip mo din na kapag may isang taong nawala, may bagong dadating. *smile*

Mistaken Affection [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon