Chapter 5: In the Hospital

19 0 0
                                    

[Kylene's POV]

"Doc, how is she?" tanong ko sa kalalabas lang na Doctor mula sa Emergency Room.

"She's fine now. Masama kasi sakanya ang mapagod kaya sinumpong siya ng asthma niya." thank God, she's okay. Over fatigue kaya siya sinumpong ng asthma.

"Thank you, Doc." uupo na sana ako ulit ako sa bench.

"By the way, Hija, where's her parents? She can go out later, konting pahinga lang." I don't know exactly.

"I think they're on the way to the hospital. Dadating na din po siguro sila." I hope. Para makaalis na din ako. May kailangan pa kasi akong i-meet.

Umalis na ang Doctor. Nakaupo na din ako ulit.

It's been an hour since nadala siya dito sa hospital. I've seen her ID and check if there's a contact person in some situations like this, I've already called Mrs. Belinda Madrigal, maybe it's her Mom. I think she'll come as early as possible, but where are the supposed to be parents of this girl? Ang tagal. Nagugutom na ko.

Maka-baba nga muna, tutal may mga nurses naman dito na pwedeng magbantay sa kanya, diba?

[Beatrice's POV]

Nagising ako sa isang kwarto. Bakit kaya puro puti ang walls? Sa pagkaka-alam ko kasi pink and brown ang color ng wallpaper ko sa bahay eh. Nakita ko si Jairus, nakayuko, tulog yata. Nandito siya ngayong sa gilid ng kamang hinihigaan ko eh. Hawak niya ang kamay ko. *kilig*

Nang gumalaw ako, nagising siya. Hindi mahimbing ang tulog niya kung ganun.

[Jairus's POV]

"Salamat naman at gising ka na! Wala kaya kong maasar kanina!" thank God gising ka na, nag-alala ako ng sobra sayo.

"Ah, ganon ha! Pano nga kaya kung natuluyan ako kaninang mabangga? Aber?" wag ganun. Ayokong mawala ka. Gusto ko lagi kitang kasama. Gusto ko lagi kang nandyan. Gusto ko nasa tabi kita palagi. Pero parang iisa lang ang ibig sabihin nun, kailangan kita, Beatrice.

"Hindi mo masagot noh? Hahaha." totoo naman, natameme ako dun.

"Pano mo nga pala nalaman na nandito ako? Teka, nasan nga ba ko? Tska may klase ka pa ha." ano naman kung may klase pa ko.

"Mahalaga ka, kaya kita pinuntahan. Ayaw mo ba? Sige. Aalis na lang ako." drama ko lang naman to.

[Beatrice's POV]

"Oh, Anak. Gising ka na pala. Eto, kumaen ka muna." mukhang gutom na nga ko. Anong oras na din kasi, mag-aala una na.

Kinuha ni Jairus ang kutsara. Nakipag-unahan pa talaga sakin. Hahah. Siya na daw ang magsusubo ng pagkaen sakin. Anu ba yan, para naman akong bata nito. Pero sa totoo lang, nag-eenjoy ako. *kilig*

"Say aaahhh!" sabi ni Best. Pinalipad pa parang airplane yung kutsara. Alam niyo yung itsura kapag nagpapakain ka ng batang ayaw kumaen. Ganun ang nangyayari ngayon.

"Ayoko nga!" sagot ko. *laughs* Kunwari lang yun, pero sa totoo lang gutom na ko. Gusto ko lang siya inisin. *laughs*

"Ang KJ mo naman. Edi wag!" nagtampo na agad.

"Sige na nga, aaahhh!" at sinubo na niya sakin ang pagkaen. Sarap. Sarap. Nakailang subo na din siya sakin ng pagkaen ngayon. Ayaw pa kasing ako nalang ang kumaen mag-isa. Kaya ko naman.

"Ma, pano niyo nga pala nalaman na nandito ako?" nagtatakang tanong ko. 

"May tumawag kasi sakin kanina, babae. At sinabi nga niya na dito ka dinala, dahil nawalan ka ng malay. Sabi ko naman kasi sayo na wag kang magpa-pagod eh. Pero wag ka ng mag-alala, Anak, dahil ipinag-paalam ka na nitong bestfriend mo sa professor mo." ah, so, nasa hospital na naman pala ako ngayon. Na naman, which means hindi ito yung una. Kwento kasi ni Mama nung bata pa ako may asthma na talaga ko, pero dahil naagapan, ayun gumaling. Malas nga lang kasi bumalik yung sakit ko. 2nd year high school na ko ng malaman namin na bumalik ang asthma ko, nangyari kasi yun nung PE namin sa St. Martin's. Pinatakbo kasi kami ng sobrang layo, at pinaglaro ng badminton. So ayun, buti na lang to the rescue ang mga classmates pati teachers ko, syempre si Jairus din.*smile* Magmula nun ganito na ang nangyayari sakin tuwing napapagod ako, pasumpong sumpong lang.

Uhm teka, yung babae, nasan kaya siya? Hindi pa ko nakakapagpasalamat sakanya sa pagtulong sakin.

"Nasan po yung nagdala sakin dito?" tanong ko.

"Sabi sa nurse station umalis daw para kumaen, pero hanggang ngayon hindi pa daw bumabalik eh." bakit kaya? Siguro natakot sakin? Akala malaki ang magagastos sa hospital. Akala niya siguro kasalanan niya kung bakit ako hinimatay. Heheh. Nasan kaya siya? Parang nakita ko na kasi siya dati, hindi ko lang matandaan, tapos madilim na din kasi ang paningin ko kanina. Naaalala ko na lang kasi maganda siya, mukhang model, fashionista. Basta, kahit sino pa siya gusto ko siyang makita.

"Babalik na lang yun, Best. Pero sa ngayon magpahinga ka muna. Sabi kasi ng doctor pwede ka na daw ilabas mamaya eh." osya, sige. Magpahinga kung kailangan.

"Basta pag dumating siya gisingin niyo ko ha." pahabol ko, bago ako matulog ulit. Bumaling na ako sa kabilang side.

"Siya nga pala, si Bianca at Britt, dito didiretso mamaya. Para na rin sabay-sabay na tayo uuwi." ah, dadaan pala sila dito. Galing kasi silang school.

"Ah. Best, Tita. Ihahatid ko na po kayo, sakto kasi na ang dinala kong sasakyan ay yung car ni Dad. Okay lang naman po sa inyo yun, diba Tita?" mukhang napapadalas ang paghiram niya ng kotse sa Dad niya ah. Usually, ang dinadala niya kasi ay yung motor niya.

"Mabuti pa nga, salamat naman." wow ha. Hindi manlang nag-dalawang isip si Mama. Hahah. Mabuti nga yun, iwas gastos kami sa pamasahe. Siya naman ang kawawa sa pang-gas. Hahah.

"Walang anuman po, Tita." malaki talaga pakinabang ng Best ko na to. *laughs*

"Sige, Ma. Pahinga muna ko." nagpahinga na akong muli.

Mistaken Affection [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon