Chapter 4: Asthmatic

31 0 0
                                    

[Beatrice's POV]

"Anak, yung gamot mo ha. Baka makalimutan mo. Hindi mo alam baka mamaya atakihin ka na naman." paalala ni Mama. Buti nalang at sinabi niya.

"Oo nga pala, Ma. Buti nalang po pinaalala niyo. Nakalimutan ko po sa kwarto eh." kinuha ko yung gamot sa kwarto ko. At nagpaalam na akong muli kay Mama. Madali na akong umalis ng bahay dahil mala-late na naman ako. Sumakay agad ako ng jeep, hindi ko na inintindi kung puno na at kung masikip na ang nasakyan ko. Dahil sa tingin ko hindi ko na kaya pang mag-hintay ng ilang minuto pa.

Kahit naka-ilang preno si Manong Driver, hindi ko ito pinansin. Kahit pa muntik-muntikanan na kong mahulog sa upuan. Siksikan na kasi at hindi pa ako naka-upo ng maayos. Pinag-siksikan ko lang naman kasi ang sarili ko sa jeep na to eh. Hindi naman ako nagsi-sisi na dito ako sumakay, dahil nakarating naman agad ako sa Terminal. Isang sakay na lang at makakarating na ko sa University. Nabuhayan ako ng pag-asa kasi 30 minutes pa bago mag-10:30am, eh 15 minutes lang naman ang byahe sigurado makakarating agad ako. Hindi ako mala-late. Tiwala lang kay Manong Driver ang kailangan. *laughs*

Sa wakas. Nakaupo rin ng maayos. Hindi ako mangangamba na baka mahulog ako dahil sa preno. Hahah. Nang napuno na ang jeep, umalis na rin agad kami. Salamat naman.

Kinuha ko ang headset ko at nakinig sa saliw ng awitin ng idol ko. Ang nag-iisang si Taylor Swift.

New to town with a made up name in the angel city,

Chasing fortune and fame.

And the camera flashes, make it look like a dream.

You had it figured out since you were in school.

Everybody loves pretty, everybody loves cool.

So overnight you look like a sixties’ queen.

[The Lucky One by Taylor Swift]

Naka-idlip ako ng konti. Nanaginip pa nga ko eh, hinigop daw ako ng monster. Hahaha. Gara ng dream ko noh? Epic. Pero kung hindi dahil sa dream na yun, hindi ako magigising. Nagtataka ako, pagdilat kasi ng dalawang mata ko, tatlo nalang kaming nakasakay sa jeep. Very unusual yun, dahil tuwing papasok ako, madami pang natitirang sakay ang jeep. Malapit lapit lang kasi ang University na pinapasukan ko, at malayo layo pa ulit ang terminal. Siguro wala lang masyadong sakay na lagpas pa sa pupuntahan ko. Pwede namang ganun, diba? Nakatitig yung dalawang pasahero sakin, hindi ko alam kung bakit. Sumilip ako sa bintana.

"OH MY!" nanlaki ang mata ko, lagpas na ko sa University! I think 280meters away na din ang layo ko. Though, hindi siya ganun kalayo, pero kasi. Tingin sa relo. 10:24 na! 6minutes nalang, late na ko! Pano na yan? Bakit ko ba kasi naisipan makinig ng music at makatulog sa jeep. Epic talaga. Nakaka-iyak. Terror pa naman yung professor namin. :((

Dali-dali akong bumaba ng jeep.

"Manong, para."

Lumakad ako ng mabilis, as fast as I can. Tingin sa relo. 10:27 na! Parang hindi ko na kaya, hindi na yata ako aabot. May quiz and recitation pa naman kami ngayon. :((

Napagpasyahan ko na tumakbo na. Pero sa sobrang pag-takbo ko, kasama na din ang matinding sikat ng araw na naging dahilan ng pagpa-pawis ko, pakiramdam ko kinakapos na ko ng hininga. Eto ang kinakatakot ko, wag naman po sana akong sumpunggin ng asthma ko dito sa daan. Tuloy tuloy pa din ako sa pag-takbo kahit hirap na. Feeling ko hihimatayin na ko. Naalala ko yung gamot na dala ko. Huminto ako sa pagtakbo. Bubuksan ko na sana yung bag ko, nang may biglang pumreno na sasakyan.

*beeeepp! beeeepp! beeeepp!*

Hindi ko alam may dumadaang sasakyan pala sa nahintuan ko.

Bumusina ang kotse at sa pagka-kagulat ko, dahil muntikan na kong masagasaan. Hindi ko na nagawang kunin pa ang gamot ko. Ang huling nakita ko nalang ay may isang babae, magandang babae na bumaba sa kanyang sasakyan na muntik ng makabunggo sakin. Sa mga sandaling yun, hinimatay na talaga ako at nawalan na ng malay.

[Kylene's POV]

I was shocked. Muntikan ko na siyang masagasaan. Pero bakit nawalan siya agad ng malay? Mabilis naman akong nakapag-preno ah. Hindi siya tinamaan. Pero hindi ako nagdalawang isip na bumaba ng sasakyan. What if kasi kung natamaan talaga siya? What if kasi... OMG, hindi naman siguro siya napuruhan, diba? Oh no.

Nilapitan ko ang walang malay na girl. May mga taong lumapit din samin to help. Dinala namin siya sa pinaka-malapit na hospital. Wala namang mark na nabunggo siya. Ano nga kaya ang nangyari sakanya? :|

[Jairus's POV]

Bakit kaya hindi pumasok si Best? Hindi ko pa kasi siya nakita mula kanina at hanggang ngayon na dumating na ang professor ko. May nangyari kaya o ano, hindi manlang kasi nagsabi na a-absent siya. Hindi ba niya alam na nag-aalala ako?

Mistaken Affection [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon