Kabanata 3

11 0 0
                                    

“Emeghed! Like OMG! True yan sis? Baka kayo na ni papa Jhayvee ha!” “Sshh! Wag ka namang maingay.” Pagsaway ni Jasmin sa pagkabiglang reaksyon ni Aira. “E lahat kaya pinapantasya na makasama ang poging..” “Sinong po yan ha?” biglang sulpot ni Charlotte sa dalawang kaibigan “Kaloka ka sis! Kabute lang ang peg?” sabi naman sa kanya ni Aira “haha. Sorry sis. Gusto ko na kasi i kwento ‘to eh!” sambit ni Charlotte na halata ang saya sa mukha niya. “Ano ba yun?” “Korek girl. Share-share!” Pamilit ni Jasmin at Aira sa kwento ng kaibigan. “Sige. Naaalala niyo yung pumunta ako ng Paris?” Pamungad sa kwento niya “Oo. Yung na love at first sight ka sa anak nung ka business deal ng daddy mo. Tapos?” sabi naman ni Jasmin, “Exactly!” tuwang tuwa namang sinabi ni Charlotte. “Then? Pa trailer ka ateng!” reklamo naman ni Aira sa pagkabitin sa kwento nito. “Ganito kasi yun, kahapon nung tumawag yung mom ko sinama niya ko sa meeting niya sa company. Nakita ko ulit yung knight in shining armour ko!” nagtatatalong ikinuwento ni Charlotte sa dalawa.

            Summer vacation kasi nun nang sumama si Charlotte sa Paris kasama ang daddy niya para sa isang business deal at sa kanya para mag bakasyon na din abroad. Doon, nakilala niya ang anak ng ka business deal ng daddy niya na talagang gustong gusto ni Charlotte. Jay ang pangalan nito at naging malapit din sila nito at kilala ang isa’t isa sa tawagang cupcake dahil sa isang cupcake sa coffee shop. Simula nang umuwi si Charlotte galing Paris, sobrang hinahangaan na niya ito.

            “Jasmin may nagpapabigay nito” sabi ng kaklase nila abot ang isang maliit na pirasong papel “kanino daw galing?” tanong naman ni Jasmin “Crush daw. Sige andyan na si prof eh” bigla namang namula sa kinauupuan si Jasmin. Hindi na siya makapag antay makita ang laman ng pirasong papel. “Sinong crush naman yan sis? Saglit lang akong nawala kahapon parang ang dami ko nang hindi alam” mahinang sinabi ni Charlotte sa dalawa. “Si papa Jha..” “Charlotte, Aira! Mag dadaldalan lang ba kayo sa klase ko? Quiet!” bigla namang pag saway sa kanila ng masungit nilang prof kaya naudlot si Aira sa pagsasalita.

            Dismissal na nila at yun na ang pagkakataon ni Jasmin para makita kung ano man ang nakalagay sa pirasong papel na binigay sa kanya ni Jhayvee. “Hi Jas, I had a great time with you yesterday. Invite ko sana kayo ng best friend mong si Aira for a dinner mamaya. 8 pm. Susunduin namin kayo. Thanks! :)” Hindi inasahan ni Jasmin ang nabasa niya. Agad naman siyang namula at nagsimulang mag tatalon sa sobrang tuwa. Dali-dali naman niyang sinabihan si Aira para sabihin ang magandang balita. “Sis! OMG! Matutuwa ka. Promise!” maligayang maligayang sinabi  ni Jasmin sa kaibigan. “Teka muna wait! Ano ba yan at tuwang tuwa ka? Hulaan ko, si papa Jhayvee yan ano?” sabi naman sa kanya ni Aira “oo sis! Iniinvite niya tayo sa dinner mamaya! Aaahh!” nagtitiling sabi ni Jhayvee na nakahawa na din kay Aira. “Capital O-M-G! Kasama ako? Sinabi ni papa Jhayvee? Yay!” tara na! At nagmadali naman na silang umalis.

            Alas otso na at hinihintay na lang nila Jasmin at Aira si Jhayvee na dumating. Nandoon din si Patrick na tila naaaborido ang mukha. “Ano ba kasing meron dyan sa Lance na yan? Masama pakiramdam ko sa mokong na yun eh” matabang na sinabi ni Patrick. “Hay nako Pat! Bat ba ang bitter mo kay Jhayvee? Hindi pa pwedeng maging masaya ka muna para samin?” sabi naman ni Jasmin na pinagtatanggol si Jhayvee. Sa kalagitnaan ng pag uusap ,bigla namang dumating ang dalawang nag popogiang lalaki. Si Jhayvee na may kasamang kaibigan niya yata. “Sis. Eto usapan, sayo na si papa Jhayvee akin yung isa.” Bulong ni Aira kay Jasmin. Siniko naman siya nito at nag paalam nang umalis. Naiwan naman si Patrick sa salas nila Jasmin na naka kunot pa din ang noo.

            “Jasmin and Aira, meet my best friend Niko.” Pagpapakilala naman ni Jhayvee sa kaibigan habang nag mamaneho ng sasakyan. Nasa front seat ang dalawang lalaki habang nasa likod si Aira at Jasmin. “Hi Niko!” agad namang pag bati ni Aira ngunit kinawayan lang siya nito sa salamin. “Hmp! Sunget!” bulong naman ni Aira. Nakarating naman sila agad sa isang resto-bar. “Dito kami madalas tumatambay ni Niko pag walang masyadong ginagawa.” Sabi ni Jhayvee sa dalawa. Umorder si Niko ng kakainin nila at nag kwentuhan na sila. Nang dahil na din sa pagka-kalog ni Aira at pag ka sungit sa kanya ni Niko, ang bangayan at asaran nila ang nagpalapit sa kanilang apat at parang matagal na silang magkakaibigan.

            Katulad ng inaasahan, naging masaya naman ang buong araw nila at nasundan pa ito. Ilang araw, linggo at buwan. Naging sobrang malapit na nga ang apat dahil sa pag dalas ng pagsasamasama nila. Biglang sikat din si Jasmin sa campus nila dahil dito. Kinaiinggitan siya ng karamihang mga babae dahil sa kanya malapit ang heartthrob ika nga sa school nilang si Jhayvee. Kasabay nito ang pagkakaroon din ng mga taong naiinis sa kanya at tila mga haters nito. Syempre laging to the rescue sa kanya ang best friend niyang si Aira. Si Aira lang ang pumapatol dito dahil hindi naman ‘to pinapansin ni Jasmin at Jhayvee. Sa tinagal na din ng pagsasama nilang dalawa, hindi din naiwasang mahulog na ng tuluyan si Jas sa dating sobrang crush niya lang. Bukod dito ay nagkakaroon ng kakaibang hinala pa minsan minsan si Jas sa kakaibang kinikilos ni Jhayvee sa t’wing mag kasama sila. Mga kilos na tila nakita na niya matagal na panahon na. Pero hindi na niya ito masyadong pinapansin dahil sa tuwing mag kasama sila lagi siyang wala sa sarili at lagi na lang namumula at nababato. Hindi niya alam. Tinamaan na nga siguro siya. Kasabay din nag pagiging malapit nila Aira at Samantha kay Jhayvee at Niko ang madalang na pagsasama naman ni Charlotte sa dalawa. Simula noong makita na niya itong muli madalas na itong tumatambay sa opisina ng daddy niya at hindi naman siya binibigo nito. Malapit na din siya kay Jay, yung lalaking nakilala niya sa Paris. Hindi na niya madalas tawagin ito sa kanyang pangalan dahil mas gusto niya ang cupcake bilang tawagan nilang dalawa.

Singsing ng PangakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon