Kabanata 6

14 0 0
                                    

“Akala mo kung sinong pogi!” pasigaw na sinabi ni Aira habang nasa salas sila ng bahay ni Jasmin. “Bakit hindi ba? Sabi ko na nga ba’t masama ang pakiramdam ko sa mokong na yun e” dagdag naman ni Patrick sa sinabi ni Aira habang tahimik namang umiiyak sa harap nila si Jasmin. “Nakakalokang forglet din yang si Charlotte na yan e! Pasalamat siya wala ako sa school kundi bibili yan kinabukasan ng hair grower!” inis na sinabi ni Aira “hindi ko talaga inasahang sila pa yung manloloko sakin” mangiyak-ngiyak na sinabi ni Jasmin. “Kalimutan mo na nga sila. Pagkatapos mag tapat sayo niyan wala nang naidulot yan kundi pa iyakin ka” sermon ni Patrick sa kaibigan. “E bat parang mas apektado ka pa kay Jasmin?” tanong ni Aira na hindi naman na nasagot ni Patrick dahil sa ring ng cellphone ni Jasmin. Tumatawag sa kanya si Jhayvee pero sa halip sa sagutin, hinahayaan niya lang ‘to mag ring. Lumipas ang ilang minute nang may kumatok naman sa pintuan nila Jasmin. “Meged sis. Si Jhayvee yan. Nase sense ko.” Sabi ni Aira “hayaan mo siyang kumatok buong araw dyan!” matabang namang sinabi ni Jasmin. “Jasmin! Jasmin please. Alam kong nandito ka, kausapin mo naman ako. Ano bang problema?” pasigaw na sinabi ni Jhayvee habang patuloy sa pagkatok nito. Hindi na kinaya ni Jasmin ang nangyayari kaya siya na mismo ang nag bukas ng pinto “ano bang problema mo? Bakit ka pa pumunta dito?” galit na sinabi ni Jasmin. Laking gulat naman ni Jhayvee sa reaksyon ni Jasmin nang makita siya. ano bang ginawa niyang mali? “H-hindi kita maintindihan. May ginawa ba akong mali?” tanong nito sa kanya na halata ang pagkalito. Sa sobrang asar ni Patrick sa nakikita hindi na niya naiwasang sumabat sa usapan. “Alam mo brad, mas maganda kung umalis ka na muna. Wala ka namang magandang dinudulot kay Jasmin eh!” galit na pagtataboy ni Patrick dito. “pero Jasmin..” inuulit ulit ni Jhayvee na gustong malinawan pero pumasok nang muli si Jasmin at naiwan si Aira at Patrick sa pintuan. “Umalis ka na!” sigaw ni Patrick at tuluyan na ngang nilisan na ni Jhayvee ang bahay nila Jasmin. “Bakit hindi mo man lang binigyan ng time para mag explain si papa Jhayvee?” agad na tanong ni Aira nung isara na nilang muli ang pinto “e bakit pa? Hindi pa ba sapat na niloko na siya nung mokong na yun?” depensa naman ni Patrick “ang epal mo!” inis na binato pabalik ni Aira sa kanya. “Tumigil na nga kayo” pag awat naman ni Jasmin sa dalawa. “Sis, feel ko hindi niya alam yung sinasabi mo. Parang may something.” Sabi ni Aira kay Jasmin. Tinawanan lang siya nito at sinabing “hindi alam? Sino bang umaamin sa kasalanan? Dapat lang na kalimutan ko na siya ng tuluyan.” Sinabi nito at pinunasan na niya ang sariling luha. Hindi naman matahimik si Aira. Kahit papano ay kilala niya din naman si Jhayvee. Agad naman niya itong tinext ng patago dahil alam niyang magagalit sa kanya ang kaibigan. “Jhayvee, mag kita tayo. Kailangan nating mag usap.” At umalis na siya “o san ka naman pupunta?” tanong ni Patrick “che! Di tayo bati.” Sinabi ni Aira at binelatan niya pa ito at tumakbo paalis.

            “Bakit mo baa ko pinapunta dito? Okay na ba siya?” pambungad na tanong ni Jhayvee kay Aira. “Egzoited? E kasi gusto ko malaman yung side mo. Yung totoo.” Sabi ni Aira. “Anong totoo?” tanong sa naman sa kanya. Nagbuntong hininga naman naman si Aira at sinabi ang dahilan kung bakit ganon na lang ang pagka galit sa kanya ng minamahal. “Naloka na? Kanina namomroblema tapos ngayon tumatawa?” sinabi ni Aira kay Jhayvee matapos ikuwento ang lahat. Siya naman yata ang naguluhan ngayon dahil sa naging reaksyon ni Jhayvee. “Hindi naman kasi dun lang natapos yung usapan namin ni Charlotte. Ngayon alam ko na” at tila gumaan naman kahit papano ang pakiramdam ni Jhayvee dahil nalinawan na siya kung bakit. Agad naman siyang nakaisip ng paraan kung paano niya muling mapapabalik sa kanya si Jasmin. Sa tulong ni Aira, umaasa silang dalawa na babalik sa dati ang pagtitiwala sa kanya ni Jasmin.

            Bumalik si Aira sa bahay ni Jasmin para sunduin ‘to. “Sis, mag bihis ka. Aalis tayo.” Agad na sinabi nito kay Jasmin. “Bakit? San tayo pupunta?” “Basta. Bilisan mo na lang.” At agad namang nag bihis ito sa dali daling umalis. “Teka ba! San ba talaga tayo pupunta? Bat ayaw mong sabihin sakin?” tanong sa kanya na saktong malapit na sila. Hindi na lang nag salita si Aira. Nakita ni Jasmin si Jhayvee papalapit sa kanya. Bigla namang nawala sa mood si Jasmin at tumalikod paalis pero hindi niya nagawa dahil sa pagkakahawak sa kanya ni Aira. “Aira, ano to? Bitiwan mo nga ko!” sabi ni Jasmin sa kanya. “Hindi sis. This time, makinig ka na lang muna please.” Nabigla naman si Jasmin dahil doon niya lang nakita ng ganun ka seryoso ang kaibigan. Humarap na lang siya pabalik kay Jhayvee “Jasmin, tama lahat ng narinig mo...” “Tama naman pa..” “Sshh! Mamaya ka na mag react. Makinig nga diba?” saway ni Aira sa kanya at pinag patuloy ni Jhayvee ang pag sasalita. “..tama lahat ng narinig mo pero hindi nagtatapos yun dun. Wala akong minahal kundi ikaw. Maniwala ka sakin. Si Charlotte? Kaibigan ko lang siya.” ang mga sinabi ni Jhayvee na tila wala namang narinig si Jasmin. Lumipas ang ilang saglit at tila hindi nakuntento sa narinig si Jasmin. Nagulat naman ang dalawa ng ngumiti si Jasmin at pumalakpak sa kanya “ang galing mo naman gumawa ng kwento. In fairness, muntik na ko maniwala.” Sabay ngiti nito sa kanya na baliktad naman sa reaksyon ni Jhayvee. “Jas, maniwala ka naman sakin please” pagmamakaawa naman sa kanya nito. “Paniwalaan? Sige nga sabihin mo sakin kung pano kita pagkakatiwalaan ulit?” matabang na sinabi sa kanya ni Jasmin. “Kung mahal mo nga kong talaga, lalayuan mo na ko.” Dagdag niya at umalis na din agad. Wala naman nang nagawa si Aira kundi sundan ang kaibigan.

Singsing ng PangakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon