Kabanata 7

6 0 0
                                        

Lumipas ang ilang buwan na hindi na muling nagpapakita sa kanya si Jhayvee. Kagustuhan naman niya ‘to kaya dapat lang na maging masaya siya pero hindi. Sa pangalawang pagkakataon nasaktan siya sa iisang dahilan. Hindi na rin niya nakikitang pumapasok ang dating kaibigang si Charlotte. Kung makikita ma’y hindi naman sila nagpapansinan.

            Dumating ang isang maulan na hapon ng dumating sa bahay ni Jasmin si Aira para sabay na din tapusin ang huling requirements nila sa pag graduate ng college. Sa kalagitnaan ng paggawa nila may sumunod namang kumatok. “May bisita ka?” tanong ni Aira sa kanya. “Ako? Wala naman. Baka si Patrick.” At binuksan na ni Jasmin ang pinto. Laking gulat naman niya ng makita niya si Charlotte na basing basa sa ulan at halata dito na lasing siya. “Charlotte! Anong ginagawa mo dito? Pumasok ka muna.” At tinulungan niya ‘to papasok sa loob pero si Charlotte na mismo ang nag pumiglas para bitawan siya nito “sabihin mo nga sakin, anong meron ka na wala ako?”sinabi nito sa kanya. “Charlotte, ano bang sinasabi mo? Lasing ka. Pumasok ka na muna” pagpupumilit naman sa kanya ni Jasmin. “Stop being so nice to me! Lahat naman ginawa ko para mahalin din ako ni Jhayvee pero wala pa din. Ikaw pa rin Jasmin!” nagsimula ng maguluhan si Jasmin sa nangyayari. Ano bang nirereklamo nito e sakanya na nga si Jhayvee? Ang tanong ni Jasmin sa sarili. “Alam mo ba kung anong sinabi niya sakin ha? Alam mo ba? Hindi niya daw ako mapapatawad kapag tuluyan kang nawala sa kanya. Mahal niya nga ko pero bilang kaibigan?!” galit na galit na sinasabi sa kanya ni Charlotte. Nagulat naman siya sa huling sinabi nito. “Bilang kaibigan? Yan ba yung gusto niyang sabihin sakin? Na talagang kaibigan lang siya at ako?” mahinang sinabi ni Jasmin sa sarili. “Oo. Yan yung gusto niyang ipaintindi sayo pero hindi mo siya binigyan ng pagkakataon.” Biglang singit naman sa likod niya si Aira. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Jasmin sa nalaman. All this time mahal siyang talaga ni Jhayvee pero hindi niya ‘to binigyan ng pagkakataon para patunayan. “Nasan siya?” tanong ni Jasmin kay Charlotte. “Siya? Hahaha. Ayun. Papunta na ng States. Yun daw ang hiniling mo sa kanya.” “States? Kailangan ko siyang pigilan! Saang airport Charlotte?” pasigaw na tanong ni Jasmin pero nakatulog na sa sobrang lasing si Charlotte. “Parang nabanggit sakin ni Niko kung san.” Simpleng sinabi ni Aira at agad naman siyang hinatak ni Jasmin at sumugod sa ulan.

Dali dali silang sumakay ng taxi at pumunta sa airport. Pagkadating naman doo’y dali dali naman nilang hinanap si Jhayvee. Nakita ni Jasmin na 1:30 ang alis ng eroplano na sasakyan ni Jhayvee at nakita niyang 1:28 na. Umiiyak na siya at kung ano ano ang naiisip. Kailangan niyang makita ang talagang mahal niya bago mahuli ang lahat. Nakita naman niya si Niko at agad niya itong nilapitan. “Niko! Asan si Jhayvee? Si Jhayvee!” nagmamadaling tinatanong nito sa kanya pero inabot lang sa kanya ang isang pirasong papel na at agad niya itong binasa. “Dear Jasmin, Sorry kung nasaktan kitang muli. Hindi ko sinasadya ang lahat ng nangyari. Tandaan mong wala na kong ibang minahal kundi ikaw. Kahit ayaw mo akong paniwalaan, yan pa din ang sasabihin ko. Jasmin, I love you. PS. Pag nabasa mo ‘to siguradong wala na ako. Love, Jhayvee.” At hindi na napigilan ni Jasmin ang pagtulo ng mabigat niyang luha kasabay nito ang sakit nanararamdaman dahil siya mismo ang nagtaboy sa taong pinakamamahal siya. “Pero hindi ko talaga kayang iwan ka.” Ang tinig na narinig niya na boses ni Jhayvee na nanggaling sa likod niya. “Jhayvee!” sigaw ni Jasmin at agad niya itong nilapitan at hinagkan. “Sorry kung hindi kita pinaniwalaan. Sorry kung...” hindi na natapos ni Jasmin ang pagsasalita dahil agad siyang hinalikan ni Jhayvee. Nagulat si Jasmin doon pero pinikit na niya ang mga mata niya at niyakap nila ang isa’t isa. “Wala nang makakapag hiwalay sa ating dalawa Jasmin. Pangako ko yan. Mahal na mahal kita” masayang masayang sinabi ni Jhayvee sa kanya. “Well alam mo ba, mas mahal na mahal na mahal kita.” Ngiti ding sinabi ni Jasmin sa kanya at muli siya nitong hinalikan. “Eeehh! Niko ang sweet nila no?” kinikilig na sinabi ni Aira. Nakita naman niyang ngumiti ng nakakaloko si Niko sa kanya na mukhang hahalikan din siya. pumikit na lang ng mahigpit si Aira at unti unti niyang naramdaman ang labi nito sa kanyang pisngi. 

Singsing ng PangakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon