“Pasukan nanaman! Last semester na ‘to at ga-graduate na rin kami.” Masayang isinambit ni Jasmin sa sarili. Halata sa mukha ni Jasmin ang pagkasabik niya dito. Ilang saglit lang ng dumating naman galing sa likuran niya ang dalawang matalik niyang kaibigan. Si Aira na talagang napaka kalog at may pagka gaylinggo sa pagsasalita dahil sa kapatid niyang binabae; at si Charlotte, ang best friend nilang mayaman. Businessman kasi ang mga magulang niya at may business din sila abroad. Bigatin nga si Charlotte pero hindi katulad ng ibang mga mayayaman sa school. “Sis, dadaan muna ko sa library. I forgot my book eh” Sabi ni Charlotte sa kanila at umalis na. Tumuloy naman si Jasmin at Aira sa paglalakad.
Habang papunta na sila sa klase nila bigla naman ang dagsa ng tao higit na ng mga kababaihan pasalungat sa kanila. “Andyan na siya! Andyan na siya!” Tilian ng mga ito habang dali-daling pumunta sa main hall ng campus nila. “Gora na tayey mga bakla. Si papa Jhayvee andyan na. Emeghed! Like OMG!” Tuwang tuwang sinabi ni Aira kay Jasmin. “Anek na Jasmin Frias? Later pa naman mag yung klase natin. sight-seeing lang tayo kay papa Jhayvee” pagkumbinsi naman niya kay Jasmin. Ayaw na niya kasing lumapit pa ng masyado kay Jhayvee. Nahihiya kasi siya sa ginawa niya bago mag summer vacation, binigyan niya ng card si Jhayvee. “Sige. Pero ayoko magpakita” “Sus. Ikaw pa. Tara na!” At pumunta na rin sila sa main hall. Parang artista itong si Jhayvee hindi lang sa school nila kundi kung saan man siya pumunta. Kahit sino naman kasi mapapansin ang kakaibang kagwapuhan nito. Siya na siguro ang ideal man ng lahat ng babae. Malapit na sila sa kinakatayuan ni Jhayvee. “Talaga nga namang anghel galing sa langit.” Bulong ni Jasmin sa sarili. Naiinggit siya sa mga babaeng katabi ni Jhayvee. Mga nagpapa picture pa! Grr.. “Asar!!” Biglang nasambit ng malakas ni Jasmin na nagpatahimik sa lahat. “Nako patay!” sabi niya sa sarili. Pahiya nanaman siya. Kahit pati si Jhayvee nakatingin din sa kanya. “Ah. Hehehe. Aira kasi wag ka humarang. Tara na nga!” Palusot ni Jasmin sabay hablot sa kaibigan patakbo. Pinagpapawisan siya ng malamig. Epic fail nanaman siya sa harap ng crush niya. Natawa naman sa kanya si Jhayvee. “Anong nangyari dun? Halata namang nag papalusot lang siya.” Sinabi ni Jhayvee sa sarili. Sa mga nag bigay sa kanya ng letter yung binigay ni Jasmin ang pinaka nagustuhan niya. Full of effort kasi. Parang fan art sa isang artista kumbaga. May mga stolen pictures niya pa sa loob nito.
Lumipas ang buong araw ngunit wala pa rin sa sarili si Jasmin. Tulala siya sa kung saan at iniisip yung ginawa niya. Parang gusto na niya mag takip ng mukha habang naglalakad sa buong school. “Forget it na girl! Sa dinami dami ng mga chakaness na nakapalibot kay papa Jhayvee, hindi ka na knowing nun.” “Tama si Aira sis. Hindi ka na naaalala nun kung sino man yun for sure. Just relax.” Sambit ni Charlotte ng nag ring naman ang cellphone niya. “Oh my. Jas, Aira, I really have to go. Aalis kami ng mom ko eh. See you soon!” at umalis na si Charlotte. Naiwan naman si Jasmin at Aira sa picnic table sa may garden nang school. “Hay nako tama kayo. Kakalimutan ko na nga lang si Jhayvee” “Bakit? Keri mo ba? Ikaw pa sis.” Sagot naman ni Aira dito. “Ewan! Basta! Tama na muna yung pagka baliw ko sa taong hindi naman alam na nag e-exist ako” Buntonghinigang sagot ni Jasmin sa kaibigan sabay balik ng tingin sa binabasa niyang libro. “Grabe ka naman.” “Anong grabe dun? It’s the right thing to do. Day dreamer na ko araw araw” Mabilis na sagot ni Jasmin. “Ah girl, hindi ako yun” Dahan dahan na sinabi ni Aira “Talagang hindi ikaw. Kay Jhayvee ako nag de-day dream no!” “Hindi ako yun!” Ulit naman ni Aira. Hinarap na ni Jasmin ang kaibigang paulit ulit ng laking gulat niyang nakita sa harapan niya. Si Jhayvee! Oo si Jhayvee! “O-M-G!!!” Biglang sabi ni Jasmin. Bumilis nanaman ang tibok puso niya at tila nabato si kinauupuan. “You exist. Nagustuhan ko nga yung ginawa mong letter in a form of scrapbook e.” Yung mga ngiting ginagawa ni Jhayvee, nakakatunaw! Talaga bang nasa harapan ko siya? mga salitang pumapasok ngayon sa isip ni Jasmin. “Hoy bakla! Kinakausap ka ni papa Jhayvee!” sigaw ni Aira sa kaibigang nawala nanaman sa sarili. “Ah eh. Hehe. Sorry. Talaga? Nagustuhan mo?” “Yeah. Kaya gusto ko mag thank you ng personal. Thank you Jasmin Frias” Napaka poging sinabi ng napaka poging crush ko. Iiyak na ba ko? Hindi talaga ako makapaniwala. “Can I invite you for a friendly date later? Just to tell you how thankful I am. Pwede ka ba?” Ang sumunod na salitang binitawan niya na talagang muntik ng makapatay sakin. “SERYOSO!? As in later? Eeeehhhh! Pag iisipan ko.. Sige!” Tuwang tuwang sabi naman ni Jhayvee. Lumuluha na nga siya sa sobrang tuwa. “Okay. Susunduin na lang kita. 8 pm. And eto,” at inabot niya ang panyo niya kay Samantha ngumiti paalis.
“Waaaahhhhhh! Totoo to? Totoo to? Sis! Nakita mo yun diba? Si Jhayvee!!!! Mamaya! Daaaatteee! Tapos eto panyo! Aaaahhh!!! Pwede na ko mamatay!” Tuwang tuwang sinabi ni Jasmin sa kaibigan. Nagtatatalon sila sa saya. “Umuwi na tayo! Kailangan mo magpaganda!” At dali dali naman silang umuwi.
![](https://img.wattpad.com/cover/3759024-288-k925345.jpg)
BINABASA MO ANG
Singsing ng Pangako
Fiksi RemajaWhat if bumalik yung first love mo na akala mo kinalimutan ka na buong buhay niya? Willing ka ba na tanggapin siya at mahaling muli?