“Okay na ba to?” Inkomportableng tanong ni Jasmin. “Jas, relax! Friendly date lang ang ge getlakin mo. Keri na yan te!” Sagot naman sa kanya ni Aira. Habang inaayusan ni Aira si Jasmin, bigla naman may kumatok sa pintuan. “Jas, may bisita ka” sinabi ng kapatid ni Jas. “Girlalu. Baka si papa Jhayvee na yan! Tara na!” agad namang bumaba ang dalawa. Laking panghinayang naman ng hindi si Jhayvee ang nag aantay sa baba. Si Patrick. Ang kababata ni Jasmin at Aira na may lihim na pag tingin kay Jasmin. “Oh Patrick, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Jas. “Sabi mo kasi aalis tayo ngayon diba? Masyado mo naman ata pinaghandaan.” Ngiting sinabi ni Patrick sa kaibigan. “Kalerki ka Patrick. Unavailable ang lola mo. Gogora yan kasama si papa Jhayvee!” Sagot ni Aira para kay Jas. “Huh? E pano na yung..” “Sorry Patrick. Pwedeng bukas na lang?” Sabi ni Jasmin. “Ah ganun ba. Sige okay lang. Mag enjoy ka” Ngumiti si Patrick pero bakas sa mukha ang panghihinayang . “Tao po. Sorry I’m late” biglang sulpot naman ng boses ng lalaki sa labas ng pintuan “Papa Jhayvee!” Tuwang sigaw ni Aira. “Siya ba yung sinasabi niyong Jhayvee kanina pa ha?” Singit naman ng nanay ni Jasmin. “Ah ako nga po si Jhayvee” ngiting sagot nito “Hindi niyo sinabi ang pogi pala nito” Sabay pisil sa pisnge ni Jhayvee. “Ma naman! Nakakahiya.” Sabi ni Jasmin. Hindi niya akalain na ganon ang gagawin ng mama niya. “Aalis na kami. Bye na po” At nagpaalam na din si Jhayvee at umalis. “So yun pala yung matagal na niyang sinasabing Jhayvee” sabi naman ni Patrick “Bakit? Ampalaya lang ang peg mo?” Pang asar naman ni Aira kay Patrick.
Habang nasa sasakyan naman si Jasmin at Jhayvee, napansin ni Jhayvee na tila hindi komportable si Jasmin sa kinauupuan. “Okay ka lang ba?” “Ah oo okay lang ako” “Hindi ka okay. Ano ba yun? Tell me.” tinignan niya naman ng tila nakakaloko si Jasmin. “Hindi lang ako makapaniwala na isang katulad mo pinagkakaguluhan sa school e kasama ko ngayon” “Well, maniwala ka na. We’re friends” Ngiting sinabi ni Jhayvee kay Jasmin na abot tenga na ata ang ngiti sa kanya. Limang minuto ang lumipas makarating na sila sa pupuntahan nila. Luneta. Hindi naman inakala ni Jasmin na ang mayamang tulad ni Jhayvee, napapadpad din pala sa ganitong lugar. Kumain sila ng street foods tulad ng fish balls at isaw. Talagang mas maraming nalalaman ngayon si Jhayvee sa kinababaliwan niyang crush ngayon. Napapansin niya rin ang mga kilos nito na tila pamilyar na sa kanya. “Alam mo, naaalala ko sayo yung kababata ko dati.” Sabi ni Jasmin sa kanya. “Talaga? Pa’no mo naman nasabi?” tanong ni Jhayvee. “Mayaman din siya katulad mo pero alam mo, paborito niya ang fish ball at isaw. Tago nga kaming kumakain nun para hindi makita ng mommy niya eh” Masayang ikinuwento ni Jas sa kanya na napansin niyang nakangiti lang. “Masyado na ba ‘kong madaldal?” Ilang na tanong ni Jasmin. “No. Natutuwa lang ako sayo. Kahit yung mga ganon naaalala mo pa din hanggang ngayon” Sabi ni Jhayvee. “Oo naman. Special sakin yung kababata kong yun. Eto nga oh! Kahit ten years na kaming hindi nag kikita suot ko pa din yung singsing na binigay niya” “E nasan na siya ngayon?” Tanong ni Jhayvee yumuko naman si Jasmin sabay sabing “Matagal na niyang kong iniwan. Siguro nga kinalimutan na ko nun” Yung oras na yun, nakita ni Jhayvee ang kalungkutang tinatago ng akala niya’y masayahing si Jasmin. Inabot nito ang panyo niya sa muluha luha nanamang si Jasmin pero tinanggihan niya ‘to at sinabing “Wag na. Dala ko yung binigay mong panyo kanina oh!” Ngiti namang sinabi ni Jasmin. Bilib na ko dito, kanina mangiyakngiyak na siya tapos ngayon tumatawa nanaman. “Maganda nga baliw naman” mahinang sinabi ni Jhayvee pero narinig pa rin ni Jasmin. “Anong sabi mo!?” Tanong niya para ulitin ang sinabi ni Jhayvee sa kanya. “Wala. Nevermind” “Weh? Hindi porket crush kit..” nadulas nanaman siya. Tinatawanan naman siya ni Jhayvee pero siya pulang pula na. “Okay lang.” Sabi ni Jhayvee sa kanya “Talaga crush?” Two down. Inatake nanaman siya ng pagka clumsy niya. “Oo. Tawagin mo na ko kahit san mo gusto. Kung crush sige lang. It’s my pleasure” at nginitian nanaman siya ng napaka poging tao na nasa harap niya.
Talagang na at home na sila sa isa’t isa. Hindi na naiilang si Jhayvee na tawaging crush ang crush niya sa sandaling panahon. Talagang dream come true na ‘to para sa kanya. “Tara. I want to show you something” kinuha ni Jhayvee ang kamay ni Jasmin. Hindi niya alam kung san siya dadalin nito pero wala na siyang paki alam dun. Eto na siguro ang minutong pinaka itatago niya. Ang hawak ng crush niya ang kamay niya. Hindi pa dun natapos ang tuwa ni Jasmin. Sa sea side siya dinala ni Jhayvee at saktong sunset na. Ang pinaka paboritong view sa lahat ni Jas. Talagang napaka hiwaga ng araw niya kasama si Jhayvee. Coincidence na pareho nilang gusto ang sunset view. “Bagay nga kami! Yiii” Bulong ni Jasmin sa sarili. Best day ever na nga ‘to. Kung panaginip lang ayaw na niyang magising.
“Ang ganda no?” Tanong sa kanya ni Jhayvee habang nakatingin sa kanya habang siya sa sunset. “Oo nga” simpleng sagot naman sa kanya ni Jasmin. “Alam mo ba kung bakit mas maganda ang sunset compared sa sunrise?” Tanong ni Jhayvee kay Jasmin. “Hmm.. Kasi mas nakikita yung maganda nito dahil mag gagabi na.” Sagot ni Jasmin sa tanong niya. “Malapit na.” “Nyek. E ano ba?” “Sunset is a sign of goodbye..” natigil siya ng makita niyang bigla nanaman naging malungkot ang maganda mukha ni Samantha pero tinuloy niya ang pagsasalita “..na hindi lahat bad goodbyes. Sometimes, after goodbyes comes better hellos” Napangiti naman nito si Jasmin“Yan mas maganda” sambit ni Jhayvee. “Mas maganda ang alin?” “Ikaw. Mas maganda ka pag naka ngiti.” Nabato nanaman si Jasmin sa kinauupuan niya. “Ibang level na to ah! Sinabihan na ko ng maganda ng crush ko. Totoo? Uy Lord, wag po masyadong maraming blessings. Baka masanay ako. Hehe” bulong nito sa sarili. Sinundan naman ni Jhayvee ang sinabi niya. “Ganito mukha mo pag malungkot ka” at nag make face si Jhayvee sa kanya. “bleeh!” “Hala grabe ka! Hindi naman! Hahaha.” “Oo kaya. Eto pa oh” at nag make face ulit siya pero mas nakakatawa na. Pareho na lang silang tumawa.
Ilang minuto ang lumipas ng ayain na ni Jhayvee na ihatid na siya nito pauwi dahil gabi na. Nasa tapat na sila ng bahay nila Jasmin “Uy crush thank you ha. Best day to.” Sabi ni Jasmin bago pumasok ng gate. “Wala yun. Sige na. See you tomorrow.” “Tomorrow!?” gulat na tanong ni Jasmin. May date ulit kami? Hahaha! Isip isip nito. “Oo. Tomorrow. Hindi ka ba papasok?” sagot naman ni Jhayvee. “Ah. Hehe. Papasok. Sige na. Baka gabihin ka pa. Bye. Thank you ulit” at pumasok na si Jasmin at umalis na si Jhayvee.
![](https://img.wattpad.com/cover/3759024-288-k925345.jpg)
BINABASA MO ANG
Singsing ng Pangako
Genç KurguWhat if bumalik yung first love mo na akala mo kinalimutan ka na buong buhay niya? Willing ka ba na tanggapin siya at mahaling muli?