Kabanata 4

11 1 0
                                    

“I guess this is it” ngiting sinabi ni Jhayvee sa kaibigang si Niko. Nagbabalak na kasi siya mag tapat ng pag ibig kay Jasmin “Congrats dude. Eto na yung hinihintay mo nang matagal na panahon. Masaya ka na?” tanong naman sa kanya ni Niko. “Sobrang saya. Wala na talaga akong makikitang anghel na katulad ni Jasmin sa buong buhay ko” sambit ni Jhayvee na bakas sa kanya ang kaligayahan. Balak niyang sorpresahin si Jasmin sa isang magandang sunset view.  Lumiban ng klase si Jhayvee para ayusin ang lugar at gusto niyang siguraduhing magugustuhan ito ni Jas. Kasabwat niya ang kaibigan para dito.

            Takang taka naman si Jasmin dahil hindi naman uma-absent si Jhayvee ng walang mabigat na dahilan. Nanibago kasi siya na walang tilian ang mga babae ngayon. “Hmm. May hinahanap siya!” asar ni Charlotte at Aira sa kaibigan. Hindi din maalis ang tinhhin nito sa cellphone niya, nag aantay ng text ni Jhayvee pero wala. “Ano ba kasing nagyari dun?” sabay salungbaba ni Jasmin. Pakiramdam niya’y hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi niya nakikita si Jhayvee. Natapos na ang buong araw nila sa school at buong araw ding hindi mapalagay si Jasmin. “Freshen up nalang sis. Shopping na lang muna tayo” pag aaya naman ni Charlotte sa dalawa “bet ko yan sis! Jasmin tara na. Para naman ma forget mo muna yang si papa Jhayvee. Baka busy lang ang lolo mo” sabi ni Aira. Hinihintay na lang nila sa main exit ang sasakyan ni Charlotte para ihatid sila ng bigla namang may humintong van sa harap nila. Bumukas ang pinto at biglang hinablot ang tatlo. “Waaahh! Kidnapper!” sigaw ng tatlo pero agad namang sinara ang pinto at agad na umalis ang van. “Ano ba! Kaloka mga to. Sino ba kayo?” galit na sinabi ni Aira sa mga humablot sa kanya. “In fairness pogi” bulong naman niya sa sarili ng makita ang mga kidnappers. “Basta sumunod na lang kayo. Hindi kami kidnapper no. Kaibigan kami nila Jhayvee at Niko” sabi nung isang lalaki. Tila nabuhayang muli ang magkakaibigan lalo na si Jasmin. Binaba sila nito sa isang beach na hindi kalayuan. “Sinaktan ba nila kayo? Haha” pamungad naman ni Niko sa tatlo. “Well kung hindi ‘to maganda, yari kayo!” pagtataray naman ni Charlotte dito. Tinignan naman niya ni Niko na tila nag tataka sa kanya “I’m Charlotte. Best friend ni Aira at Jas. Nasali lang naman ako sa hinablot niyo” pagpapaliwanang naman ni Charlotte na may kasamang pag tataray. “I see. Oh siya! Pumunta na kayo dun.” Sinabi ni Niko sa tatlo at nag lakad na sila papunta sa pangpang ng dagat.

            Kasabay ng paglalakad ng tatlo ang pabilis ng pabilis na tibok ng dibdib ni Jasmin. “Ano ‘to? Anong meron?” tanong niya sa sarili habang iniikot ang mata sa  kanyang paligid. Punong puno ng pulang rosas ang paligid at sa dulo’y may nagtutugtog pa ng byolin. “Emeghed sis. Like OMG! Eto na yung pinapangarap mo.” Sabi naman ni Aira sa kaibigan. Tama nga siya. Simula noong crush niya pa lang si Jhayvee, katulad ng ibang babae pinagpapantasyahan niya din ito. Hindi lang talaga siya makapaniwala na nagkakatotoo na ito ngayon. Nakarating na sila sa dulo, nakaharap sa papalapit ng sunset view nang biglang may nag salita galing sa likod nila. “Jasmin” simpleng bigkas ni Jhayvee. Nahinto naman ang tatlo at nag usap muna ng saglit bago harapin si Jhayvee. “Uy Charlotte! Makikita mo na din si papa Jhayvee” kilig na sinabi ni Aira “Oo nga eh. Tignan natin. yes lang sasabihin mo Jasmin if ever ha! Eeehh!” kilig ding sinabi ni Charlotte kay Jasmin. Nginitian lang sila ni Jasmin na hanggang ngayon e hindi pa din makapaniwala.

            Sa pag harap ng tatlo, laking gulat naman ni Charlotte ng makita niya “Cupcake?!” sabi niya. “Magkakilala kayo?” tanong naman ni Aira. “Aira, Jas, siya yung kinukwento ko sa inyo. Yung nakilala ko sa Paris” hindi naman makapaniwala si Jasmin sa narinig. Kahit si Jhayvee ay nagulat sa nakita. “Charlotte, hindi mo nabanggit sakin na magkaibigan pala kayo ni Jasmin” ngiti namang sinabi ni Jhayvee pero iba ang reaksyon dito ni Jasmin. “Okay. Gogora na muna kami ni Charlotte. Moment niyo muna ‘to ni Jasmin. Diba Charlotte?” sabi ni Aira sabay hablot kay Charlotte palayo sa dalawa. Naiwan naman si Jasmin na walang reaksyon ang mukha. “Jasmin, eto na siguro yung tamang oras para mas makilala mo ko” sinabi ni Jhayvee na nagpataka sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?” “Jas, hindi kita iniwan. At hinding hindi kita iiwan.” Sabi ni Jhayvee sabay sa pagpapakita niya sa isang singsing. Laking gulat ni Jasmin at ang kilig na nararamdaman niya’y nahaluaan ng pagtataka. “I-ikaw si J-jhay?” nanginginig na tanong ni Jasmin sa kanya. Ang singsing na suot ni Jasmin na binigay sa kanya ng kababata niya ay kapareho ng singsing na hawak hawak ni Jhayvee. “Oo Jas. Ako nga. Jhayvee Alcantara ang tunay kong pangalan.” Sinabi ni Jhayvee na kita ang sinseridad sa kanya. Nagulat naman siya sa naging reaksyon dito ni Jasmin. Tahimik lang ‘to pero unti unti ng tumulo ang mga luha sa mata nito. “Kung hindi mo ko iniwan? San ka nag punta? Bakit hindi ka bumalik?! Kinalimutan mo ako!” pasigaw na sinabi ni Jasmin sa kanya habang tuloy tuloy na ang pag daloy ng luha sa kanyang mata.

            Doon, unang nakita ni Jhayvee ang tuloy tuloy na pag luha ng minamahal. Inakala niyang matutuwa siya kapag inamin na niya ang tunay niyang pag katao. Mukha ngang nagkamali siya. Naging sila na kasi pitong taon ang nakalipas pero nag kahiwalay din dahil kinailangang lumipat nila Jhayvee sa ibang bansa ng matagal na panahon. Sinubukan niyang sabihin kay Jas pero hindi na niya nagawa dahil sa biglaang araw ng pag alis nila. “Tsaka na lang natin pag usapan ‘to Jhayvee. Naguguluhan pa ko eh. Sorry.” At agad namang umalis si Jasmin.

Singsing ng PangakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon