3 - The Beginning of Scitus Games

2.7K 187 75
                                    

Hello! To those who are still confused as to what 2025: RL really is about, ito po ay 2025 + 2025: The Second Half Bardagulan Version 😌



STREAM WEEKEND!








3 - The Beginning of Scitus Games



"Drew, come on!" naiiritang tawag ni Lucas sa kanyang kababata. Kanina pa siya naiinis dito dahil sa gitna ng ingay at maraming tao, wala itong ibang ginawa kung hindi ang hanapin ang kasintahan nito. "The coach is looking for us."



"Tangina, sabi niya kasi kanina pa siya nandito. Saka ito ang unang Scitus Games na kami na. Dapat magkasama kami," nakabusangot na sabi ni Andrew saka inayos ang pagkakasukbit ng kaniyang duffel bag.



"You can't take her with you on the field."



"Dude." Kunot ang noong tinignan ni Drew ang binata, hindi natutuwa sa biro nitong tunog pinagbabantaan ang buhay niya. Hindi siya nito pinansin at dire-diretso lang na naglakad. Nakasimangot pa rin siyang humabol.



Narating ng dalawa ang main gate ng Scitus University at papasok na sana nang patigilin sila ng guard. Pinatugtog ang national hymn at wala silang nagawa kung hindi ang ilagay ang kanang kamay nila sa dibdib.



"Tangina ka talaga, Samson," inis na bulong ni Lucas.



"Tangina ka rin, Gomez," bulong ni Andrew pabalik. "Nagtatagalog ka lang talaga 'pag mumurahin mo na 'ko, 'no? Nakakatouch."



Hindi na nagsalita pa si Lucas. Lalo siyang nainis nang matapos ang flag ceremony at nakasabay nila ang bugso ng mga tao papasok sa main gate. Malamig pa ang hangin ng umaga pero mainit na ang ulo niya at sobrang higpit na ng kapit sa sariling baseball bat na kulay ginto.



Nang makalagpas sila sa karamihan ng mga tao, nagdidilim na ang mukhang inayos niya ang suot na varsity jacket na may nakaburdang Gomez at malaking number 3 sa likod.



Nagpatuloy sa paglalakad ang magkaibigan at malapit na sana sa club room ng baseball varsity team nang biglang sumigaw si Andrew.



"Hanna!"



"Honeybunch!" sigaw ng dalaga pabalik.



"What the fuck?" hindi napigilang sabihin ni Lucas habang pinapanood ang kaibigan na tumatakbo papalapit sa girlfriend nito. Lalong napakunot ang noo niya nang magyakapan ang dalawa sa gitna ng daan. Mabilis siyang tumalikod at walang paalam na nauna nang pumunta sa field.



*****



"Ang init," nakangiwing reklamo ni Warren sa loob ng jeep habang tinatanggal ang kaniyang jacket. Ingat na ingat siyang hindi masiko ang katabi niyang nanay na may dalang baby.



"Ginusto mo 'to," bulong ni Yuan saka kinuha ang jacket ng binata. Itinupi niya iyon saka ipinatong sa kaniyang mga hita. "And don't start me with public transpo, Kuya Wawie. If you just try learning how to drive, life would be easier for the both of us."



"I'm not starting anything!"



"Nabubulok na 'yong pickup truck sa garahe mo. Sayang lang."



"Akala ko rin kasi ihahatid ka ni Tito Henry ngayon. Sasabit lang sana ako."



"Mukha kang may sabit."



2025: RLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon