76 - The Favorite Mistake

1.5K 104 96
                                    






Wag na kayo magbasa, tara sa TikTok.
Kidding hahahaha but I made some vids (pov ng characters) and thinking of making more depende sa ideas/trends and time. Skl!







76 - The Favorite Mistake



"Oh, akala ko ba umuwi na 'yan?" takang-taka na tanong ni Jet nang makalabas sila sa engineering building at nakita nila si Yuan na papalapit sa kanila.



Nagkibit-balikat si Kenzo, bahagya ring nagulat kung bakit naroon pa ang kababata niya habang uwian na. "Tumambay siguro sa unit ni Lucas—"



"Rina." Hindi pinapansin ang iba niyang mga kaibigan, diretsong tumingin si Yuan sa mga mata ng dalaga na tila ba ito lamang talaga ang hinihintay niya. Huminga siya nang malalim. "I'm sorry, but I want out of the plan."



Napakunot ang noo ng lahat. Pansin ni Mariz ang nakakuyom na mga kamay ng best friend niya kaya naintindihan niya agad ang sinabi nito. "Yuan—"



"I love you and I'd do anything to make you happy..." Pinanatili ni Yuan ang mga mata kay Rina, hanggang sa manubig ang mga iyon. "...but we're hurting Aiah."



"Yuan..." Napalunok si Rina, hindi alam ang sasabihin. Nag-init din ang mga mata niya habang sinasalubong ang tingin ng kaibigan.



"She just lost a sibling. That's—"



Iyon lamang ang kinailangang marinig ni Mariz at hinila niya na ang pinakamatalik na kaibigan para yakapin. Alam niyang hindi ito basta-bastang magsasalita ng ganoon. Alam niyang iniisip nitong para kay Aiah ang lahat, kahit pa parte ng desisyong sinabi nito ay ang trauma nito mula pagkabata. "We understand. Calm down."



"Let's not make things harder for her, please?" bulong ni Yuan, sapat lamang para marinig ng mga kaibigan niya.



"Was I cruel to you all?" Iyon ang unang sinabi ni Rina nang makapuwesto sila sa isa sa mga bakanteng lamesa sa loob ng Scitus Cafe. Iyon din ang lamesang inokupa nila noong una nilang pinag-usapan nang masinsinan ang topic na iyon. "I'm sorry."



"Ano ka ba, kaibigan mo kami kaya—"



"Hindi ko kayo dapat idinamay do'n," umiiling na putol ng dalaga sa sinasabi ni Mariz. "Sarili ko namang katangahan 'yon. Ako ang pumili, tapos ako 'tong hindi makatanggap sa kinahinatnan ng lahat. Sorry."



"You were also hurt," sedyosong paalala ni Kenzo na muli lamang inilingan ni Rina.



"But I deserved it."



Agad na kumontra si Yuan. "Hey, no—"



"No. Don't try to convince me otherwise, kasi sigurado akong karma ko na 'to. And it won't comfort me anyway."



Natahimik ang lamesang iyon, at ang buong cafe na sila lamang ang customer, matapos ang huling sinabi ni Rina. Ramdam niyang tinatantiya lamang ng mga kaibigan niya ang nararamdaman niya kaya tumawa siya. "Sa tingin n'yo, 'pag si Andrew, papayag magreto ng teammate? Ayaw ni Lucas eh."



"Siraulo ka," hindi napigilang sabihin ni Jet. "Seryoso ka na ba diyan? Mamaya niyan, iiyak ka nanaman."



"Ano ba! Natututo na nga 'yong tao."



2025: RLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon