65 - Official

1.6K 143 105
                                    

Hello there! I just want to say that I love how y'all adopted Wawie's pointing system na kahit tapos na siyang bumoto, nagbibigay pa rin kayo ng points. Scorers na rin kayo sa Lucas vs Yuan's kilig battle hahahaha y'all are so cute! I appreciate that 💚



65 - Official



"I bet your phone's on silent mode again."



Mula sa librong ini-scan niya, napaangat ang mukha ni Yuan sa kamay na kumuha ng isang libro sa pinakataas ng shelf na katapat niya. Napangiti siya. "I'm inside the library as you can see."



"That doesn't stop me from worrying, Ignacio."



Isinara ng dalaga ang hawak na libro saka tumalikod. Lumawak ang ngiti niya nang sumalubong sa kaniya ang mukha ng binata na limang pulgada lamang ang layo sa kaniya. "I'm doing research stuff, Gomez. Reschedule your landi session, please."



Bahagyang napatawa ang binata. "Just wanna inform you first that we'll have an official game next month."



"Pake ko?" mabilis na biro ni Yuan at napatawa siya nang ganoon din kabilis na sumama ang timpla ng mukha ng binata. "Chill, I'm just kidding."



Hindi nagbago ang ekspresyon ni Lucas. "I was so excited I'd finally have a plus one at the bench."



"Pia was your—"



"Don't mention that," mabilis na sabi ng binata saka tila nagdadabog na ibinalik sa shelf ang librong hawak niya.



"Okay, I won't," nagpipigil ng tawa na sabi ni Yuan. Napakagat pa siya sa ibabang labi kaya lalo siyang sinamaan ng tingin ni Lucas. "I'm not saying anything!"



Napabuntong-hininga na lamang ang binata. Muli namang humarap si Yuan sa shelf at bumalik sa paghahanap ng librong makakatulong sa thesis nila ni Mariz. May nakita na siyang panibagong libro nang muling magsalita si Lucas.



"The game's against main campus again."



"Then you better—" Napatigil si Yuan sa pagsasalita nang, mula sa space na naiwan ng librong kakukuha niya lamang, may nakita siyang dalawang pamilyar na mukha na nasa kabilang aisle. Mabilis siyang yumuko at hinila rin si Lucas pababa.



"What are we—"



"Sshh!" saway ni Yuan sa binata.



Napapakunot ang noong sinilip din ni Lucas ang tinitignan ng dalaga mula sa mga siwang ng mga libro. "Isn't that Gian? With the new lady?"



"She's Aiah and they are now thesis partners," ani Yuan nang hindi tinatanggal ang tingin sa dalawa. "Rina dropped him."



"And we're hiding here because?" Nalilito pa ring tinignan ni Lucas ang katabi niyang tila nagtatago.



"Rina still loves him." Bumuntong-hininga si Yuan saka sandaling lumingon sa binata. "We promised to help her but I wanna know the situation on the other side first. Gian is a good guy, and Aiah is also a friend, I don't want to—"



Naputol ang pagsasalita ni Yuan nang mamalayang may nakatingin sa kanila. Mabilis siyang tumayo nang maayos saka ngumiti nang pilit sa isang estudyanteng kumukuha rin ng libro sa parehong aisle. Nang makaalis ito ay napabuntong-hininga siya.



"You looked too obvious," bulong ni Lucas.



"I just wanna hear—" Muling napatigil si Yuan sa pagsasalita nang hilahin siya ng binata. Itinuon nito ang kaliwang braso sa shelf kaya napaatras siya at wala nang nagawa kung hindi ang mapasandal sa mga naghelerang libro. "What are you doing?" tanong niya saka napalunok dahil sa lapit nilang dalawa sa isa't isa.



2025: RLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon